Share

ONE

Pilipinas 

Malakas na iyak ng mga bata ang gumising kay Hanz. Mumukat-mukat niyang iginala ang mga mata sa kinaroroonan. Napakunot-noo pa siya nang malamang nasa kaniyang silid siya sa Villa Catalina at wala sa ibang lugar. 

Tumingin siya sa labas. Palagay niya’y alas-nieve pa lang nang umaga. And he is not a morning person for God's sake! At sa pagkakaalam niya, Linggo sa araw na iyon. Wala siyang ibang gagawin kun’di ang humilata sa kama at matulog maghapon. 

Ganoon siya simula nang umuwi siya ng Pilipinas six years ago. Hindi man sanay sa buhay probinsya, pero para makaiwas sa pang-uusisa ng ama, napilitan siyang sa Villa Catalina manirahan. Pag-aari iyon ng kanilang pamilya sa San Marcelino at ipinangalan ng kanilang ama sa namayapa nilang ina. 

For the past years, his dad was convincing him to help Timothy on running their company. Wala raw kasi itong aasahan kay Brando dahil sa klase ng buhay na mayroon ito. At isa pa, siya ang panganay kaya siya dapat ang katulong nito na magpalago ng kanilang mga negosyo. 

But the thing is, hindi niya nais makialam sa pagpapatakbo sa kahit na aling negosyo nila. Hindi siya businessman. He’s a lawyer. At para sa kaniya, sa hukuman siya nababagay at hindi sa likod ng prestihiyoso at naglalakihang opisina sa matatataas na gusali. 

At mukha namang nananawa na ang kaniyang ama sa panghihikayat sa kaniya. Ilang buwan na rin kasing hindi ito nagpaparamdam. Napagtanto na rin siguro nito na sapat na ang pagiging legal counsel niya ng kanilang kompanya at ang pag-aasikaso niya sa Villa Catalina. 

Muli siyang nakarinig ng iyak na nagpabalik sa kaniyang isipan sa kasalukuyan. At tila palakas yata iyon nang palakas sa paglipas ng mga sandali. Wala siyang inaasahang bisita sa araw na iyon, kaya hindi niya alam kung bakit may batang umiiyak sa ganoong oras. 

Walang nagawa si Hanz kun’di ang tumayo at tunguhin ang banyo. Pagkatapos mag-shower ay bumaba siya sala at doon naabutan ang kapatid na si Letizia, kasama ang kambal nitong sina Lucas at Lauren. Hindi magkandaugaga ang kaniyang kapatid sa pagpapatahan sa kambal na kakaisang-taon pa lang. 

“What are you doing here?” kunot-noong tanong niya sa kapatid at kinuha si Lucas na nakalupasay sa sahig. Tumahan naman ang bata at tiningnan s’ya. Ngumiti s’ya rito bago ginawaran ng halik sa pisngi. 

“Hello, little one. Bakit naman kay-aga-aga eh sabay kayong umiiyak ng kapatid mo?” tanong niya rito na para bang nauunawaan s’ya noon. 

Suminok-sinok ang bata, pagkuwa’y ngumiti. 

“You missed uncle? Hmm?” kausap pa rin niya rito, bago muling hinarap si Letizia na si Lauren naman ang kinarga. 

“Hi!” nakangiting bati nito at mabilis siyang ginawaran ng halik sa pisngi. 

Napataas ang isang kilay niya. 

“Anong masamang hangin ang nagpadpad sa inyo rito? Akala ko nakalimutan mo nang may sarili tayong lupain dito sa Quezon, dahil palagi ka na lang nasa Hacienda Monte Bello,” aniyang kunwa’y nagtatampo rito. 

Umingos ito. “Pasimple ka pa. Hindi mo naman kayang i-handle ang kambal kapag nagwala nang sabay ang mga iyan. Sa hacienda marami akong kasama na may alam sa pag-aalaga ng mga bata. Hindi kagaya mo,” pasaring nito. 

Natawa siya. 

“Ano namang palagay mo sa akin? Of course, I can handle kids. Kita mo nga at tahimik na itong si Lucas,” wika niya at pinisil-pisil ang pisngi ng pamangkin. Humikbi naman ito na mukhang nasaktan yata. 

“Kita mo na?” nakataas ang isang kilay na palatak ni Letizia. “Bakit ba kasi hindi ka pa nag-aasawa? Marami namang magagandang babae na umaali-aligid sa 'yo rito o sa Maynila man.” 

Umiling siya. “I have no time for that. At pwede ba? Stop acting like our father? Tinigilan na nga niya ako tapos ikaw naman ngayon.” 

Inirapan siya nito bago naupo sa sofa. “I am not acting like him, okay? Ang sa ‘kin lang, tumatanda ka na. Kita mo nga at naunahan ka pa ni Kuya Timothy. Ilang buwan na lang magkakaanak na rin sila ni Penny,” himutok nito at nilaro-laro ang anak na nasa kandungan. 

