Share

The Visit

Athalia'sPOV

Natigilan ako sa ginagawang pagtetext, nang tawagin ako ni Luke sa palayaw na madalas niyang itawag sakin noong bata pa kami. Namiss ko na tawagin niya ako sa palayaw ko sa kaniya. Sobrang namiss! Nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya. Seryuso ang kaniyang mukha, walang emosyon na mababasa. Ibinalik ko ang cellphone sa bag. 

"Sino ang katext mo?" tanong niya sakin. Nagbaba ako ng tingin.

 Galit ba siya? Nahihiya tuloy ako, dahil umuusad ang oras ko pero iba ang ginagawa ko. Sh*t! Ginawa ko lang dahilan yun para hindi mapunta ang atensyon ko sa kaniya na kausap si Mickaela. 

"Pasensya na, may tinanong lang sakin si Charles." ani ko. 

Tinatanong niya kung matutuloy ang lakad namin mamaya. Alam ni Charles na dito ako nagtratrabaho, ramdam ko sa mga salita niya kagabi ang selos. Pero, nirerespeto niya ang relasyon naming dalawa ni Luke —bilang magkaibigan. Bumuntong-hininga si Luke.

"Look at me Athalia." aniya. 

Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Nag-angat ako nang tingin at tinitigan niya na ngayon at paupo na sa sofa na katapat niya. Napalunok ako dahil sa intensidad ng titig niya sakin. Nakaramdam ako ng pagkailang.

"Bakit?" tanong ko.

"Talaga bang desidido kang magpaligaw kay Charles?" taking niya sakin.

"Oo naman." ani ko. Tumango-tango siya. Biglang umaliwalas ang kaniyang mukha.

"So, magsimula na tayo?" tanong niya. Tumango-tango ako.

"Oo naman, ano ba ang mga dapat gawin?" tanong ko.

"So, this day is about briefing muna ng mga gagawin mo." aniya. Tumayo siya at pumunta sa study table at binuksan ang drawer nun. May kinuha siyang papel at iniabot iyon sakin.

"Nandyan lahat mga dapat mong gawin. You can review it at home. For now, bibisitahin muna natin ang abakahan. Sinabi sakin ni Mr. Lereño na kailangan kong magreport kung kamusta ang abaka. At ikaw ang gagawa nun." aniya habang nakatitig sakin. Sinalubong ko ang titig niya. Wala akong alam sa abaka. Anong ilalagay kong report?

"Wala akong alam sa abaka. At sa pagkakaalam ko ang dapat ko lang gawin ay imonitor kung gaano kadami ang maibibigay mong prutas na gagamitin sa kompanya." ani ko. Yun ang magiging trabaho ko sa Pontañe Juicy-yo Company.

"That's your job kapag nasa opisina ka. Pero, dahil nagtratrabaho ka sakin Athalia. Ang mga trabaho ko para sa kompanya ang gagawin mo basta patungkol sa reports na ipapasa ko kay Mr Lereño." aniya na may ngiti sa mga labi. Sh*t! Bakit ba hindi ko binasa ang kontrata? 

"So ibig sabihin ikaw ang nagpapasahod sakin?" tanong ko habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Tumawa siya sa reaksyon ko.

"Ofcourse, Ath. I can double your salary in PJC." aniya.

 Bakit ba niya ginagawa ito? Ayaw ko magtanong. Anuman ang dahilan niya, ayaw ko na alamin. Basta, ang trabaho ang pinunta ko wala ng iba.

"Are you tricking me?" tanong ko. Natawa siya sa sinabi ko.

"Ath, bakit ko naman gagawin yun sayo? Nasa kontrata yun, at ako ang nagpapasahod sayo Ath. Hindi ang boss mo kundi ako." aniya na nawala na ang ngiti sa mga labi at naging seryuso na. 

Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang tanggapin na ako ang Sekretarya niya. Gustong-gusto kong yakapin siya pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka maging marupok ako at maulit ang halik na namagitan samin. Hangga't maaari gusto ko siyang iwasan.

"Okay, Luke. So, tara na?" tanong ko para maiba na ang usapan namin. Tumango siya at tumayo.

"Let's go habang maaga pa. Kapag tanghali na tayo pupunta, mainit na." aniya at tumayo na tsaka binuksan ang pintuan. Inilahad ang kamay sa nakabukas na pintuan tsaka ako sinulyapan.

"Ladies first." aniya.

Ngumiti ako. What a gentleman. 

HABANG daan patungo sa karatig-bayan kung saan nakatanim sa isang malawak na bukirin doon ang abaka na tanim nina Luke, nakaramdam ako ng antok. May mga tinapos pa kasi akong report kagabi na kailangan nang maipasa kaninang umaga. 

"Ipikit mo muna ang mga mata mo. Kanina ka pa papikit-pikit. Medyo malayo pa ang lalakbayin natin. Mukhang napuyat ka ata?" tanong niya. Bakit pakiramdam ko may sarkasmo sa tono ng boses niya? O guni-guni ko lang yun.

