Share

Chapter 6

Warning; SPG alert. 

PROBLEMADO si Kaye, katatapos lamang niyang makausap ang pinsan na nagbabantay sa amang nasa hospital. Kailangan daw na maisalalim sa operasyon ang ama niya at nasa isang daang libong peso ang kakailanganin niya bukod pa ang mga gamot nito. Hindi pa man sapat ang perang nalilikom ay naipadala na niya iyon. Ibinigay niya kay Salvacion ang pera para maipadala sa probinsiya, ito rin ang inuutusan ng kanyang mga kasama na magpadala ng pera para sa kani-kanilang pamilya. Mabuti na lamang at mapagkakatiwalaan ang ginang.

Labag man sa kalooban niya'y naihiling niya na sana ay gabi-gabi siyang may costumer. Iyon na lamang ang tanging paraan na naiisip niya nang sandaling iyon. Hindi man dapat pero kailangan. Para sa kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na ama. Talagang sinusubok siya ng Maykapal.

"Makakaraos ka rin," lumapit sa kanya si Olga. 

Tipid siyang ngumiti, "Salamat."

Kung noong unang dating ay halos pigilan niya ang oras, ngayon ay halos hilahin na ang bawat minuto para sumapit ang gabi. Samo't sari rin ang nasa isipan niya. Paano kung hindi dumating ang costumer niya nang nagdaang gabi? Paano kung hindi ito tumupad sa kanilang usapan. Napahinga siya ng malalim. Kahit sinong costumer basta't babayaran siya. 

Ipinilig niya ang ulo. Masisiraan na yata siya ng bait sa kaiisip, idagdag pa ang sitwasyon niya. Nasa isang silid sila, kumpleto man iyon sa gamit ngunit daig pa nila ang preso. May pinto man ngunit bawal lumabas. Walang bintana, marahil ay sinadya para hindi makagawa ng anumang hakbang ang sinumang nasa loob. Siguro kung mapupunta rito ay isang taong mahina ang loob, tiyak na masisiraan ng ulo iyon.

"Parang hindi ka yata mapakali."

Napukaw ang kanyang pag-iisip nang marinig ang tinig ni Olga. Pilit siyang ngumiti rito. "W-wala. Naiisip ko lamang ang tatay ko."

"Anu't anuman ang mangyari, kaloob iyon ng Diyos. Pero, dapat huwag kang panghinaan ng loob. Manalig ka sa Kanya." 

"Salamat. Kahit papaano ay gumagaan ang loob ko kapag nakakausap kita." Ubod-tamis na siyang ngumiti rito 

Gumanti rin ito ng ngiti, "Puwede mo akong tawaging ate, kung gusto mo lang naman. Ituturing kitang nakababatang kapatid."

"Talaga ba?" Mahigpit siyang napayakap dito.

Wala siyang kapatid kaya nama'y labis-labis ang kasiyahan niya nang sandaling iyon. At sadya nga palang kapag nasa oras ka nang kagipitan ay may malalapitan ka, kaya't ipinagpasalamat niya iyon. Hindi pa rin siya pinababayaan ng nasa Itaas. 

Sumapit na ang gabi. Kanya-kanya na siyang bihis, ang iba ay todo paganda pa, samantalang siya'y nagsuklay lang ng buhok. Naghintay siyang magtawag ng pangalan si Salvacion. Tulad nang mga nagdaang gabi, si Rose ang unang tinawag. Nakita niya ang malaking ngiti nito. 

"Tsk! Si Rose na naman ang unang tinawag. Ang lakas talaga ng karisma ng babaeng iyan." Tumayo ang isang babae para sundan ng tingin ang paglabas ni Rose. 

"Hayaan niyo na. Palampasin niyo na lamang kung anuman ang marinig ninyo sa bibig niya, lalo ka na, Kaye." 

Tango lamang ang itinugon niya kay Pinky na siyang sumunod na tinawag ng matanda. Lima na lamang sila sa silid. Maya't maya ang tingin niya sa orasan at bawat pasok ni Salvacion ay idinadalangin niyang siya ang tawagin nito. Hanggang sa maging dalawa na lamang sila sa silid. 