Sumeryoso siya. 

“Wala akong balak mag-asawa,” may pinalidad sa tinig na tugon niya. 

Lumipad ang mga mata ng kapatid sa kaniya. 

“Anong ibig mong sabihin? Wala ka pang balak mag-asawa ngayon?” 

Umiling siya. “Marriage is not my cup of tea.” 

“Dahil ba kay Andrea?” Huminga ito nang malalim. “That’s five years ago, Kuya. Hindi ka pa rin ba nakakapag-move on?” nang-aarok ang mga matang tanong nito. 

Pagak siyang natawa at naupo na rin. “Hindi siya ang dahilan kung bakit ayaw ko ng makasal kahit na kailan,” aniya. 

“Eh, bakit?” usisa nito. 

Nag-iwas siya ng tingin. “I just don’t see myself having kids in the future. I don’t even feel that I will become a good father,” saad niya. He didn’t want to sound like a bitter person, pero parang ganoon ang lumabas sa bibig niya. 

“Hindi naman siguro,” ani Letizia. “You’ll be a good father someday. I’m sure of that. Maybe, hindi mo pa lang talaga nakikita ang naka-tadhana para sa ‘yo,” komento nito. 

Mapait siyang ngumiti. “Stop mentioning destiny here. Hindi talaga kami kahit kailan magkakasundong dalawa,” pagbibiro niya. 

Natawa naman ito. “So, iyon pala talaga ang dahilan?” 

“Ha? Nang ano?” 

“That you don’t see yourself having kids in the future. Kasi sabi mo hindi kayo magkasundo ng tadhana,” paliwanag nito. “Tingin ko naman hindi. You just haven’t see the person that was meant for you. Not yet. . .” dagdag pa nito. 

Siya naman ang napatirik ang mga mata sa kisame. “Tigilan mo na nga ako Letizia. Bakit ka ba naririto? Huwag mong sabihin sa aking para pag-usapan si destiny?” sarkastikong tanong niya rito. 

Napatuwid ito ng upo sabay sulyap kay Lauren. “We just wanted to visit you. Masama ba iyon?” 

Nagtaka siya sa inasta nito. Pinagmasdan niya itong mabuti bago huminga nang malalim. “Nag-away ba kayo ni Antonio?” tanong niya bago luminga sa paligid at hinanap ang tinutukoy. Pero wala nga roon ang asawa nito. 

Mabilis na umiling si Letizia. “No. We didn’t fight. Ikaw talaga ang sadya namin dito,” makahulugang tugon nito na lalong ikinadami ng mga gatla sa kaniyang noo. 

“Why?” 

Pero nananatiling tahimik si Letizia na kunwari ay hindi siya narinig. 

“Hindi mo ako makukuha sa pagan'yan-gan'ya mo, Letizia. Ano ang totoo?” aniya at ginamitan ito ng tonong ginagamit niya sa loob ng hukuman. Kapag ganoon siya kung magsalita, walang sinoman ang hindi aamin sa kasalanang nagawa ng mga nagiging kalaban niya sa kaso. 

Subalit sa halip na sagutin s’ya nito ay may dinukot ito sa bag na nasa tabi nito. Isa iyong pink na sobre at ipinatong sa center table. 

Dumako ang mga mata niya roon. Nagtagal iyon sa larawan ng dalawang taong naka-imprinta sa ibabaw niyon. 

Walang kaemo-emosyong hinarap niya ang tahimik na kapatid. “Am I being invited?” tanong niya rito. 

Tumango ito kasabay nang paghugot nang malalim na hininga. “Andrea personally asked me to invite you. Hindi ko naman mahihindian ang hipag ko—alam mo ‘yan,” tila nakokonsensyang paliwanag nito. 

“Eh, ako? Sino ba ako sa ‘yo?” 

“Kuya. . .” may halong inis na wika nito sa lalo pa niyang pangongonsensya rito. “Syempre kapatid kita. Pero nakakahiya naman kong hihindian ko sina Andrea at Fred.” 

“Ganoon?” napataas ang kilay niya. 

Masarap kasing tuksuhin ang kapatid niyang ito. Palibhasa kaisa-isahang babae sa pamilya nila, ito ang tampulan nila ng tukso nina Timothy at Brando noon. At hindi pa rin ito ligtas hanggang ngayon. Kahit na may asawa’t anak na ito. 

Natawa siya nang malakas nang hindi makatingin nang deretso sa kaniya si Letizia. Pulang-pula ang mukha nito ng lingunin siyang muli. 

“Kuya!” galit-galitang palatak nito. 