"Napuyat ako dahil may mga tinapos akong reports na ipapasa sa department ko, tapos maaga pa ako nagising kaninang umaga." wika ko at ipinikit na ang mga mata, dahil talagang pipikit na.

"Tapos nakikipagkita ka kay Charles, you sacrifice your time for him. Hindi ko alam pero nagseselos ako, Athalia. Nagseselos ako dahil sa pagbibigay mo ng importansya sa kaniya." aniya na naging dahilan para mawala ang antok ko. Napabaling ako sa kaniya. Nagtatagis ang bagang niya.

"Huh? Bakit ka nagseselos sa kaniya, Luke? Nahiya ako kasi hindi ko siya napaunlakan kahapon nang yayain niya ako mag-dinner. Kaya nang yayain niya ulit ako kagabi para sa isang dinner date, pinaunlakan ko na. Importante ka sakin Luke, you don't need to compare yourself to him." ani ko.

 Totoo yun, kung hindi lang dahil kay Mickaela. Baka mas nakatuon ang atensiyon ko kay Luke. Baka, wala na rin akong balak magpaligaw. Pero dahil may kaniya-kaniya na kaming buhay, panahon na para isipin ko ang buhay pag-ibig ko.

 Ayaw ko naman sabihin kay Charles na napuyat ako, talagang eager si Charles na yayain ako mag-dinner. May pupuntahan daw kaming lugar na tiyak na magugustuhan ko. Kaya pinaunlakan ko na. Pero, Bakit ganun? Hindi ako makaramdam ng excitement.

"Dahil mas nabibigyan mo siya ng pagpapahalaga kaysa sakin Ath. Kaya mong magsakripisyo para sa kaniya. Samantalang ako, hindi."—Hininto niya ang kotse sa gilid ng kalsada at tumingin siya sakin. Tinitigan niya ako sa mga mata."Hindi mo alam kung gaano kita namiss Ath. Sobrang miss na miss kita. Pero, hindi mo man sabihin sakin. Iniiwasan mo ako— pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.

"Dahil may kasintahan ka. Mali. Mali na makitang close pa rin tayo, Luke. You have a girlfriend, at babae ako. Kahitagkaibigan lang tayo, babae pa rin ako. Alam kong masasaktan siya kapag nakita niyang magkasama parin tayo. So please, bear with me Luke. Kahit naman hindi tayo lagi magkasama, ikaw parin ang best friend ko." ani ko at titig na titig sa kaniyang mga mata. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin.

"Mahirap, sobrang hirap."—aniya at nag-angat nang tingin.—gagawa ako ng paraan para hindi mo ako iniiwasan ng ganito, Ath. Naiintindihan kita, kaya ayos lang. Hangga't nakakausap kita at nakikita. Sapat na sakin iyon." aniya at ngumiti.

 Pero hindi umabot iyon sa kaniyang mga mata. Ramdam ko na nasasaktan siya, ngunit nasasaktan din ako. Nadudurog ang puso ko na hindi na namin maibalik ang dating samahan namin dahil may kaniya-kaniya na kaming landas na tinatahak. Sisiguraduhin ko, na sa lalong madaling panahon. Mawawala din ang nararamdaman ko para sa kaniya.

NAGISING ako sa marahang pagyugyog sa aking balikat. Nagmulat ako ng mga mata at nasilayan si Luke na siyang yumugyog sa balikat ko. 

"Nandito na tayo." aniya at agad na lumabas ng sasakyan, umikot sa passenger's door at pinagbuksan ako ng pintuan. Hindi ko maiwasang mapangiti. Luke is really a gentleman. 

"Thank you." ani ko at lumabas ng kotse. 

Nauna nang naglakad si Luke, sinundan ko siya patungo sa kabukiran. Nasa bahagi kami kung saan sa tantya ko nasa dalawampong hektarya ang nasa aking harapan. May barn sa di-kalayuan. Doon papunta si Luke. Nang makarating kami sa barn, biglang bumukas ang pintuan at lumabas doon ang isang lalaki na sa tantya ko nasa singkwenta anyos na. 

"Manong Amboy. Kamusta po?" tanong ni Luke. Ngumiti ang matanda na nagngangalang Amboy kay Luke at sinulyapan ako. Ngumiti ako sa kaniya. Ibinalik muli ang tingin kay Luke.

"Ayos naman, Sir Luke. Maayos po ang mga pananim, sa susunod na linggo pwede na po anihin."—tiningnan muli ako na para bang minumukhaan.—"Ikaw ba yung batang babae na kasa-kasama ni Sir Luke noon?" tanong niya. Bago pa man ako makasagot, si Luke na ang sumagot para sakin.

"Opo, siya nga po, Manong Amboy. Si Athalia Patricia Ramos." aniya at nakita ko sa sulok ng aking mata na tiningnan niya ako.

