Athalia'sPOVIminulat ko ang aking mga mata ng magising ako. Iginala ang paningin sa kung saan naroon ako. Oo nga pala, nakatulog pala ako nang makasakay kami ni Luke sa van kanina. Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng katawan ko kanina. Huminga ako ng malalim at bumangon, pero pagbangon ko bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sh*t! Dali-dali akong nagtungo sa banyo at doon naduwal. "Anak, okay ka lang?" Lumingon ako para tingnan kong sino iyon. Si inay! Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang bimpo na nakasabit sa wall tsaka hinarap si inay."Bakit po kayo nandito? Di po ba dapat nasa reception kayo? Asan po si Luke?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Natawa ng mahina si inay."Pinakiusapan ako ni Luke na bantayan ka at siya muna ang umasikaso sa kasal." ani inay. Tumango-tango ako at tsaka lumabas ng banyo. Nakasunod naman si inay sakin. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Nakatayo naman si inay sa aking harapan."Kailangan ko na siguro magpa-checkup bukas inay.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan si Athalia na nagluluto ng agahan namin ng umagang iyon. Linggo, kaya wala si Ate Tessa dahil pinag-leave ko muna siya ng dalawang araw para makasama niya ang kaniyang pamilya. Dahil isang buwan siyang walang day-off, pero syempre bayad ang araw niya. Ka-buwanan ngayon ni Athalia, at paniguradong malapit na siyang manganak dahil nangangalahati na ang buwan. Exciten na akong makita ang anak namin. Minsan tinatanong ko kung magiging kamukha ko ba siya o baka magiging kamukha ni Athalia? Lumapit ako kay Athalia at niyakap siya mula sa likuran tsaka hinalikan sa taenga."Ano niluluto mo?" tanong ko sa kaniya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. "Bacon, sausage and ham." aniya. Bigla siyang humarap kaya agad akong dumistansya sa kaniya. Tinitigan ko siya, mata sa mata."Good morning baby." bati ko sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Ngumiti siya pabalik."Good morning too, baby. Mas maganda na maupo ka na sa mesa at ipaghahain kita." aniya at
After 5 yearsLuke'sPOVNang magising ako, nilingon ko ang aking katabi na walang iba kundi si Athalia. Ang aking pinakamamahal na maybahay. Tinitigan ko siya at hindi maiwasan mapangiti dahil sa angkin niyang kagandahan. Kahit lumipas ang mga taon, wala pa rin nagbabago sa kaniya. Siya pa rin ang pinaka-malambing at pinaka-maalaga na babaeng nakilala ko. Sa loob ng limang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi naging madali iyon. May mga tampuhan at away pero hindi matatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Hindi namin pinapatagal ang tampuhan at away, at yun ang mas lalong nagpatatag sa aming dalawa. Limang taon na rin si Lath, at nasa kabilang kwarto siya ngayon. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahan lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Ngayon din ang araw ng aming ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Naghikab si Athalia at inunat ang braso tsaka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagtama ang aming mata. Ngumiti ako sa kaniya."Good morning, baby."
