Share

NINE

“Miss, can I buy you a drink?” malakas na tanong ng lalaking lumapit sa kaniya. Naka-itim itong leather jacket na pinapailaliman ng itim ding t-shirt. Itim din ang pantalon nito pati na ang sapatos.

Bahagyang napataas ang isang kilay niya. She was in a bar in one of the busiest streets in California. Kakatapos lang ng isang show na kinabibilangan niya and it was a success. Kaya nagyaya ang organizer ng fashion show sa bar na iyon. She’s with her co-models, pero mas pinili niyang maupo sa isang sulok sa harap ng bar counter.

“Miss?” untag sa kaniya ng lalaki.

Subalit, hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. She was not the type of person who likes talking to a stranger.

“Miss?” pangungulit pa nito.

Napilitan siyang harapin ito.

“I’m sorry, Mister. But I have no time to talk to you,” supladang wika niya.

Ngumiti ang lalaki na nagpangyari upang saglit siyang matigilan. Paano ba naman kasi, bukod sa napakatangkad nito, nasalo na rin yata nitong lahat ang kagwapuhan nang maghasik niyon sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status