Share

FIVE

"Magagawa niya iyon sa sarili niyang anak?” manghang tanong niya.

Ano ba talagang buhay ang mayroon si Yeisha? Ano ba talagang buhay ang dinanas nito matapos nilang maghiwalay?

Pigil na pigil nito ang mga luha habang nakatitig sa kaniya. “He can. Nagawa niya sa akin, so he could do that to Harvey, too. Kaya ako nakipaghiwalay sa kaniya. Kahit pa nga ayaw niya,” pabulong na tugon nito.“I asked help from your friends. Kinapalan ko na talaga ang mukha ko. I also called my mother. And she immediatelywent to see me,” patuloy nito.

“Whose friend you are talking about?”

“Christian.”

Napaisip siya sandali. Kailan nga ba siya huling nakatanggap ng tawag mulasa kaibigan? Four months ago? At hindi niya alam na kaya pala ito biglang nangumusta ay dahil kay Yeisha. He never mentioned her, but that was a clear hint.

Christian is one of his closest friends in California. He was one of those few people who witnessed how he was deeply-madly in love with Yeisha before. And he didn’t know na may connection pa ang dalawa after nilang maghiwalay ng babae.

“Well, I guessyou’ve got the best lawyer,” aniyang hindi mapigilang maging proud sa ginawa ng kaibigan.

Tumango ito. “Yeah. . . He’s good. Kaya nga nagkaroon ng restraining order si Dereck. Christian made sure na hindi siya makakalapit sa aming mag-ina,” kwento nito.

At sa isip-isip niya ay ipinaalalang tawagan ang kaibigan pagkatapos ng usapan nilang iyon ni Yeisha. Kailangan niya rin naman itong makausap upang malaman ang bigat ng kaso at kung malaki ang laban ni Yeishakay Dereck.

But, by the looks of it, hindi na niya kailangan pang kumpirmahin kong mananalo ang babae. Magaling na abogado ang kaniyang kaibigan. At hindi basta-basta makakalusot ang kahit na sino rito. Kahit pa bigating tao.

“I bet he'll do that. Kung alam niyang mapanganib ang tarantadong iyon,” aniya.

“But Dereck won’t stop until he gets Harvey. He will never stop threatening me,” nababahalang wika nito.

“Did he know that you were here? In the Philippines?”

Umiling ang babae. “Magwawala iyon kapag nalaman niyang naririto kami.”

Napaisip siya nang malalim. Hindi pa sa ngayon makakagawa nang ganoon ang lalaking iyon, dahil may warning mula sa korte. Pero once na ma-lift ang restraining order, tiyak na iyon nga ang mangyayari.

Ligtas pa sa ngayon ang mag-ina, kaya kampante pa ang kalooban niya. Isa pa, nasa Pilipinas ang mga ito. Milya-milya ang layo sa dating asawa. Kaya kung tutulungan niya si Yeisha, kailangan niyang kumilos nang mabilis.

“Alright. I’m in,” sa wakas ay wika niya.

Nabuhayan naman ito ng pag-asa . He was sure na narinig pa niya ang bahagyang  pagsinghot nito at ang pag-iiwas nito ng mga mata sa kaniya.

“I will never forget this,” paanas na saad nito.

Tumango siya at tumayo. “Remember, I am doing this for Harvey. Hindi sa kung ano pa man.” At iniwan na niya ito roon.

***

Habang papauwi ay tahimik lang si Yeisha sa tabi ni Andrea. Ang kapatid niya ang nasa harap ng manibela na hindi rin naman nagsasalita. Naiintindihan nitong kailangan niya ng katahimikan sa mga sandaling iyon.

Noong nag-usap sila nito at malaman nito ang tungkol sa problema niya, hindi ito nagdalawang-isip na alukin siya ng tulong. She needs all sorts of help that she could gather. Kahit pa nga iyon pa lang ang unang beses nilang pagkikita, ramdam na niya ang pagiging kapatid nito. Kaya naman agad-agad ay napa-oo siya.

Isa pa, hindi niya alam na makapangyarihan pala ang pamilyang nag-aruga rito at ang asawa nito. Hindi iyon maikakaila sa nakita niyang kasal nito kahapon.Most of the biggest names in Philippine society were there. At malulula ka na lang sa mga makikita mo.

Mabait si Andrea at ang mga Monte Bello. They never care about your status. Dahil pansin niya na bukod sa mga bigating tao, imbitado rin ang mga tauhan sa hacienda at empleyado ng kompanya ng mga ito kahapon. Bagay na hindi pangkaraniwan sa ganoong klase ng pagtitipon.

Subalit, hindi niya alam na sanggang-dikit pala ang pamilya Monte Bello at ang pamilya nina Hanz. Iyon marahil ang dahilan kung bakit imbitado rin ito. Kahapon niya rin lang nalaman—noong ipinakilala siya ni Andrea, na ang isa sa mga hipag nito ay kapatid mismo ng lalaki.