Athalia'sPOV "ANAK, dalian mo kailangan natin magmadali. Ilang araw nalang darating na si Sir Luke at ang pamilya nito. Kailangan malinis ang hacienda, dahil paniguradong madaming bisitang darating." wika ng aking inay. Papunta kami ngayon sa Hacienda Sebastian para maglinis at mag-ayos doon. Wala naman akong trabaho dahil linggo yun. Isa akong Marketing Staff sa Heirwone Enterprise na isang garment factory. Pagkagraduate ko ng kolehiyo, nagtrabaho na ako dahil narin inalok ito sa akin ni Ate Melissa na doon din nagtratrabaho. Ang ina ni Ate Melissa ay nakatatandang kapatid ng Ama ni Luke. Sila na ang naging katiwala ng Hacienda simula nung nag-migrate sa Canada. ang Pamilya Sebastian. Kaya ipinagkatiwala na sa mga ito ang Hacienda. Kababata ko si Luke. Mula limang taon hanggang sa mag sampo ako ay lagi na kaming magkasama. Dahil lagi ako sa bahay nila kapag dinadala ako ng nanay ko doon kapag wala ako
NATAPOS ang kainan at ang mga bisita ay binati ang bagong dating ng "Maligayang Pagbabalik". Nasa may bandang sulok ako kung saan walang ilaw na pwede magbigay liwanag sakin. Ininom ko ang natitirang laman ng baso ko. "Athalia, ikaw ba yan?" Anang baritonong boses na manggagaling sa likuran ko. Lumingon ako at nasilayan ang isang napakagwapong nilalang na nakatayo malapit sakin. "Luke? Oo ako nga. Kamusta ka? Maligayang Pagbabalik!" bati ko sa kanya. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Lumakad siya papalapit sakin. Napakagwapo talaga niya sa suot na kulay abong suit. Yung sapatos niya lang ang itim. Tumabi ito sakin. Tiningala ko ang buwan. Tumingala rin siya. "Hindi ka parin nagbabago Luke. Ikaw parin yung adik sa Color Gray." At nagtawanan kami. Tinitigan niya ako. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Parang anumang oras mawawalan ako ng urirat. "Ikaw, ang laki ng pinagb
PAGKADATING nila sa Sago Restaurant. Isang sikat na Restaurant sa aming bayan. Na-feature na ito sa TV dahil sa sarap ng mga pagkain dito. Pinagbuksan ako ni Charles ng pinto. Namangha ako sa kanyang nakita. Hindi ko akalain na makakapunta ako sa ganitong mamahaling restaurant. Napatingin ako sa sasakyan na nagpark di kalayuan samin. Napakunot noo ako. Iisa lang destinasyon namin. Posible kayang si Luke yun? "Tara. Ano ba tinitingnan mo?" napatingin ako kay Charles. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa Restaurant. "Ah wala. Tinitingnan ko lang kabuuan ng parking area ng restaurant. Sobrang lawak pala." Pagdadahilan ko. Hindi naman pwede sabihin ko sa kaniya na may sumusunod samin. "Magandang gabi po." anang dalawang babae na empleyado ng naturang restaurant ng makapasok kami. Mararamdaman mo talaga na welcome ka sa Restaurant pagpasok mo palang dito. Iginiya kami ng mga ito sa bakanteng mesa na may dalawang upuan. Hinila ni Charle
PAGKATAPOS namin kumain ay agad na kaming pumunta ni Ate Melissa sa kanya-kanyang opisina. Umupo siya sa swivel chair. Naalala pala niya yung bulaklak na bigay ni Charles. Kinuha ko iyon sa gilid kung saan ko iyon nilagay. Binuklat ko ang papel. Pasensya na kung di kita nasundo. May urgent meeting lang talaga ako. Babawi ako pagkatapos nito." - Charles Tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa loob ng bag. Tiningnan ko kung dino ang tumatawag. Si Charles ang tumatawag, sinagot ko agad iyon. May twenty minutes pa naman ako para magsimula sa trabaho. "Hello, Charles. Kamusta?" tanong ko sa kaniya nang masagot ko ang tawag mula rito. Bumuntong-hininga siya na para bang nahihirapang huminga. "May problema ba Charles?" tanong ko. Parang ang bigat kasi ng dinaramdam niya. "Pasensya na kung hindi kita nahatid kanina. Kaya dinaan ko nalang sa bulaklak ang paghingi ko ng paumanhin. Nagustuhan mo ba?" tanong ni
Athalia'sPOV Nang makapasok ako sa CR. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Nakikita ko ang isang babae na kababakasan ng kasiyahan sa mukha, at takot sa mga mangyayari. Ano ba ang naisip ni Luke at kinuha niya akong Sekretarya niya? Nag-iisip ba siya? Bumuntong-hininga ako. Sabagay, walang masama sa ginawa niya. Pero ginulat niya ako. Hindi man lang siya nagpasabi sa akin na may balak siyang ganito para hindi ako nagulat ng ganito. Ngayon, walang dahilan para iwasan ko pa siya. Dahil kahit iwasan ko siya, siya ang kusang lumalapit sa akin. Ano bang ginagawa mo sa akin Luke? Ipinikit ko ang mga mata at kinalma ang sarili. Binuksan ko ang faucet at naghugas ng kamay. Muli, bumuntong-hininga ako bago nagpasyang lumabas ng Comfort Room. Nang makalabas ako, nakita kong seryusong nag-uusap sina Luke at Mr. Lereño habang may papel na nasa harapan. Yun na ba ang kontrata? Naglakad ako palapit