“What’s happening here?” tanong ni Yeisha sa ina at kapatid, nang mabungaran ang mga ito pagkagising. Naroon din si Bella na kalaro ni Harvey sa labas. Lumapit siya rito. “I invited them.” Hinalikan niya ito sa noo. Regular na ganoon sila araw-araw. At nahahalata niyang nasasanay na sa ganoong gawi niya si Yeisha. “Why? Anong mayroon? May okasyon ba?” sunod-sunod na tanong nito na nilapitan sina Andrea at Miranda. “Kailangan bang may okasyon para bisitahin ka namin dito?” ani Andrea pagkatapos itong halikan sa pisngi. Umiling ito at ang ina naman ang ginawaran ng halik. “Hindi naman sa ganoon. This was just. . . unexpected. Sana sinabihan ninyo ako para naipaghanda ko kayo nang pananghalian.” “There’s no need to do that. I already asked Manang Sideng. Maya-maya lang ay luto na ang mga iyon,” singit niya. Nilingon siya ng babae na nakataas ang mga kilay. Kapag titingnan siya nito nang ganoon ay nawawala sa isip niyang may pinagdadaanan ito. At naiisip niyang baka nagk
“Hanz. . .” masuyong tawag niya sa asawa. Subalit ilang sandali na ang nagdaan ay hindi pa rin ito tumutugon. “Babe!” Nilakasan na niya bahagay ang tinig para marinig nito. Humahangos namang lumapit ang lalaki. “What is it, Babe?” tanong nito sa kaniya na sa salamin nakatingin. “Can you help me pulled this zipper?” Itinuro niya ang likuran na hindi makayang abutin ng kamay niya. Mabilis itong tumango. Napansin niyang tahimik lang ito. “May problema ba” tanong niya nang harapin ito. Umiling ito na tutok na tutok ang mga mata sa kaniya. “What’s the matter, Babe? Pangit ba ang suot ko?” takang tanong niya rito. It was Augusto Alvarez’s seventy-fifth birthday. Si Hanz mismo ang pumili ng gown na isusuot niya sa gabing iyon. Sanay na kasi siya sa asawa na alam ang babagay na damit sa kaniya. Daig pa nga nito ang stylist niya noon sa pagmomodelo kung gaano kamitikuloso. But even so, panay papuri naman ang naririnig niya sa mga taong nakakakita sa kaniya. Nakita n
Los Angeles, California"Hanz Eliseo Alvarez, do you take this woman to be your lawfully wedded wife, to live together in holy matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?" the judge asked."I do," Hanz quickly replied, then smiles at the woman in front of him.The judge gazed upon the woman and asked, "Yeisha Elizabeth McKenzie, do you take this man to be your lawfully wedded husband, to live together in holy matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?""I do," she replied, as her lips formed the sweetest smile she has ever done.Hanz squeezed her hand gently and never left his stares from his soon-to-be wife."Repeat after me." And they both listened to the judge carefully."I,Hanz Eliseo Alvarez, take you Yeisha Elizabeth McKenzie, to be my wife, to have and to ol
Pilipinas Malakas na iyak ng mga bata ang gumising kay Hanz. Mumukat-mukat niyang iginala ang mga mata sa kinaroroonan. Napakunot-noo pa siya nang malamang nasa kaniyang silid siya sa Villa Catalina at wala sa ibang lugar. Tumingin siya sa labas. Palagay niya’y alas-nieve pa lang nang umaga. And he is not a morning person for God's sake! At sa pagkakaalam niya, Linggo sa araw na iyon. Wala siyang ibang gagawin kun’di ang humilata sa kama at matulog maghapon. Ganoon siya simula nang umuwi siya ng Pilipinas six years ago. Hindi man sanay sa buhay probinsya, pero para makaiwas sa pang-uusisa ng ama, napilitan siyang sa Villa Catalina manirahan. Pag-aari iyon ng kanilang pamilya sa San Marcelino at ipinangalan ng kanilang ama sa namayapa nilang ina. For the past years, his dad was convincing him to help Timothy on running their company. Wala raw kasi itong aasahan kay Brando dahil sa klase ng buhay na mayroon ito. At isa pa, siya ang panganay kaya siya dapat ang katulong nito na magpa
