Share

Chapter 9

"G-GOOD m-morning po, Sir," nauutal ngunit nakangiting bati ni Kaye sa binatang amo. Kagigising lang nito, siya naman ay isang oras nang mulat ang mata at hindi rin siya halos nakatulog sa magdamag. Naninibago pa siya kaya siguro ganoon siya. Nasa loob na siya ng condo ng boss niya upang doon ay magtrabaho.

"Good morning, too!" tipid itong ngumiti sa kanya. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

Payak din siyang ngumiti rito kahit hindi naman. Pagkatapos niyo'y nag-apuhap na siya ng sasabihin ngunit sadya yatang ayaw makisama ng utak niya nang sandaling iyon. Natameme na siya. Hindi pa niya alam kung ano ang mga dapat niyang gawin kaya hinintay na lang niya sa sala ang amo at ngayon nga ay magkaharap sila at kapwa nakaupo sa couch.

"Be prepared, Kaye."

Kinabahan siya. Segundo siyang natigilan. "B-bakit po?"

"We will go outside," kampante nitong tugon habang nakatutok ang mata sa hawak na cellphone. 

Inisa-isa niya sa utak kung tama ba ang pagkakaunawa sa sinabi ng kaharap. "L-lalabas po tayo, Sir?"

"Yes," tumango ito. "Ibibili kita ng mga gamit mo rito at sa labas na rin tayo mag-lunch. Wala pa akong stock na pagkain kaya sa labas na lang muna. Mamimili na rin tayo ng mga gamit dito." Ngumiti ito at tumalikod na. 

Agaran naman siyang nagtungo sa banyo na nasa loob din ng silid niya. Sakto lang ang laki ng silid niya. Hindi masasabi na silid iyon ng isang kasambahay dahil kumpleto sa gamit. May mini ref doon ngunit wala pang laman. May kabinet din, nandoon na ang kanyang mga gamit, buti't nakuha nila ang kanilang mga gamit sa casa na pinagkulongan sa kanila. Oo, kulongan ang tawag niya roon. Ngayo'y malaya na siya, sila ng mga kasama niya. 

"Kumusta na kaya sila? Si Ate Olga, si Pinky at si Hilda?" Nangako naman siya na pupuntahan ang mga ito kapag nagkaroon siya ng time. Matapos nilang maghiwa-hiwalay ang ibinigay nila ang kanilang address. Si Hilda ang malayo ang lugar, tatawid ka pa ng dagat bago marating ang tahanan nito.

Bitbit ang may kalumaang towel ay pumasok siya sa banyo at mabilis na naligo at nagbihis. Habang nagsusuklay ay hindi niya mapigilan na titigan ang kanyang mukha sa salamin. Gumuhit ang pinong ngiti sa labi niya. Hindi niya mawari kung bakit at kung para saan. Ang alam lang niya'y masaya siya. Sobrang saya. Nakalaya na siya sa putik na kinalugmukan. Hindi man siya tumulad sa mga naging kasama na kung sinu-sinong lalaki ang nakapiling sa mga gabing naroon sila, hindi pa rin maiikaila na nanggaling din siya roon. Kabilang siya sa mga babaing bayaran. At ngayon ay masaya rin siya dahil makakapagbagong buhay na siya. Ligtas na rin sa kapahamakan ang ama niya. Nang nagdaang gabi nga ay pinatawag siya ng boss sa kanyang magulang. Nakausap na niya ang ama. Ang malamang ligtas na ito ay sapat na sa kanya. Sobra niyang mahal ang kanyang magulang, salat man sila sa karangyaan, mayaman naman siya sa pagmamahal sa kanyang ama't ina. Napapitlag siya nang maulinigan ang pagkatok sa pinto. Lumapit siya't binuksan iyon. 

"Are you...ready ka na pala!"

Pinong ngiti ang itinugon niya rito. Sinuri ng mata niya ang amo. Ang guwapo nito. Simple lang ang suot nito pero hindi nabawasan ang kapogiang taglay nito. Black t-shirt na medyo hapit sa katawan kaya naman ay namumutok ang muscle nito.