"Oh. Ikaw pala yan! Ang gandang dalaga ah! Pasok muna kayo Sir Luke, nandito sina Broncio at Daniel. Chenecheck kasi namin kung baka pwede na anihin ang mga abaka ngayong linggo. Naiwan sina Ramon, William at Lando sa may abakahan." aniya at pinapasok kami sa loob ng barn. 

Nang makapasok ako, hindi ako makapaniwala sa nakita. Maayos ang barn, kumpleto sa mga kagamitan. May banyo, set of sofa, refrigerator, kitchen, CR at may higaan din para sa mga trabahador. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Luke na maganang nakikipag-usap sa mga trabahador.

 Ibig sabihin, pinagawa niya ito para sa mga trabahador niya. Hindi ko maiwasang humanga sa kaniya, iba talaga kung pakitunguhan niya ang mga trabahador niya. Parang kapamilya lang. 

Tumingin sa akin si Luke, siguro napansin niya na nakatingin ako sa kaniya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay, pakiramdam ko napaso ako sa pagkakahawak niya. Pero hinayaan ko lang na hawakan niya.

"Si Athalia po pala. Kababata ko po, at pansamantalang Sekretarya ko po na tutulong sakin na magmonitor sa mga tanim." anunsiyo ni Luke sa kanila. Lumapit sakin ang isang matangkad at kalbo na may tattoo sa kanang braso.

"Ikaw na pala si Athalia. Ang laki ng pinagbago mo iha. Dalagang-dalaga ka na. Broncio pala iha." aniya at ngumiti sakin. Hindi ko alam na kilala pala niya ako. Parang namumukhaan ko siya.

"Hindi ko akalain na nakilala niyo po ako. Pasensya po, hindi ko po kayo matandaan ang pangalan niyo pero natatandaan ko po kayo." ani ko. Tumawa si Broncio.

"Ayos lang iha. Tawagin mo akong Uncle Brocio. Bata pa kasi kayo noon ni Luke. Eh noong mag-high school ka hindi ka na masyado nagagawi dito na minsan pinapasyalan niyo ni Luke kapag wala ang mama niya. Eh si Luke, noong dumating dito, nakilala kami agad dahil madalas kaming mag-Skype para alamin ang mga tanim." aniya habang iginigiya ako ni Luke paupo sa sofa, naupo rin si Broncio sa katapat naming sofa. 

Samantalang si Manong Amboy naman ay may kausap sa cellphone, yung isang lalaki nagtimpla ng juice na marahil ay si Daniel. Lumapit samin si Daniel na may dalang tray ng juice at inilapag iyon sa center table tsaka naupo sa pang-isahang sofa. Samantala, lumapit samin si Manong Amboy na tapos na makipag-usap sa cellphone. Umupo siya sa tabi ni Broncio.

"Salamat po." ani ko kay Daniel at nginitian siya. 

"Walang anuman. Daniel pala. May tatlumpu't-isang taong gulang. Panganay ako ni Manang Daisy." aniya at iniabot ang kamay sakin. 

Ah, si Manang Daisy na katulong nina Luke. Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya at agad iyon binitawan. Kumuha ako ng isang basong juice at uminom. Medyo nauhaw ako bigla. Tumikhim si Manong Amboy.

"So, kamusta ka na Athalia? May kasintahan ka na siguro. Sa ganda mo ba namang yan, imposibleng wala kang katipan. Bulag lang ang hindi magkakagusto sayo." aniya na nakangiti. 

Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa sinabi niya. Tumingin ako kay Luke na nakatitig pala sakin. Nag-iwas ako ng tingin at tiningnan si Manong Amboy.

 

"Wala po akong Boyfriend, Manong Amboy. Pero, may nanliligaw po sakin. Si Charles Andrew po ang pangalan." matapat long sagot. Walang dahilan para ilihim ko pa. Malalaman at malalaman din nila, dahil soon sasagutin ko siya. 

"Oh! Charles Andrew. Half-Russian at Half-Filipino siya. Sila ang may-ari ng Andrew Automart Inc. Naku! Maswerte si Andrew sayo. Ano pa ba ang hahanapin niya sayo? Maganda na masipag pa!" masiglang wika ni Broncio na may pathumb-ups pa.

Hindi ko maiwasang matawa ng mahina sa tinuran niya. Hindi ko alam na kilala pala si Charles ng mga ito. Oo, nakita ko si Charles sa isang Magazine noon na may kasamang babae. Pero wala akong alam naay lahi siya. Mukha kasi siyang Pilipinong-pilipino. 

"Salamat po sa papuri Uncle Broncio." ani ko. Biglang tumayo si Luke na ikinagulat ko. 

"Lalabas lang po ako. Kukunan ko pa ng larawan ang abakahan, ipapasa ko kasi iyon kay Mr. Lereño." ani Luke at naglakad na patungo sa pintuan ng barn na hindi man lang ako sinulyapan tsaka lumabas. Bakit nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib? Nagseselos ba siya? Imposible. Walang dahilan para magselos siya, may Michkaela na siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status