Share

EIGHT

Napatda siya sa tinuran ng lalaki.

Dahan-dahan siyang lumingon sa tinitingnan nito. At di-kalayuan sa kinatatayuan niya ay naroon ang isang matandang lalaki.

Matangkad ito kagaya ni Hanz at bigotehin. Puti na ang buhok nito, but he still looks dignified and full of authority. Damang-dama niya iyon kahit ilang metro ang layo nito sa kaniya. Nakasuot ito ng puting polo shirt at asul na pantalon. Sa ulo naman nito ay naroon ang kulay kremang sumbrero.

Habang tinitingnan niya ito nang matagal, mas nagiging kamukha ito ni Hanz. Kaya’t walang dudang ama nga ito ng lalaki.

Mabilis na lumipad ang mga mata niya sa kinaroroonan nina Hanz at Harvey. Papalapit na ang mga ito sa kinatatayuan niya.

“Who is that Tito Hanz?” tanong ni Harvey rito habang ibinababa ito ng binata.

“That’s my father,” ani Hanz.

Tumango naman si Harvey at tiningnan ang matandang ilang hakbang na lang ang layo sa kanila.

“I didn’t know you’ll come here,” wika ni Hanz nang tuluyang makalapit ito sa kanila.

Sinulyap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status