"Ahm, heto nga pala ang cellphone mo. Para kung sakali ay may magamit ka. Isinave ko na rin ang number ko riyan." Ini-abot nito ang isang box. 

Napamulagat siya. Ngayon lang siya makahahawak ng ganoong uri ng cellphone. Alam niyang mamahalin iyon. Sa kanila ay de-keypod lang ang cellphone niya. Humanga ang isipan niya ngunit naroon din ang katanungan. "B-bigay mo po sa akin, Sir?"

"Yes and don't worry, hindi ko ito ikakaltas sa suweldo mo. Bigay ko ito sa iyo. Just in case na may importante akong sasabihin kapag nasa office ako ay mako-kontak agad kita," paliwanag nito. 

"Wow! T-thank you po, Sir." Kita sa mukha niya ang labis na pagkamangha. Iingatan niya iyon.

Lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito nang sumilay ang ngiti sa labi nito. Lalo itong gumwapo. Idagdag pa ang paglabas ng maliit na biloy sa magkabilang pisngi nito.

"Ang pogi naman ni Sir. Lumuluwag tuloy ang panty ko." Agad niyang sinaway ang isipan sa isiping iyon. Hindi dapat siya makaramdam ng kung ano rito. Isang hamak na taga-silbi lang siya nito.

"Let's go," yaya nito. 

Tumango siya, "Sige po." 

Pinagbukas siya ng pintuan ng sasakyan nito. "Naks! Gentleman si Sir, ha!" 

Ilang sandali pa ay lulan na sila ng sasakyan at dahil wala pa siyang alam, nangangapa pa siya. Hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan ng boss niya. Nahihiya naman siyang magtanong dito. Malamang siya'y alam na nito ang kanyang pangalan at natandaan din niya na tinawag siya nito sa pangalan niya nang dumating sila sa condo nang nagdaang araw. 

Palihim niya itong tinitingnan na abala sa pagdotdot sa cellphone. Wala siyang pinalampas maging ang hibla ng buhok nito'y halos isa-isahin niya ng tingin. Alam niya na lumunok ito ng laway dahil umalon ang ang parteng leeg nito. Napakagat-labi siya. Guwapo talaga! Bigla niyang binawi ang tingin nang kumibo ang ulo nito. Nakadama siya ng hiya. 

Akala niya'y sa maliit na tindahan lang sila pupunta, sa mall pala huminto ang kanilang sinasakyan. Dumiretso agad sila sa department store. Nag-aalangan pa siya nang papiliin ng mga damit nito. Tiyak niya mahal ang mga damit lalo na't branded ang mga iyon. Isang pirasong damit at jeans ang kanyang napili. 

"Okay na po ito, Sir."

"Iyan lang?" 

Pumunta ito sa mga nakahanay na damit, kumuha ng sampung piraso. Ganoon din jeans. Maging ang pangbahay na susuotin niya. 

"Yung underwear, ikaw na ang pumili. Hindi ko alam kung alin ang gusto mo." Itinuro nito kung nasaan nakahanay ang bra't panty. 

Medyo pinamulahan pa siya ng mukha dahil maging pati pala iyon ay bibilihin nito para sa kanya. Hagya siyang lumakad patungo roon. 

"I think, bagay ito sa iyo." Iniharap nito ang isang light blue velvet dress.  

Napaawang ang bibig niya habang pinagmamasdan iyon. Hindi kailanman pa siya nakakapagsuot ng ganoong klase ng damit lalo na't mamahalin iyon. Hindi niya maiwasang humanga. 

"Ang ganda nito," buong paghangang sambit niya. 

"Do you like it?" 

Napatingin siya rito. Nag-alangan siyang sumagot. Lalo na siyang hindi nakasagot nang isama na nito sa mga kinuhang damit at inihilera sa casher. Pagkatapos nila roon ay ang sapatos naman ang sunod nilang tiningan. Kumuha rin ito ng pangbahay niyang pampaa. Kukuha rin sana ito ng heels ngunit tumanggi siya, hindi siya marunong magsuot ng ganoong uri ng pampaa. Matapos doon ay kumain din sila sa mamahaling restaurant. Sumunod nilang pinuntahan ang supermarket. Hindi lang gamit sa kusina ang kanilang pinamili kundi gamit na rin niya sa katawan. 

