Share

Jealousy

Luke'sPOV

Huminga ako ng malalim nang makalabas ako ng barn. Naiinis ako sa topic nila. Sino ba naman ang hindi? Pinag-uusapan nila ang lalaking pinagseselosan ko! F*ck! Kinalma ko ang sarili at inilabas ang cellphone sa bulsa, pumunta sa camera at inanggulo ito sa tamang postora paharap sa abakahan. Kasama sa report na ipapadala ni Athalia ay ang litrato ng abakahan. Pagkatapos kong makakuha ng tatlong litrato, ibinulsa ko na ang cellphone. Saktong palabas ng abakahan sina Lando, Ramon at Tiyo William. 

"Ayos na ang abakahan, siguradong pwedeng pwede na itong anihin sa susunod na linggo." ani Tiyo William sa mga kasama.

"Tiyo William!" tawag ko sa kaniya. Bumaling sa direksyon ko si Tiyo William na agad na lumapit nang mamukhaan ako.

"Bakit nandito ka iho? Baka mangati ka." aniya.

"Ipinasyal ko po si Athalia, nasa barn po siya kasama sina Manong Amboy, Manong Broncio at Daniel. Patungo po ba kayo sa barn?" tanong ko. Tumango siya.

"Oo, magpapahinga lang kami saglit." aniya. Tiningnan niya ang dalawa. —"Mauna na kayo. Susunod ako." aniya sa dalawang kasama na kaagad namang tumalima. Naiwan kaming dalawa ni Tiyo William sa gilid ng abakahan na naliliman ng isang matayog na punong-kahoy.

"Sige po. Kailangan na rin namin umuwi ni Athalia dahil madami pa po siyang gagawin." ani ko. Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

"Si Athalia Ramos ba iyon na kababata mo at crush mo noon?" tanong niya na may ngisi sa mga labi.

"Opo, siya nga po ang kababata ko. Tito naman, matagal na yun. Pero ngayon, wala na po akong paghangang nararamdaman para sa kaniya." ani ko. 

Pero kasinungalingan lang iyon. Ayaw ko lang tuksuhin niya ako at baka malaman pa ni Athalia na nagka-crush ako sa kaniya. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin kay Athalia ang naging atraksyion ko simula noon hanggang ngayon. Kapag naramdam kong gusto niya ako, sasabihin ko iyon sa kaniya.

"Sabi mo e. Kamusta naman kayo ni Mickaela?" tanong niya at nagsimula nang maglakad at sumabay ako sa kaniya.

"Ayos naman po Tiyo. Nasa Laguna daw po sila ni Mom, bibisitahin daw ang Seb Farm. Siguro isang buwan din sila doon." ani ko. Matagal ang isang buwan, kaya susulitin ko ang bawat araw na makakasama ko si Athalia.

"Naku. Siguraduhin mo lang na hindi niya madadatnan si Athalia, tiyak na magseselos yun." aniya na kababakasan ng kaba sa boses. 

Nakwento ko sa kaniya noong isang araw na balak kong gawing Sekretarya si Athalia. Kahit papaano naging malapit din sina Athalia at Tiyo William noong mga bata pa kami.

"Kahit madatnan ni Mickaela si Athalia. Hindi ko hahayaan na saktan niya si Athalia. Kaibigan ko si Athalia, at matagal kaming hindi nagkita at hindi ko hahayaan na siya ang maging hadlang sa pagsasama naming muli." ani ko.

 Magalit na siya kung magalit. Hindi na ako papayag na maghiwalay pa kami. Ipaglalaban ko ang samahang binuo namin. Tama na ang mahigit sampong taon na pagkawalay sa kaniya. Hindi no na ata kakayanin kung mahihiwalay pay ako sa kaniya.

NANG marating namin ang barn. Abala sina Manong Amboy, Bruncio, Daniel, Lando at Ramon sa pag-uusap. Samantalang si Athalia ay nasa isang sulok kung saan nakikinig ito at nakikitawa. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo tsaka sinalubong ako.

"Anong ginawa mo sa labas?" tanong niya.

 Yung inis na nararamdaman ko kanina ay nawala dahil nakita ko siya. Hindi ko naman kayang magalit sa kaniya hang matagal. Tumikhim si Tiyo William na nasa aking likuran. Napabaling ang atensyon ni Athalia dito at ngumiti.

"Tito William, kayo po ba yan?" tanong ni Athalia. Tumawa si Tiyo William.

"Oo iha. Ako nga. Hindi ko akalain na natatandaan mo pa pala ako."—tiningnan niya si Athalia mula ulo hanggang paa.—"Dalagang-dalaga ka na iha. Kelan lang noong parang nene ka pa." ani Tiyo William na ikinatawa ng malakas ni Athalia.

