Share

TWENTY-SIX

“Daddy?” ani Harvey nang makita siya nito sa playground sa loob ng eskwelahan.

Nakangiting nilapitan niya ang bata. “Hi! I came by to see you,” ani Dereck at bahagyang luminga sa paligid. Walang gasinong tao sa mga sandaling iyon.

“Where is Mommy? Have you seen her?” Tumingin ito sa may likuran niya na para bang inaasahan nitong anomang sandali ay lalabas doon si Yeisha.

“Yeah. She’s waiting in my car. She asked me to pick you up because she wanted to give something to you.” Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi habang sinasabi iyon.

“Really?” nanunukat ang tinging tanong nito.

Mabilis siyang tumango. “Yeah. You could ask her yourself,” malumanay na wika niya.

Hindi sumagot si Harvey. Kumibot lang ang mga labi nito.

“Don’t you wanna see her?” aniya.

Alanganing lumingon ito sa loob ng room nito, pagkuwa’y bumuntonghinga. “Please promise me one thing,” anito nang harapin siyang muli.

“Go ahead...”

“You will not hit Mommy again. Never,” mariing sambit nito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status