"Mang David, ikaw na ho muna ang bahala kay Kaye, may pupuntahan lang ako. Sa kotae niyo na lang ho ako hintayin," paalam nito sa driver. 

Tumango lang ang maneho, tinulongan siya nito sa pagbitbit ng kanilang mga pinamili, ito ang nagtulak sa cart. Habang naglalakad patungo sa nakaparadang sasakyan ay nais sana niyang magtanong sa matanda tungkol sa boss nila ngunit tila nakapagkit ang labi niya. 

"Salamat po," aniya nang pagbuksan siya nito ng pinto. 

"Walang anuman, trabaho ko ito."

"Mang David, n-napakabait po ni si Sir," wala sa sariling nasabi niya. 

"Oo naman. Hindi ako magtatagal kung hindi iyan mabait. Limang taon na akong driver niya at hindi ko pa iyan nakita o narinig na magsalita ng masama sa kapwa lalo na sa akin. May kawang-gawa rin iyan."

"Ano hong ibig niyong sabihin?"

"May tinutulongan siya. Mga cancer patient at mga batang nasa bahay-ampunan."

Lalong humanga si Kaye sa lalaking amo. "Mang David, ano ho ang pangalan niya?"

Muntik nang masamid si Mang David, "Hindi mo pa alam ang pangalan niya?"

Umiling lang siya rito. Nakakahiya man pero hindi pa niya alam ang pangalan nito.

"Jhon Earl Herrera ang pangalan niya. Siya ang CEO ng AHB."

"Ano pong AHB?"

"Asia's Home Builders, sila iyong kumukuha ng contractual sa mga building, o kung anuman ang maipagawa sa kanila. Tulad niyan," itinuro nito ang building na katapat ng mall na pinuntahan nila. "Sila ang gumawa niyan."

"Kay Sir po iyan?" manghang tanong niya.

Mahinang tumawa naman ang maneho. "Hindi. Ang ibig kong sabihin, sa kanila ipinagawa."

"Ah, okay po. Gets ko na." Tumango-tango siya, "Ahm, may pamilya na ho ba siya?"

Hindi na iyon nasagot ng maneho dahil sa pagdating ni Earl. May bitbit itong paper bag at ini-abot sa kanya. 

"P-para sa akin po, Sir?"

"Yes, sa condo mo na buksan," anito. "Let's go, Mang David. May meeting pa ako mamaya," baling nito sa matanda. 

Wala silang imikan habang tumatakbo ang sasakyan. Pagdating sa condo ay muling umalis si Earl pagkatapos maipasok sa unit ang kanilang mga pinamili. Binilinan siya nito na ayusin muna ang mga pinamili bago siya magpahinga. 

Matapos niyang ilagay ang mga pinamili ay nagtungo siya sa silid. Inayos naman niya ang kanyang mga gamit. At dahil napagod sa labas ay hindi niya maiwasang maidlip. Napabalikwas siya ng bangon nang magmulat ang mata. Hindi niya alam kung matagal ba siyang nakatulog pero iisa lang ang masisigurado niya, madilim na sa labas. Lumapit siya sa pinto't dahan-dahan na pinihit ang seradora. Nakarinig siya ng mahihinang kaluskos na nagmumula sa sala. Bigla siyang kinabahan. Maingat na inihakbang niya ang patungo roon. Halos manlaki ang mata niya sa nakita. Natulala siya't hindi rin nakakibo. 

Nakatayo sa gitna ng sala si Earl. Abala ito sa pagbabasa at tanging manipis na boxing short lamang ang suot. Nalunok niya ang laway. Nagsimula na rin siyang pagpawisan. Sino ba naman ang hindi?! Napakaganda ng hubog ng katawan ng boss niya. Mukhang alaga sa exercise. Anim na umbok lang naman ang nakahilera sa tiyan nito at ang muscles sa braso, tila kaysarap gawing unan. 

"Hanep sa katawan si Sir," nakagat niya ang pang-ibabang labi. 

"Yes. You want anything?" tanong na nagpapitlag sa kanya. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status