"Hindi pa rin po kayo nagbabago, Tiyo William. Mapagbiro pa rin po kayo." ani Athalia. Tinapik ako ni Tiyo William.

"Doon muna ako kina Amboy." aniya at umalis na. Tiningnan ako ni Athalia.

"Pasensya ka na kanina kung biglang naging paksa namin si Charles. Yun ba ang dahilan kung bakit ka umalis?" tanong ni Athalia. Bumuntong-hininga ako at ngumiti. 

"Hayaan mo na yun, Ath. Kumuha ako ng litrato para maipasa mo mamaya. So, alis na tayo? Tuturuan pa kita mamaya sa mga gagawin mo." ani ko. Tumango siya at bumaling sa mga kalalakihan na nagkwekwentuhan.

"Magpaalam muna tayo sa kanila." aniya.

"Sure." Lumapit kami sa grupo nina Tiyo William at nagpaalam. 

"Kapag may pagkakataon, pasyal ka lang dito ah, Athalia. Para makapagkwentuhan ulit tayo." ani Manong Amboy sa masiglang tinig.

"Opo, Manong Amboy." ani Athalia. 

Matapos magpaalaman, sabay kaming lumabas ni Athalia ng barn at tinungo ang sasakyan. Nang makasakay kami ni Athalia, pinausad ko na ang sasakyan patungo sa mansiyon. Hindi man naging maganda ang mood ko kanina, masaya ako dahil nakasama ko si Athalia. 

NARITO kami ngayon ni Athalia sa opisina ng bahay, kung saan tinuturuan ko siya kung ano ang gagawin, sa paggawa ng report at iba pa. Mabilis lamang matuto si Athalia. Hindi ko maiwasang titigan siya habang gumagawa ng report. Bumaling siya sakin.

"Luke, may dumi ba sa mukha ko?" tanong ni Athalia na mukhang naaasiwa sa ginagawa kong pagtitig sa kaniya. Umiling ako.

"Wala, gusto lang kitang titigan. Natatandaan mo yung mga panahon kapag nahuhuli mo akong nakatitig sayo. Tinatawanan mo ako. Tapos binibiro mo pa ako nun kung crush ba kita?" ani ko. Nagbaba siya ng tingin. Napansin kong namumula ang kaniyang mukha at taenga.

"Syempre matagal na yun. Mga bata pa tayo nun. Walang malisya sakin yun. Pero ngayon, dalaga at binata na tayo. Hindi ko maiwasang mahiya sa ginagawa mo lalo at matagal na panahon na di natin nakasama ang isa't-isa." aniya at tiningnan ako. Ramdam ko sa boses niya ang pangungulila.

"Pwede naman bumawi diba? Kahit na anong mangyari kaibigan mo ako at kaibigan kita." ani ko.

"Oo, nandoon na tayo, Luke. Pero hindi na tayo mga bata. May kaniya-kaniya na tayong buhay. May kasintahan ka, may nanliligaw sakin. Wala naman sigurong mawawala kung sakali man na iwasan natin ang isa't-isa, diba? Please, Luke. Gawin— pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.

"Please Athalia, kahit ngayon lang. Kapag umuwi sina Mom at Mickaela, pangako iiwasan kita. Pero ngayon, hayaan mo naman ako na bumawi sayo. Hayaan mo akong maging Best Friend mo sa loob ng isang buwan habang wala sila. Please, Athalia." ani ko sa nagsusamong boses. Kung kinakailangan na lumuhod ako, gagawin ko para hindi niya ako iwasan. Huminga ng malalim si Ath.

"Okay. Pumapayag ako, Luke. Kahit trabaho talaga ang ipinunta ko dito, hindi naman kita kayang tanggihan. You still my best friend." aniya. Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"I miss you Athalia." ani ko. Ngumiti lang siya. 

"Tapusin ko lang itong ginagawa ko." aniya.

Tumango ako. Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa, habang nakatingin sa kaniya. Gagawin ko ang lahat para ipaglaban mo rin ang pagkakaibigan nating dalawa, Ath. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka sa piling ko at ako ang pipiliin mo kaysa kay Charles. Kailangan ko na gumawa ng hakbang kung paano makikipaghiwalay kay Mickaela.

ALAS-TRES ng hapon. Tapos ng gawin ni Athalia ang report at ipinasa na iyon kay Mr. Lereño, nagliligpit siya ng mga kalat at gamit nang may kumatok sa pintuan. Dahil naka-lock iyon, tumayo ako at binuksan ang pintuan. Nabungaran ko si Manang Daisy, bukas pa papasok si Tita Carmen dahil nagpaalam ito na madami daw gagawin.