“Chill, Letizia. Para binibiro ka lang, nagpadala ka naman agad,” sambit niya bago sinulyapan ang pamangking nakikitawa rin sa kan’ya. “Ang sarap talagang asarin ng nanay mo. Hindi ba Lucas?” aniya. Humagikhik naman ang pamangkin. 

“See that?” nakalolokong baling niya rito. 

“Sumosobra ka na, Kuya, ha. Akala ko pa naman talagang nagtatampo ka na sa ‘kin,” nanghahaba ang ngusong wika nito. 

“Relax. . . At saka bakit ba naiisip mong magtatampo ako sa ‘yo?” 

“Because it’s Andrea and Fred.” 

“And so?” Napailing siya. “Matagal nang tapos ang kung anong mayroon sa amin ni Andrea. That’s a very long time ago, Letty. Kaya wala kang dapat ikabahala kung masasaktan man ako—dahil hindi iyon mangyayari. I got over her. Matagal nang panahon,” paliwanag niya rito. 

She sighed. “I know your feelings for her before are genuine. Hindi ko man alam na nauna ka pa palang ipagkasundo ni Dad sa isa sa mga anak ni Papa, pero alam kong nasaktan ka pa rin noon. You even hide yourself here. At hindi naman kita masisisi—maganda si Andie at mabait. Kahit sinong lalaki ay talagang mahuhulog sa kaniya,” anito sa malungkot na tinig. 

“Siguro, mas maganda nga sana kung nagkatuluyan kayo. Maybe you have a lot of kids now,” patuloy pa nito. 

“Kung nagkatuluyan kami, wala sana kayo ni Antonio ngayon. At wala rin sana kayong kambal na ganito ka-cute. Iyon ba ang gusto mo?” kontra niya rito. 

Alam nilang pareho na kung nagkatuluyan nga sila ni Andrea, hindi maiisipan ng kanilang ama na ipagkasundo si Letizia kay Antonio. What their father was up to until now, is to gain different business proprietorships. To build a big empire. 

Pero kung emperyo rin lang ang pag-uusapan, di-hamak na mas malakas ang hatak ng mga Monte Bello. Kaya ninais talaga nito na kahit isa man lang sa kanila, ay mapabilang sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Pilipinas. 

“Tama ka rin naman,” wala sa loob na tugon ng kapatid. 

“Don’t forget that everything is business, when it comes to Augusto Alvarez’s mind. Lahat ay nakaplano. At hindi nito hahayaan ang sinoman na sirain iyon,” paalala niya rito. 

“But you did.” Pagtatama nito sa sinabi niya. “Nagawa mong buwagin iyon when you backed out on marrying Andie,” anito. 

Pagak siynag natawa at napatingin sa kawalan. 

“Dahil ayokong itali ang isang babaeng hindi naman ako ang nilalaman ng puso. Mahirap pumasok sa isang relasyon na iisa lang ang nagmamahal—nakakasakal. Bukod pa roon, darating ang araw na mananawa siya sa ‘yo at iiwan ka. In the end, huli na para pagsisisihan ang mga panahong nasayang at ang relasyon sa simula pa lang ay mabuway na ang pundasyon. That’s traumatic somehow,” mahabang turan niya. 

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Nagtaka pa siya na walang nakuhang reaksyon sa kapatid. Kaya napilitan siyang sulyapan ito. Seryoso na itong nakatitig sa kaniya. Para bang may nakikita ito sa mukha niya na hindi niya alam kung ano. 

“Have you been in a relationship before? I mean, before you met Andrea?” tanong nito. 

Natigilan naman siya. Pero saglit lang iyon at kagyat na nginitian ito. 

“Tigilan mo na ang kapapanood ng kung ano-anong drama. Pati kasi utak mo umiiba ng takbo.” Tumayo siya at dinampot ang invitation na ibinigay nito. “Tell them I will come,” aniya bago ito tinalikuran, habang buhat pa rin si Lucas patungong komedor. 

“Really!?” 

Narinig pa niyang malakas na palatak ng kapatid na ikinatawa na lang niya. Wala naman ngang dahilan para hindi siya magpunta roon. 

Totoo ang sinasabi niya. He moved on… long, long, time ago. . .

******

Sa Casa Monte Bello ginanap ang reception ng dalawa. Doon na siya dumeretso galing ng San Marcelino. 

“Kuya!” agad na tawag sa kaniya ni Letizia nang makita s’ya nito. 

Mabilis naman siyang lumapit sa kapatid at hinalikan ito sa noo. 

“Mabuti nakarating ka,” ani Antonio na tinapik siya sa balikat. 

“Hindi ko naman mahihindian itong asawa mo. Isa pa, gusto ko ring i-congratulate ang dalawa. Nasaan ba sila?” aniyang igila ang mga mata sa paligid. 

“I think, they were—there they are.” Si Antonio at itinuro ang kinaroroonan ng dalawa. 

Subalit, napatda siya nang makita kung sino ang kasama ng mga ito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status