Share

First Day

Luke'sPOV

Araw ng Lunes. Ngayon ang unang araw ni Athalia bilang Sekretarya ko. Alas-sais pa lang ng umaga pero hindi ko mapigilang ma-excite. This is it! Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon siya rito. Ang gagawin niya ay imonitor ang mga tanim gaya ng abaka na kadalasang ginagamit sa paggawa ng tela o damit.

 Subalit, may isang kompanya pa si Mr. Michael Lereño, na ngayon ay nagsisimula pa lang. Ang Pontañe Juicy-yo Company kung saan nangangailangan si Mr. Lereño ng mga produktong gagamitin sa paggawa ng Juice gaya ng Buko, Orange, Pineapple, Grapes, Apple, Mango, Melon.

Ang Pontañe ay galing sa pangalan ng kaniyang yumaong ama na si Pontacio Lereño. Mabuti nalang at sa tulong ni Ate Melissa nalaman ko na nangangailangan si Mr. Lereño ng magsusupply sa kaniya ng mga ito lalo at nagsisimula pa lang siya.

 Kasi gusto niya mapagkakatiwalaan ang kailangan niya. Dahil sa nirekomenda ako ni Ate Melissa hindi nag-alinlangan si Mr. Lereño na tanggapin ang alok ko. Mabuti nalang tapos na ang kontrata sa mga bumibili sa mga tanim ko na ang nag-asikaso ay si Tita Odessa Yu na kapatid ni Daddy. 

Ito lang ang tanging paraan para mapalapit ako kay Athalia, dahil kung hindi ako kikilos. Siguradong lalayo ulit ang landas namin, napapansin ko iyon na iniiwasan niya ako dahil sa may kasintahan na ako. At may nanliligaw sa kaniya, nakaramdam ako ng paninibugho dahil sa kaalamang iyon. 

Pero may magagawa ba ako? Kung hindi ko lang iniisip ang mararamdaman ni Mom baka matagal na ako nakipaghiwalay kay Mickaela. Wala akong nararamdaman para sa kaniya. Pure lust only. Hanggang doon lang iyon. Pero kailangan kong makausap si Mom tungkol sa relasyon namin ni Mickaela. Hays. Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga samu't-saring iniisip ko. Biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko dito sa mansiyon.

"Pasok!" pasigaw kong sabi para marinig ako ng nasa labas ng silid. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Mula sa salamin na nasa aking harapan, nakita ko si Manang Daisy na sumilip sa nakaawang na pinto.

"Sir Luke nandito na po si Ms. Athalia. Nasa baba po siya, sa salas." ani Manang Daisy. Napakunot-noo ako. Alas sais y medya palang ng umaga pero bakit nandito na siya? Tinanguan ko si Manang Daisy. 

"Sige po Manang. Pakisabi nalang po bababa na po ako. Pakibigyan narin po siya ng isang tasang kape." ani ko. 

"Okay Sir." aniya at umalis na. 

Tinapos ko na ang pag-aayos sa sarili. Napahawak ako sa dibdib kung saan naroon ang aking puso dahil sa bilis ng pagtibok niyon. Kinakabahan ako. Hindi ko akalain na ganito ang epekto sa akin ni Athalia. Noon mga bata pa kami, masaya ako na lagi ko siyang kasama.

Excited ako sumapit ang Sabado at Linggo dahil yun ang mga araw na makakasama ko siya. Crush na crush ko siya noon, kaya mas sumaya ako ng naging kaibigan ko siya. At excited akong makita siya lagi. Bumuga ako ng marahas na hininga. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin.

"Kaya mo iyan Luke! Ikaw pa! Si Athalia yan." pagkausap ko sa aking sarili. 

Napailing-iling ako dahil sa ginawa ko. Nakasuot ako ng simpleng gray v-neck shirt at Lee maong jeans. Muli, huminga ako ng malalim at lumabas ng opisina para puntahan si Athalia.

NANG makababa ako ng hagdan, tinungo ko ang salas kung saan nakita ko si Athalia na abala sa pagtipa sa cellphone niya. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Natigil siya sa ginagawa at nag-angat ng ulo para tingnan ako. Tumayo siya at ngumiti siya sakin.

"Good Morning, Sir Luke." aniya habang titig na titig sakin.

 Sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti. Nakasuot siya ng floral off-shoulder blouse na litaw ang makinis at maputi niyang balikat. At navey blue high waist pants na hakab na hakab ang makurba niyang katawan. F*ck! She looks sexy. Damn! Pakiramdam ko nag-init ang katawan ko. Tiningnan ko siya sa mata. Iwenestra ko ang kamay ko sa sofa.

