Share

TWENTY-FOUR

“Let me...” awat ni Yeisha nang akmang bubuhatin ni Hanz si Harvey na nakatulog na sasakyan.

“No. Let me.” At tinalikuran na siya nito pagkatapos kargahin ang anak niya.

Napailing na lang siya sa sarili habang nakasunod sa mga ito. Mabilis niyang binuksan ang apartment nila at tuloy-tuloy namang dinala ni Hanz si Harvey sa kwarto nito. Ito na rin ang naghubad ng sapatos at umayos ng pagkakahiga ng anak niya.

“Salamat,” mahinang usal niya.

Tumango ito.

Magkasunod nilang tinungo ang salas.

“Do you want some coffee before you went home?” alok niya. Hindi naman siguro masamang gawin iyon. Pakonswelo na rin sa ginawa nito para sa kanilang mag-ina sa maghapong iyon.

Harvey enjoyed so much the whole day. Walang sandaling hindi ito nakangiti o tumatawa. And her heart was filled. Punong-puno iyon ng kasiyahan. Seeing her son enjoying the life he should be. At kahit siya man ay hindi rin matatawaran ang sayang nadarama.

And that’s all thanks to Hanz.

“I’d love to. Kung hindi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status