Share

Chapter 29

NAKATAYO si Earl sa gitna ng ataol ni Sandra, sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang naging kabiyak. Hindi niya maitatanggi na minsa'y pinatawa rin siya nito nang mga panahong nalugmok siya kadiliman. Ngunit,ni minsa'y hindi niya naramdamang tumibok ang puso para rito. Naramdaman niya ang paglapit ng babaeng tunay niyang mahal, si Kaye.

"Sana, matahimik siya no!" anito na kumapit sa braso niya.

Napahinga siya ng malalim, "Sana nga'y mahanap niya ang katahimikan sa kabilang buhay. Naging matapang lang sana siyang harapin ang dagok na dumating sa kanyang buhay."

"Tulad mo," tumingin sa kanya si Kaye. "Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan."

"Muntik na," sinulyapan din niya at ikinapit ang braso sa baywang nito.

"Pare," tinig ni Jacob.

"Saan ka--Jay!" Bahagyang nagulat si Earl nang makita ang kapatid ng kaibigan.

Mapait na ngumiti si Jay. "H-hi," bati rin nito.

Tipid siyang ngumiti. Binigyang daan niya ito upang masilayan ang labi ni Sandra.

"Sandra," gumaralgal ang tinig nito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status