Share

THIRTY

“What’s happening here?” tanong ni Yeisha sa ina at kapatid, nang mabungaran ang mga ito pagkagising. Naroon din si Bella na kalaro ni Harvey sa labas.

Lumapit siya rito.

“I invited them.” Hinalikan niya ito sa noo.

Regular na ganoon sila araw-araw. At nahahalata niyang nasasanay na sa ganoong gawi niya si Yeisha.

“Why? Anong mayroon? May okasyon ba?” sunod-sunod na tanong nito na nilapitan sina Andrea at Miranda.

“Kailangan bang may okasyon para bisitahin ka namin dito?” ani Andrea pagkatapos itong halikan sa pisngi.

Umiling ito at ang ina naman ang ginawaran ng halik. “Hindi naman sa ganoon. This was just. . . unexpected. Sana sinabihan ninyo ako para naipaghanda ko kayo nang pananghalian.”

“There’s no need to do that. I already asked Manang Sideng. Maya-maya lang ay luto na ang mga iyon,” singit niya.

Nilingon siya ng babae na nakataas ang mga kilay. Kapag titingnan siya nito nang ganoon ay nawawala sa isip niyang may pinagdadaanan ito. At naiisip niyang baka nagk
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status