Muling bumukas ang pinto, "Kaye!"

Hindi niya malaman ang naramdaman nang matawag ang pangalan niya. Dapat ba niyang ikatuwa iyon? Malaking bahagi ng pagkatao niya ang hindi sumang-ayon ngunit mas nanaig ang sang-ayon. 

"Para sa aking ama," saad ng isipan niya. 

Tulad nang mga nagdaang gabi, madilim pa rin ang silid na pinasukan niya. Natitiyak niyang wala pa roon ang kanyang costumer. Humiga siya't ipinikit ang mata. Segundo ang lumipas, narinig niya ang paglangitngit ng pinto. Umahon ang kaba sa dibdib niya. 

"Siya kaya ito? O ibang costumer?" bulong niya sa sarili. 'Pero sana ay siya,' ganti ng isipan niya.

"Hi!" bungad na bati nito. 

Mabilis siyang nagmulat ng mata't bumangon. Nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Ayaw man niyang aminin pero nasiyahan siya dahil ito rin ang boses nang mga nagdaang gabi. Hinintay na lamang niya ang paglapit ng lalaki. 

"How are you?"

Napalunok siya ng laway. Sasabihin ba niyang hindi siya okay? Sasabihin ba niya ang kanyang problema? "M-mabuti po, Sir."

Umupo sa kabilang gilid ng kama ang lalaki, "Siyanga pala, mailalabas na kita rito kahit bukas--"

"Huwag po muna!" mabilis niyang tugon kasabay ang pagtayo. 

"Why?"

Nangapa siya ng sasabihin pero sa huli ay minabuti na sabihin ang kinakaharap na problema. "May sakit po ang tatay ko. Nasa hospital siya at kailangang operahan. Kailangan ko ng malaking halaga. Kaya, kahiya-hiya man, angkinin mo na ako ngayon, Sir." 

Naaninag niyang napanganga ang lalaki ngunit maagap ding nakahuma. "O-okay, if thats want you want." 

"Ready na po ako, Sir." Nagpakawala siya ng hangin. Kapagdaka ay humiga na. Hindi iyon ang panahon para mahiya siya kaya siya na ang unang nag-aya rito. Baka'y iwan pa siya nito.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit kinakabahan siya. Tila ba'y may kakaiba. Hindi naman iyon ang kanilang first time pero pakiramdam niya ay iyon ang una nila. Dinaig pa nga sa first time kasi doble-doble yung kabang nararamdaman niya. 

"S-sigurado ka ba?"

Napatitig siya sa mukha nito. Hindi man niya maaninag ng maayos ang mukha nito'y nakatitiyak siya na mabuti itong tao. Mabuti ang kalooban nito. 

"Y-yes, Sir."

Unti-unting umibabaw ang lalaki sa kanya. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso niya. Pakiwari niya'y aatakehin siya kahit wala namang sakit sa puso. At tila ba'y may nagliliparang alitaptap sa dibdib niya. Mariin siyang napapikit nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya. Mainit ang hininga nito at mabango.

"Sir, ano ho ang toothpaste na ginagamit mo?" Nais niyang kurutin ang sarili dahil sa salitang lumabas sa bibig niya. 

Napangiti ang lalaking nakaibabaw sa kanya. "Why?"

Napalunok siya ng laway, "W-wala po."

"Bad breath ba ako? Nag-tootbrush naman ako ah! " Idinait nito ang kanang palad sa bibig at doo'y huminga. "Hindi naman mabaho."

"Naku! Hindi po iyon ang ibig kong sabihin, Sir. Kalimutan mo na lang po kung ano ang sinabi ko," napakamot siya sa ulong hindi naman kumakati.