Ang liit nga talaga ng mundo, aniya sa sarili.

And she didn’t know na roon din pala sa Quezon nakatira ang lalaki. At nasurpresa talaga siya nang ang tinutukoy pala ng kaniyang kapatid na makakatulong sa kanila ay ito.

Dahil kung may huling tao man na maiisip siyang lapitan at hingian ng tulong, iyon ay walang iba kun’di si Hanz. Bukod sa kanilang nakaraan, alam niyang galit pa rin ito sa kaniya. Patunay lamang iyon sa nangyari kahapon.

Sa nakita naman niya kanina rito, habang kausap niya ito, ramdam niyang sinsero ito sa pagpayag nitong tulungan siya. At hindi niya napigilan ang sarili na hangaan ito sa bagay na iyon. Isinantabi nito ang galit na nadarama para sa anak niya.

Well, totoo rin namang makapangyarihan ang pamilya nito. Hindi iyon maikakaila sa napakagandang lugar na pinanggalingan nila ni Andrea kanina. At hindi rin nagsisinungaling si Hanz nang sabihin nito kay Harvey na marami itong alagang kabayo. Dahil ang mga iyon ang bumungad sa kaniya kanina.

Ayon pa sa kwento ng kapatid, sadyang exporter ng mga magagandang lahi ng kabayo ang Villa Catalina.At ayon pa rin kay Andrea, oil magnate ang ama ni Hanz. Kaya ang kayamanan ng mga ito ay halos pumapantay sa mga Monte Bello.

Makapigil-hininga rin ang kinatatayuan ng villa. It was in the middle of a river and the sea. A good perfect view of sunrise and sunset. Ang lugar na gugustuhin niyang tirahan habang buhay dahil sa katahimikan niyon.

But she let that chance wasted. She let Hanz walk away from her life long time ago. At napakaraming sana, angngayo'y pinanghihinayangan niya. Isa na roon ang  sana’y hindi na lang niya ito pinakawalan kahit na anong galit o pilit nito sa kaniya.

Malakas siyang napabuntonghininga.Ngunit kasabay niyon ay ang pagtawa ni Andrea, kaya napatingin siya rito.Iiling-iling pa ito habang nakahawak ang isang kamay sa bibig. Mukhang kanina pa ito nagpipigil, hindi lang nito magawa dahil alam na ma-di-distract siya sa kaniyang pag-iisip.

“What’s wrong?” hindi na nakatiis na tanong niya.

Tumikhim ito sabay iling. “Wala naman. I just wanted to know some things,” anito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. “What things?”

“Will you answer me honestly?” nananantyang tanong nito. Parang alam na niya ang nais nitong malaman.

“Hanz was my first ex-husband. If that’s what you wanted to know,” pangunguna na niya.

Wala na rin namang saysay para maglihim pa siya sa kapatid. Malalaman at malalaman din nito iyon sa malao't madali. May tiwala naman siya rito.

“Wait. . . What!?” bulalas nito at sinulyapan pa siya.

“You’re driving,” mahinahong paalala niya rito.

Mabilis nitong itinutok ang mga mata sa daan. “Well, you shocked me. Kaya kasalanan mo kung may nangyari sa ‘tin,” anito sa tonong nagbibiro.

Sinakyan naman niya iyon. “At kasalanan ko pa ngayon? Ikaw itong tanong nang tanong d'yan,” sikmat niya na nakataas ang isang kilay.

Natawa ito. “Oo na. . . oo na. . .”

“And how about you? Sa tingin ko sa klase ng pag-uusap ninyo kanina, parang may mas malalim pa iyong dahilan. Especially when you told him that he was referring to me, something like that,” curious na wika niya.

“Kami?” Sandali siya nitong sinulyapan. “We were bound to get married. But he backed out.”

Siya naman ang nagulat. “You mean. . . you’re his ex-fiancée?”

Tumango ito. “Parang ganoon na nga. But that was a long time ago. Our father set things up for us. At sa pagkakaalam ko kakauwi lang noon ni Hanz sa Pilipinas. He sounds a little bit bitter back then. Ikaw siguro ang dahilan niyon,” konklusyon nito.

She sighed. “That must be after our divorce,” wala sa loob na saad niya at tumingin sa labas ng sasakyan.

“He must be really shocked to see us earlier. Lalo na nang malaman niyang magkapatid tayo.”

“Destiny was too cruel,” bulong niya at pagak na natawa.

“I know. . . But you know there’s a reason why sometimes, things happened like that. May dahilan kung bakit naging magkapatid tayo at parehong naugnay sa iisang lalaki. And maybe, ito na ‘yon. Para tulungan ka sa problema mo. At kung naranasan mo ang kalupitan ng tadhana—hindi ka nag-iisa.Haven’t I told you that Fred and I thought that we were siblings?”

