Share

The Trurh

Luke'sPOV

Bakit ba pagdating kay Athalia napakalambot ko? Ganun siguro talaga kapag mahal mo isang tao. Nang umalis sa pagkakaibabaw sakin si Athalia, bumangon ako at kinuha sa bedside table ang liham. Nang makuha iyon, inilabas ko mula sa envelop ang papel na naglalaman ng liham ni dad. Binuklat at binasa para marinig ni Athalia.

"Siguro nagtataka ka kung bakit dinaan ko pa sa sulat, kung pwede ko naman sabihin sayo ng personal. Natatakot ako, natatakot ako na baka kamuhian mo ako ng harapan. Ayaw kong makita ang galit sa mukha mo kapag sinasabi ko na sa iyo ang buong katotohanan. Kaya minarapat ko na sa liham ko nalang sabihin sa'yo ang lahat.

Dito, masasabi ko sa iyo lahat. Sisimulan ko ito sa tunay mong ina. Hindi si Olivia ang iyong tunay na ina, ang pangalan niya ay Jackie Santiago. Kasintahan ko noon ang iyong ina ng may mangyari samin at hindi ko akalain na magbubunga iyon. Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na naghiwalay kami ng iyong ina dahil sa iyong lolo na ayaw kay Jack
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status