"Maupo muna tayo. Bakit ang aga mo ngayon? 8:00 pa ang pasok mo. Iisipin kong na-miss mo ako kaya ka pumasok ng maaga." biro ko sa kaniya. Sana nga totoo na namiss niya ako. Dahil ako, namiss ko talaga siya. Kinagat niya ang labi at nag-iwas ng tingin.

"Ahm. Magpapaalam sana ako Sir Luke— pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.

"Pwede namang Luke nalang. No need to be formal Athalia. Tayo lang naman dito. So ayos lang kung first name basis tayo. I don't mind" ani ko. Nasaktan ako dahil hindi niya sinakyan ang biro ko. O sabihin man lang na namiss niya ako. 

 Tiningnan niya ako at tumango. Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Bakit? Malungkot ba siya dahil kasama niya ako? Bakit napakasakit isipin na hindi siya masaya na magkasama kami? Huminga ako ng malalim para kahit papaano mawala ang kirot sa dibdib ko.

"So ano ipapaalam mo?" tanong ko sa kaniya.

"May pupuntahan kasi ako mamaya. Okay lang ba?" tanong niya. 

"Sige. Ihahatid kita mamaya para hindi— pinutol niya ang iba ko pang sasabihin. 

"Susunduin ako Luke, hindi mo na kailangan na ihatid ako. Thanks by the way." aniya.

Tumango nalang ako. Gusto kong tanungin kong sino ang susundo sa kaniya. Si Charles ba? F*ck! Nakaramdam ako ng inis dahil sa isiping iyon. Pero minabuti ko nalang na manahimik, baka masyado na akong nanghihimasok lalo at trabaho ang pinunta niya dito. Ayaw kong masira ang araw ko kapag narinig ko ang pangalan niya.

"Okay. Nag-agahan ka na ba?" tanong ko sa kaniya habang nakatitig ako sa maganda niyang mukha. 

"Hindi eh. Nagmamadali kasi ako kaya hindi ako nakapag-agahan. Pero, okay na itong kape na nainom ko. Hindi naman ako nagugutom." pagdadahilan niya. 

Hindi ko maiwasang mainis. Nang dahil sa may pupuntahan lang siya kasama ang magsusundo rito, hindi siya nag-agahan. Ganun ba kaimportante ang lakad niya. F*ck!

"Pwede ka naman mag-excuse kung sakali man na kailangan mong umalis ng maaga naiintindihan ko yun. Hindi yung pumasok ka nga ng maaga. Hindi ka pala nag-agahan. Kung hindi ko na tinanong hindi ko pa malalaman." ani ko sa seryusong tinig. Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Lumunok muna siya at tsaka nagbaba ng tingin.

"Pasensya. Galit ka ba?" tanong niya sakin. Para naman kaya kong magalit sayo. Yun ang gusto kong sabihin.

"Walang dahilan para magalit ako Ath."—namiss ko siyang tawagin siyang Ath. Yun kasi ang tawag ko sa kaniya noong mga bata kami. At ako lang ang tumatawag sa kaniya ng ganoon. —"Halika, sabay na tayo mag-agahan." ani ko at tumayo na. 

Kahit nag-agahan na ako sasabayan ko siya para may kasama siya mag-agahan. Tumayo na rin siya kaya ang ginawa ko hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinila siya patungo sa kusina.

"Luke. Baka may makakita sa atin. Malaman ng girlfriend mo." ani Ath. 

Tiningnan ko siya at kinindatan. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Nag-iwas siya ng tingin. Sh*t! Bakit parang kinilig ako dahil ako ang dahilan ng pamumula ng kaniyang pisngi? Fxck! Fxck! 

"Don't worry. Ako ang bahala. Subukan nila magsumbong. Ako makakatalo nila." ani ko at nag-iwas ng tingin.

 Hindi ko na hinintay ang ang sasabihin niya. Hinila ko na siya patungo sa patungo sa kusina. Ang sarap sa pakiramdam ng hawak ko ang kamay niya. Nakakawala ng problema at pakiramdam ko lumulutang ako sa alapaap. Ganito pala ang pakirdam kapag nahahawakan mo ang  taong mahal mo.

"AHM. Paano ang gagawin ko? I mean ano mga gagawin ko? Tinanong ko kasi si Sir Michael kung ano ang mga dapat kong gawin. Ang sabi niya, ikaw na daw ang bahala." aniya habang hinihiwa ang steak na nasa plato. Hindi man lang nag-abalang tingnan ako. Hindi ko maiwasang mainis sa kinikilos niya.

"Look at me Athalia. If you want to ask, please look at my eyes. Are you avoiding me?" ani ko. 

Ayaw ko man maging strikto pero nauubos na ang pasensya ko. Kailangan ko ng mailabas ang kinikimkim kong sama ng loob at pagtatampo. Kailangan ko na mailabas at baka mabaliw ako. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ako ng matalim.