Napabaling siya rito. “Anong ibig mong sabihin?”

Oo nga pala. Nawala iyon sa isip niya. Hindi naman niya iyon naitanong sa kanilang ina na si Miranda; na sa mga nakalipas na taon ay palaging nasa Italy. Nito lang niya nalaman na kaya ito naroon ay dahil kay Andrea.Ni hindi n'ya rin alam na may kapatid siya sa ina. Kaya nang magkita silang muli ay nagulat pa siya sa mga inamin ng kanilang ina sa kaniya.

At iyon din ang dahilan kaya wala pa siyang masyadong alam sa naging buhay ni Andrea. Dahil literal na noong isang araw lang sila tunay na nagkakilala.

“It was a very long story,” simula ni Andrea. “I became a Monte Bello, twice, legally, by adoption and by marriage. Ang dahilan kung bakit ako ipinagkasundo ni Papa kay Hanz ay dahil gusto niyang matabunan ang mga pagkakasala niya. Fred is his bastard son. All along noong kakilala ko pa lang sa kaniya, akala ko totoong mahal niya ako. Well, totoo naman nga. Kaso,natabunan ng galit ang puso niya dahil sa aming ama. He wanted to getrevenge for his mother. At idinaan niya iyon sa akin. We got married after my graduation from college. At nang ipakilala ko na siya kina Papa, noon ko lang nalaman ang totoo—na magkapatid kami.” Pansumandali itong tumigil at huminga nang malalim.

Siya naman ay tutok na tutok ang atensyon rito. Hindi niya alam na ganoon pala ang dinanas nito sa pamilyang kinalakihan. It was like she was listening to some kind of family drama na sa TV niya lang napapanood.

“Iyon ang pagkakaalam naming pareho noong una. Kaya halos gumuho ang mundo ko noon. Gusto ko na lang mamatay. But Bella came into my life. Noon napagpasyahan ni Papa na ipagkasundo ako kay Hanz. Okay naman kami. Napagkasunduan naming kilalanin muna ang isa’t isa. But, even if how hard I try to open up my heart for him, hindi ko pa rin siya magawang mahalin. And Hanz knew that. Kaya siya na mismo ang tumanggi na pakasalan ako. After that, tumakas ako. Kasi alam kong hindi titigil si Papa sa kakareto sa akin kung kani-kanino. Then, pagbalik ko sa Pilipinas narito rin si Fred. Hindi niya alam na nagkaanak kami. At hirap na hirap ako noong sabihin ko sa kaniya ang totoo. Lalo na at nalaman kong kailangan kami pareho ng anak namin.”

“Alam mo ‘yon? Kayraming bagay ang dapat na isaalang-alang. Paano kapag lumaki na si Bella at malaman niyang magkapatid ang mga magulang niya? Paano na lang kapag nagalit siya sa amin? Mga ganoong bagay. Kasi hindi ko naman alam ng mga panahong iyon na ampon lang ako. Naroon pa rin sa kaloob-looban ko na makasalanan akong tao. Because my God! That’s incest! At hindi iyon tanggap sa ating lipunan. Kinasusuklaman ang ganoon.”

Hindi siya makaimik sa mga nalalaman mula sa kapatid. Pakiramdam niya hindi siya humihinga habang nakikinig dito. They both suffered because of that so-called destiny. Ang pagkakaiba nga lang, ayos na ang buhay nito.

Siya? Nakikipagpatentero pa rin sa kaniyang sariling kapalaran.

“So, how did you know that you weren’t true-blooded siblings?” tanong niya makaraan ang ilang sandali.

“I got hospitalized. Walang makapagbigay ng dugo sa akin, kasi hindi ko katipo ang mga kapatid ko. Doon nalaman ni Fred ang totoo. Although, masaya na nga kami, pero biglang dumaling si Mommy Miranda. Akala ko talaga noon hindi na kami magkatuluyan pa ni Fred. Because Mommy Miranda claimed that I amher and Daddy Ernesto's daughter. Kapatid iyon ni Papa. But Mama said that Daddy Ernesto is not a true Monte Bello. Adopted lang din siya. Kaya, eventually, kami pa rin ni Fred sa huli,” may ngiti sa mga labing pagtatapos nito.

Hindi niya alam kung tatawa rin ba siya o maiiyak sa naging buhay nito. Pero may isang bagay na sigurado siya, iyon ay ang kasiyahang kaniyang nadarama para sa kapatid. She was rooting for her true happiness until the very end.

Iyon nga lang, hindi maalis-alis sa isipan niya na dati itong kasintahan ni Hanz. And she knew that Hanz fell for her sister. Hindi naman kasi mahirap mahalin ang isang kagaya ni Andrea.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status