Share

THREE

Paikot-ikot si Hanz sa kaniyang silid. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin o mararamdaman sa mga sandaling iyon. 

He was in great shock seeing his ex-wife at Andrea's wedding a while ago. Pero ang mas nakakagimbal pa roon ay ang kaalamang may anak na ito. 

He didn’t expect that coming. Kahit pa nga ang makitang muli si Yeisha ay hindi niya inaasahan. Why, of all places—sa kasal pa talaga ni Andrea sila nagkita! At wala siyang nagawa kanina kun’di iwanan ito roon with so many questions running on his mind. Pakiramdam niya hindi siya patutulugin ng bagay na iyon sa gabing ‘yon. 

Marahas siyang humugot ng hangin sa dibdib. 

It was a different thing to see Yeisha with a child. She looks mature and way gentle.  Inang-ina ito kapag kaharap ang anak. Iba ang kislap ng mga mata nito, pati na ang tamis ng mga ngiti sa mga labi habang tinitingnan ang bata. At hindi niya mapigilang hindi balikan sa isip ang tagpo kanina sa casa. 

“Mommy?” anang batang lalaki na nakilala agad niya. Iyon ang kasama kanina nina Miranda at Bella sa table. 

Lumipad ang nagtatanong niyang mga mata kay Yeisha; na noon ay kaylapad ng mga ngiting nakatitig sa bata. 

“Hey, little buddy. Are you enjoying the party?” tanong nitong palihim na binawi ang brasong kanina pa niya hawak-hawak. Yumukod pa ito at pumantay sa bata. 

“Yeah. . . sort off. But I want to see the horses, now. Can we ride those at the stable? Can we ask Tito Fred to borrow one? Maybe Bella would want to join to.” Tuloy-tuloy na wika nito. 

Doon nabuo sa isip ni Hanz na kaibigan siguro ni Frederick si Yeisha kaya ito imbitado sa kasal na iyon. 

Marahang inayos ng babae ang nagulong buhok ng anak. 

“Not now, honey. Walang magbabantay sa ‘yo. Busy ang lahat ng tao rito. And Tito Fred was also too busy with his guests. Nakakahiya naman kung aabalahin natin s’ya. Some other time, okay?” masuyong sambit nito. 

Tumango naman ang bata bago pa siya nakuhang lingunin. Napakunot pa ang noo niya nang mapansing tila may kakaiba sa itsura nito. Hindi n’ya lang matanto kung ano. At iba rin ang pakiramdam niya. His heart skips a beat na hindi nangyari sa kahit na sinong bata na nakaharap niya. Even his own nephews. 

Well, maybe because this little boy looked exactly like his mother, except for his eyes and hair. Pareho kasing kulay itim ang mga iyon. And maybe, he got it from his father. 

“Who are you?” the boy asked. 

Alanganin siyang ngumiti rito. “I’m Hanz,” maikling tugon niya. 

“Hi! My name is Harvey,” anito at inilahad ang maliit na kamay sa harapan niya. 

Totoo na siyang napangiti. Hindi kasi pangkaraniwan ang ganoong akto para sa isang bata. 

“Hi! It’s nice meeting you.” At tinanggap niya ang palad nito. 

Ngumiti ito. “My father used to say that I have to be a man in front of others. Am I being a man now, Mommy?” Baling nito sa ina. 

“Yes, honey. You’re doing great,” ani Yeisha. 

Muli siyang nilingon ng bata. “How are you related to my mother? Are you a friend?” usisa nito. 

Pareho silang natigilan ni Yeisha. Nilingon niya muna ito bago sinagot si Harvey. 

“Yeah…” Tumango siya. “Your mother and I are friends.” 

“How long? Because I’ve never seen you before.” 

“Ah, way back before. Long ago,” mataktikang sagot niya. 

“Ah. . .” Tumango-tango ito. “Do you know how to ride a horse? I want to ride one, but people here were too busy.” Lumingon pa ito sa paligid. Nang makitang walang ibang tao roon kun’di sila ay muli itong humarap sa kaniya. 

Ngumiti siyang muli. “Yes. I know how to ride a horse. I have so many stallions at my place. Big and small. And they were all very muscular. I think you'll love them in an instant,” hindi napigilang pagmamalaki niya. 

“Really!?” Namilog ang mga mata nito. “Mommy, can we go at Tito Hanz’s place? I want to see his horses, too,” paalam agad nito sa ina na tahimik lang na nakamasid sa kanila. 

Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng babae sa mga sandaling iyon. She was just staring at them like she was so happy to see them getting along with each other. 

“I… don’t know, Harvey. Baka nakakahiya sa Tito Hanz mo. Alam mo na… baka busy—” 

“No. It’s fine,” mabilis niyang putol na ikinalingon ni Yeisha sa kaniya. Nasa mukha nito ang pagtataka at ang pagtatanong. “I’m free anyway,” aniya. 

“Are you sure?” Hindi naitago sa tinig nito ang pagkabahala. 

Tumango siya rito. “It’s for Harvey, anyway.” Pagtatama niya sa nasa isip nito. Alam niya kung bakit ito nag-aalangan. At hindi naman niya hahayaan ang babae na bigyan ng ibang kahulugan ang pagpayag niyang iyon. 

“Yehey!” nagtatalong sambit ni Harvey. “Can we go to his place tomorrow?” hirit pa nito. 

“Ahm… maybe not tomorrow, honey. May lakad kami ni Tita Andrea mo,” anito. Hindi niya alam kung dahilan lang ba nito iyon para iwasan siya, o totoong may lakad lang talaga ang mga ito. 

Tila nalungkot naman si Harvey sa narinig. Hindi maikakailang hilig nito ang mga kabayo dahil sa eagerness nitong makasakay roon. 

Ginulo niya ang buhok ng bata. “Don’t worry, I’ll ask Tito Antonio or Tita Letizia to let you ride one tomorrow.” 

“Really!?” 

Tumango siya. 

Muli namang nagningning ang mga mata nito. At nagulat pa siya sa sunod nitong ginawa. Bigla itong yumakap sa kaniya. Kahit si Yeisha ay nagulat din sa inakto ng anak. 

“Thanks, Tito Hanz. Starting today, you are my friend,” anito bago siya binitawan. 

Nawala ang mga ngiti sa mga labi niya. May kakaiba kasing hatid na damdamin ang ginawa nitong pagyakap na iyon sa kaniya. Para bang may kung anong bagay na humaplos sa kaniyang puso. There was an unexplainable warmth in it. 

“It’s my pleasure to be your friend.” At palihim niyang sinulyapan si Yeisha sa kanilang tabi. Titig na titig lang ito sa kanila. 

“Let’s go outside now,Mommy… Tito Hanz…” ani Harvey sa kanila. Hindi pa ito nakontento at hinawakan pa silang pareho sa tig-isang kamay at hinila palabas sa garden; kung saan nagkakasiyahan na ang mga tao. 

Pagdating doon ay humiwalay na siya sa mag-ina. He went to Antonio and Letizia. Ang mga ito naman ay sa table nina Miranda. 

Pinalipas niya lang ang isang oras at hindi na rin nagtagal doon. Umalis na rin siya bago pa may makahalata sa pagiging tahimik niya at mapagkamalan pang affected pa rin kay Andrea. 

Nakuha pa niyang lingunin si Yeisha bago umalis. At huling-huli niya ang walang kakurap-kurap na ginagawang paghabol nito ng tingin sa kaniya. 

And admitting it or not, he was affected by it. There was a familiar feeling lingering inside of him. Pero gusto niyang puksain iyon sa lalong madaling panahon. 

Napabuntonghininga siya. 

Ngayong nakaharap niyang muliang dating asawa, flashes of their memories came back. At kahit iwasan niya ito ay hindi niya magagawa. He was the one who put himself in a difficult situation. Lalo na ng imbitahin niya sa Villa Catalina ang mag-ina. 

*** 

Tunog nang mahihinang katok sa labas ng kaniyang pintuan ang nagpagising kay Hanz.Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa labas. Hapon na! 

Napailing siya sa sarili. 

Sa kakaisip niya kagabi, hindi nga siya nakatulog. Sumisikat na ang araw sa silangan nang dalawin siya ng antok. At hindi niya alam na halos maghapon pala siyang nakatulog. 

Bumangon siya at mabilis na hinagip ang roba na nasa upuan malapit sa kama niya. Ibinalot niya iyon sa sarili bago tinungo ang pinto at binuksan iyon. 

“Ano ho iyon, Manang Sideng?” tanong niya sa mayordomang napagbuksan. 

“Señorito, may bisita ho kayo sa ibaba,” anito. 

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. 

“Bisita? Wala naman ho akong inaasahang bisita ngayon,” aniya. 