Biglang nag-slow motion ang buong paligid ni Hanz. Pakiramdam niya walang ibang taong naroroon kun’di siya at ang babaeng ngayon ay sa kaniya na rin nakatingin. Titig na titig ito sa kaniya, subalit hindi kababakasan nang pagkagulat ang mukha nito. Her ocean blue eyes were staring at him like he was the only man there. Pagkuwa’y naglakad ito papalapit sa kaniya na parang naglalakad sa runway. She was swaying her hips seductively, at alam niyang hindi lang siya ang nakatitig sa babae habang naglalakad ito. “Kuya. . . ?” kalabit sa kaniya ni Letizia. Ito ang bumasag sa tila mahikang bumabalot sa kaniya kanina. Nilingon niya ito. “Are you alright?” nag-aalalang tanong nito. Mabilis siyang tumango at muling hinarap ang babaeng papalapit sa kanila. Pero wala na ito roon. Bigla na lang itong naglaho. Iginala pa niya ang mga mata sa paligid upang hanapin ito, pero hindi niya makita ang babae. “Kuya? Ayos ka lang bang talaga?” Si Letty na hindi pa nakontento sa pagtatanong nito at
Paikot-ikot si Hanz sa kaniyang silid. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin o mararamdaman sa mga sandaling iyon. He was in great shock seeing his ex-wife at Andrea's wedding a while ago. Pero ang mas nakakagimbal pa roon ay ang kaalamang may anak na ito. He didn’t expect that coming. Kahit pa nga ang makitang muli si Yeisha ay hindi niya inaasahan. Why, of all places—sa kasal pa talaga ni Andrea sila nagkita! At wala siyang nagawa kanina kun’di iwanan ito roon with so many questions running on his mind. Pakiramdam niya hindi siya patutulugin ng bagay na iyon sa gabing ‘yon. Marahas siyang humugot ng hangin sa dibdib. It was a different thing to see Yeisha with a child. She looks mature and way gentle. Inang-ina ito kapag kaharap ang anak. Iba ang kislap ng mga mata nito, pati na ang tamis ng mga ngiti sa mga labi habang tinitingnan ang bata. At hindi niya mapigilang hindi balikan sa isip ang tagpo kanina sa casa. “Mommy?” anang batang lalaki na nakilala agad niya. Iyon ang k
“Yeisha?” aniya at hindi makapaniwalang binalingan si Andrea. Hindi niya alam kong binibiro ba siya nito. But Andrea was looking at him seriously. Doon niya napagtantong totoo ang sinasabi ng babae.At kung may malalang termino pa ba sa nayanig na mundo, iyon ang tawag niya sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Why of all people—ginawa pa talagang magkapatid ang ex-wife at ex-fiancee niya! F**k! Marahas niyang naihilamos ang mga kamay sa mukha.Gusto niyang sumigaw pero lalabas siyang katawa-tawa sa harap ng mga ito. Kung magbiro nga naman ang tadhana—oo! Sinusubukan ba siya niyon noong sabihin niya kay Letizia na hindi sila magkasundo? Dahil ngayon pa lang gusto na niyang mabura sa mundong ibabaw ang katagang iyon. Lumapit sa kanila ang naguguluhan ding siYeisha. “Andrea, what’s the meaning of this?” tanong nito. Mukhang kagagaling lang nito sa restroom kaya hindi niya agad ito napansin kanina. “Yeah. . . Andrea. . . What the heck is this?” tanong din niya. Pareho na silang
"Magagawa niya iyon sa sarili niyang anak?” manghang tanong niya. Ano ba talagang buhay ang mayroon si Yeisha? Ano ba talagang buhay ang dinanas nito matapos nilang maghiwalay? Pigil na pigil nito ang mga luha habang nakatitig sa kaniya. “He can. Nagawa niya sa akin, so he could do that to Harvey, too. Kaya ako nakipaghiwalay sa kaniya. Kahit pa nga ayaw niya,” pabulong na tugon nito.“I asked help from your friends. Kinapalan ko na talaga ang mukha ko. I also called my mother. And she immediatelywent to see me,” patuloy nito. “Whose friend you are talking about?” “Christian.” Napaisip siya sandali. Kailan nga ba siya huling nakatanggap ng tawag mulasa kaibigan? Four months ago? At hindi niya alam na kaya pala ito biglang nangumusta ay dahil kay Yeisha. He never mentioned her, but that was a clear hint. Christian is one of his closest friends in California. He was one of those few people who witnessed how he was deeply-madly in love with Yeisha before. And he didn’t know na may c