"Bakit po Manang?" tanong ko.

"May lalaki sa baba iho. Hinahanap si Athalia. Nasa labas po siya. Sa may swimming pool. Papasukin ko ba?" tanong niya. Sinulyapan ko si Athalia na ngayon ay papasok sa banyo nang opisina.

"Bababa na po ako. Ako na po ang kakausap sa kaniya manang." ani ko. 

Tumango naman si Manang Daisy at umalis. Hindi ko pa man nakikita si Charles, nakakaramdam na ako ng  pagkairita! Bakit sa dami-dami ng pwede niyang ligawan si Athalia pa?! Sabagay, maganda talaga si Athalia. Walang sinumang lalaki ang hindi mabibighani sa angkin niyang kagandahan. Gusto ko siyang ipagdamot. Pero paano? 

 Bumaba ako ng hagdan at lumabas ng bahay tsaka tinungo ang swimming pool kung saan siya naroon. Tumayo si Charles sa upuan na nasa mesa sa gilid ng pool nang makita ako. 

"Nasa opisina pa si Athalia. Baka pababa na iyon." ani ko. Tumango siya sakin.

"Seryuso ka ba talaga kay Athalia, Charles?" tanong ko sa kaniya. Tinitigan akong mabuti ni Charles, mata sa mata.

"Oo naman. Seryuso ako sa kaibigan mo, Luke. Simula nang makita ko siya. Sabi ko sa sarili ko, seseryusuhin ko siya at gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya. Sa totoo lang, gusto ko siyang ipagdamot sayo. Pero hindi ko gagawin yun, Luke. Alam kong kaibigan lang naman ang tingin mo sa kaniya diba?" tanong niya. 

Hindi ko maiwasang mainis sa sinabi niya. Ikinuyom ko ang kamay dahil sa pinipigil na galit. Anong karapatan niyang ipagdamot sakin si Athalia? Kahit higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kaniya. Wala siyang karapatan na hadlangan ang pagkakaibigan namin. Dahil bago pa man siya pumasok sa eksena, magkakilala na kami ni Athalia. Sasagot na sana ako nang sumigaw si Athalia.

"Charles!" 

Napalingon ako sa gawi ni Athalia. Malapad at matamis ang ngiti niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos sa nakita. Tiningnan ko si Charles, nakangiti rin siya ng matamis. F*ck! Gusto kong umalis, pero hindi ko magawa. N

Parang napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan, kaya heto ako ngayon pinagmamasdan si Charles na ngayon ay palapit na kay Athalia.

"Kamusta ang trabaho?" tanong ni Charles kay Athalia.

"Ayos naman. Tiningnan namin ang abakahan."—tiningnan ako ni Athalia.—"Mauna na kami, Luke. Magkita ulit tayo sa susunod na araw." aniya. 

Hindi ko maibuka ang labi para sagutin ang sinabi ni Athalia, pakiramdam ko napipi ako at walang lumalabas na salita sa bibig ko kaya ang ginawa ko tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Naglakad na ang dalawa palabas ng mansiyon kung saan nasa labas niyon ang sasakyan ni Charles. Nang mawala sila sa aking paningin, nagpakawala ako ng isang buntong-hininga. 

Pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan si Manang Daisy na naglilinis. Nilagpasan ko siya at nagtungo sa pangalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang mini-bar ng bahay. Nang makarating ako doon. Nagbukas ako ng isang beer. Habang iniinom iyon, pumapasok sa isipan ko sina Athalia at Charles. Kung ano ginagawa nila ngayon. 

'Bakit mo sila iniisip? Deserve ni Athalia ang magmahal ng isang katulad ni Charles. Kung single ka sanang bumalik nang Pilipinas, edi sana madali lang na ligawan si Athalia.' anang isang bahagi ng isip ko. Tinungga ko ang beer at inubos ang laman niyon. Nang hindi pa makontento, nagbukas ulit ako ng isa pa at nilagok iyon. Nanuot ang lasa niyon sa aking lalamunan, pero wala akong pakielam!

Hanggang sa namalayan ko nalang na nahihilo na ako. Tumayo ako at pasuray-suray na lumabas ng mini-bar. Nang makalabas ako. Umiikot ang paningin ko pero pinilit ko parin ang maglakad hanggang sa hindi ko nakayanan, bumagsak ako sa sahig.

"Sir Luke!" narinig kong sabi ni Mang Daisy. Bago pa man siya ako lamunin ng kadiliman, ang mukha ni Athalia ang nasa aking balintataw.

"Athalia..." sambitla ko sa kaniyang pangalan hanggang sa lamunin ako ng dilim.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status