Muling napangiti ang lalaki at muli ay inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Huminto nang halos isang daliri na lamang ang agwat. Umangat ang palad nito't inihaplos sa mukha niya. Nahugot bigla niya ang kanyang hininga kasabay ang pagpikit ng mata. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman. Tila ba'y may kiliting dulot ang paghaplos sa kanya ng lalaking nasa ibabaw niya. 

"Open your eyes, sweetheart." 

Sinunod niya ang utos nito. Ngayon ay kapwa nangungusap ang mata nila. Napapikit siyang muli nang hagkan siya nito at muli niyang naramdaman ang kakaibang kiliti. Kiliting may kalakip na sarap at ligaya. Hindi siya sanay humalik kaya't ang bibig ng lalaki lamang ang gumagalaw. Ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit sa katagalan ay sumusunod na siya rito. Ginagaya na niya ang kibot ng labi nito. Napakapit pa siya sa batok nito. At sa ilang sandali ay kapwa na sia walang saplot, kung paano nangyari iyon nang ganoon kabilis, iyon ang hindi niya alam. 

Naramdaman niya ang pagmasahe nito sa isa niyang dibd*b. Nagpumilit kumawala ang ungol sa kanyang bibig. Naunawaan naman yata iyon ng lalaki, kaya't binitiwan na nito ang labi niya. Pinaglandas nito ang labi sa leeg niya na halos ikabaliw niya. Kakaibang ligaya ang ginagawa nito sa kanya. Pansamantalang nakalimutan niya ang problema. Sinips*p, dinila@n nito ang parteng leeg niya, maya't maya naman ang ungol na ginagawa niya. Iniwan nito ang leeg niya, dumiretso iyon sa isa niyang dibd*b. Isinubo nito ang isa niyang korona na lalong nagpabaliw sa kanya. Ang kanyang dalawang palad ay mahigpit ang pagkakakapit sa kobre-kama, doon siya kumukuha ng lakas. Tumirik ang kanyang mata nang sips*pin nito ang kanina lamang ay nilalarong ni**le niya.

"Ohhh..." Hindi niya mabilang kung nakailang ungol na ba siya. Nang magsawa ito sa dibd*b niya'y umangat muli ang labi nito. 

Kung kanina ay hindi siya lumalaban ng halik, ngayo'y siya pa ang nanghalik dito. Mas mapusok ang nagaganap na halikan nilang dalawa. Magkahinang pa rin ang kanilang mga labi nang maramdaman niya na unti-unting tinatangal nito ang kanyang pang-ibabang kasuotan. Hindi siya umangal bagkus ay inihanda pa niya ang sarili. Ramdam niya ang pagpasok ng pagkalalaki nito sa kaselanan niya. Humigpit ang pagkakapit niya sa batok nito hanggang sa bumaba ang mga kamay niya sa likod nito upang doon kumuha ng lakas.

Bumitaw ang labi ng lalaki sa labi niya ngunit idinikit nito ang noo sa noo niya. Gumalaw ang balakang nito. Sa una ay banayad lamang hanggang sa pabilis nang pabilis. Iba ang nararamdaman niya. Iyon bang tila maiihi siya pero kakaiba. Masarap sa pakiramdam. Hindi na niya napigil ang sarili. Sunod-sunod ang ungol na binitiwan niya, maging ang lalaking naka-ibabaw sa kanya. 

Kapwa sila hingal na hingal nang malasap ang kaligayahang abot-langit. Basang-basa ang kanilang katawan na kahit malamig sa silid ay tila hindi ramdam ng kanilang katawan. 

"Are you happy?"

Nahihiya siyang sagutin ang tanong na iyon pero napa-oo rin siya. Muli ay h******n siya nito sa labi. Ilang sandali pa silang nanatili sa ganoong posisyon, nasa ibabaw pa rin niya ito, kahit nararamdaman niya ang unti-unting pagbigat nito ngunit balewala iyon sa kanya. Napangiti pa nga siya nang ipinatong nito ang ulo sa kanyang dibdib. Napagtanto niyang nakatulog na ang lalaki sa ibabaw niya.

"Masaya ba ako? Pero bakit?"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status