“Hindi ko nga ho kilala, eh. Pero tanda ko ‘yong isa dati niyo na ring naisama rito.” Nag-isip pa ito sandali. 

Lalong lumalim ang mga gatla sa noo. 

“Sino ho?” 

“Sa pagkakatanda ko ilang beses n'yo na siyang naisama rito noon. Magandang babae ho,” tugon nito. 

Si Andrea! Bulalas ng isipan niya. 

Ano namang nito ginagawa nito roon sa ganitong oras? Kakasal lang nito kahapon, kaya’t asa niya ay dapat nasa honeymoon ito. 

“Señorito?” untag ni Manang Sideng sa kaniya. 

“Sabihin n'yo ho susunod na ako,” aniya. Pero bago tuluyang maisara ang pintuan ay muli niya hinarap ang mayordoma. “Pakihandaan na rin ho sila ng meryenda. Sa akin naman ho ay mainit na kape at kung anong pwede makain,” dagdag na bilin niya bago tuluyang isinara ang pintuan. 

Habang naliligo, palaisipan pa rin sa kaniya kung ano ang ginagawa ni Andrea sa Villa Catalina. Kung ano ba talagang pakay nito sa kaniya.Wala siyang matandaang dahilan para bisitahin siya ng babae roon. Kung tungkol naman sa kanila, matagal na rin iyong tapos. Hindi nga ba at okay naman na sila? 

Lito pa rin ang isip na bumaba siya sa sala. Wala roon si Andrea. Pagsilip niya sa may veranda ay nakita niya ito roon na nakatayo, habang tinatanaw ang hindi pa masyadong lumulubog na araw.The reflection of the sun made the sea below twinkling like diamonds. Iyon siguro ang pinagmamasdan nito. 

Naramdaman siguro nitong may nagmamasid dito, kaya lumingon ito sa gawi niya. He saw her smile at him. Lumapit naman siya rito. 

“Sorry to invade your privacy here,” kiming wika nito. 

Ngumiti siya. 

“It’s alright. Ano bang sadya mo at napadalaw ka muli rito?” tanong niya. 

Kinuha muna nito ang umuusok na kape na nasa ibabaw ng lamesa roon at iniabot sa kaniya. 

“Thanks…” mahinang saad niya. 

“This place never changed at all. Maganda pa rin,” anito na humarap muli sa gawi ng karagatan. 

Napataas ang kaniyang kilay. “Nagpunta ka ba rito just to see the sunset?” amused na tanong niya rito. “Nagsawa ka na ba sa tanawin sa hacienda ninyo? O baka naman tinataguan mo na agad ang asawa mo?” biro pa niya. 

Hindi ito umimik. Nanatili lang itong nakatingin sa malayo na tila kaylalim ng iniisip. He had seen her like that before. Long time ago. At alam niyang may dinadala itong mabigat sa dibdib sa mga sandaling iyon. 

“What was really is it, Andrea?” kunot-noong tanong niya rito. 

She sighed. 

“Am I being overboard if I asked your help,” sa wakas ay turan nito. Tila nag-aalangan pa ito ng sabihin iyon. 

Nag-isang linya ang kaniyang mga kilay. “What do you mean? May problema ka ba? May problema ba kayo ni Frederick?” 

Tango at iling ang isinagot nito na lalo lang nagpagulo sa takbo ng isipan niya. 

Ibinaba niya ang hawak na kape at tinabihan ito. “You know I don’t like reading between the lines. Kung anoman ang tulong na kailangan mo, I’m willing to do it—basta kaya ko,” aniya. 

Muli itong huminga nang malalim. 

“It’s not for me. It’s for my sister. She badly needs some help. At wala akong ibang naiisip na lapitan kun’di ikaw.” 

“Ako? Bakit ako? Hindi kaya magalit sa akin ang asawa mo at ako ang nilapitan mo? Atano bang problema ng kapatid mo at hindi makayang solusyonan ni Fred? At teka sandali, hindi ko alam na may kapatid ka pala,” litong sunod-sunod na turan niya. 

May kapaitan itong ngumiti nang muli siyang harapin. 

“Yes, I have.” Pagkuwa’y dumako ang mga mata nito sa likuran nila. 

Sinundan naman niya ang tinitingnan nito. And there he was welcomed by a pair of ocean-blue eyes. Mga matang ni minsan ay hindi niya nakalimutan kahit na kailan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status