"Hayan. Tiningnan na kita. Okay na? At tsaka hindi kita iniiwasan. Kung iniiwasan kita, sa tingin mo ba nandito ako? Hindi. Please, Luke. Be professional. Nandito ako para sa trabaho hindi para sa personal na bagay." aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa stool. 

"Tapos na akong kumain. Doon muna ako sa labas, magpapahangin muna ako." aniya at lumabas na ng kusina. 

Ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagtulo ng butil ng luha sa kaniyang mata. F*ck! This is my fault! Bakit ba kasi natanong ko iyon. Nasaktan ko tuloy siya. Napasabunot ako sa aking buhok.

"Argh! Fix this mess Luke. Wala pang isang araw na magkasama kayo, nagkaroon na kayo ng sagutan." pagkausap ko sa sarili.

 Mabuti nalang wala si Manang Daisy. Nasa labas kasi siya nagsasampay ng damit. Bumuga ako ng marahas na hininga at inayos ang plato na pinagkainan tsaka nilagay iyon sa lababo. Lumabas ako ng kusina para sundan si Athalia. Kailangan kong humingi ng pasensya sa ginawa ko. That was rude! Napailing-iling ako, hindi na dapat ito maulit.

NAKITA ko siya sa labas ng bahay ng mansiyon. Sa puno ng niyog na nasa kanang bahagi ng mansiyon. Naglakad ako palapit sa kaniya. Lumingon siya sa gawi ko ng makalapit ako. Nag-iwas agad siya ng tingin. Hihingi sana ako ng pasensya pero naunahan niya ako.

"Im sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko. Hindi ko dapat sinabi yun sayo. You are my Boss."—huminga siya ng malalim at tiningnan ako. Kitang-kita sa kaniya mata ang pagsisisi. Napakagat-labi siya—" I'm really sorry Luke." aniya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at pinakatitigan ko siya.

"Tabigin mo ng kamay ko kapag ayaw mong hawakan ko ang mukha mo." ani ko.

Subalit ilang segundo kaming nagkakatigan pero hindi niya tinabig ang kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya at tinitigan ang kaniyang labi na kaypupula, tsaka tiningnan ang kaniyang mga mata.

"Thank you. It's okay. kasalanan ko din dahil mali ang tanong. I mean, hindi tama dahil nandito ka para sa trabaho. Diba?" tanong ko. Pilit kong iniinda ang sakit sa mga sinabi ko. Pero yun ang totoo. Tumango siya.

"Yes."

"So let's start. Ituturo ko sayo ang mga dapat mong gawin." ani ko at tumalikod na. Lumingon ako sa kaniya.

"Come on. Sa office ko kita tuturuan." ani ko at nauna nang naglakad.

 Hindi ako papayag na ganito ang magiging relasyon namin. Boss-employee relationship, kaya ko siya kinuhang Sekretarya ay dahil gusto kong maging malapit kami sa isa't-isa. Gusto kong bumawi sa mga panahon at mga taon na hindi ko siya nakasama.

Nang makapasok kami sa mansiyon. Dumiretso kami sa pangatlong palapag kung saan naroon ang opisina. Nang makapasok kami sa loob. Nagriring ang cellphone ko. Agad ko iyon nilapitan na nakapatong sa study table. Si Mickhaela ang tumatawag. Sinagot ko iyon.

"Mickhaela. Napatawag ka?" tanong ko. Naramdaman ko na biglang natigilan si Athalia pagkarinig ng pangalan ni Mickhaela.

"Sweet, name basis? But, it's okay. Tumawag ako para ipaalam sayo na pupunta kami ni Tita Olivia sa Laguna. Titingnan niya daw ang Seb Farm. So, baka doon muna kami mag-stay. Mamimiss kita Sweet. Tatawag ako kapag may time." aniya. 

Tiningnan ko si Athalia. Abala siya sa cellphone niya. Sino ba ang katext niya at abala siya sa pagtipa? 

"Sweet are you still there?" tanong ni Mickhaela. Tumikhim ako.

"Yes, I'm still here. Okay, basta tawagan mo ako kapag pauwi na kayo." ani ko.

"Ofcourse. And we made love again and again and again. I miss those moment how you cherish my body, sweet. So I'm so excited to— pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.

"Mickhaela, i have many things to do. I hang up now. Take care okay? Bye." ani ko at pinatay na ang tawag.

Made love? For me, it's just a sex. Kung may iba man na gusto kong gawin ang bagay na yun with love. I will do it with Ath, my beloved bestfriend. Natigilan ako sa isiping iyon. F*ck! Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Tiningnan ko si Athalia. 

"Ath." ani ko para kunin ang atensyon niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status