Share

Chapter 22

NAKAHINGA nang maluwag si Kaye matapos ibalita ng doktor na ligtas na sa kapahamakan si Earl. Kasalukuyan na itong nagpapahinga sa pribadong silid pero hindi pa nagkakamalay.

"Kaye..."

Nilingon niya ang ama na nakatayo sa may pinto. Lumapit siya rito nang sumenyas ito.

"Anak, alam ko na mahal mo ang taong iyan pero alam mo na mali, hindi ba?"

Kagat-labing nagyuko siya ng ulo. Alam naman niya iyon. At hindi man niya aminin, umaasa siyang mapa-aannul ang kasal ng dalawa.

"Hindi ako tututol sa inyong pag-iibigan kung wala siyang sabit o tulad nang sinabi niya, mapawalang bisa ang kasal nila lalo na't siya ang ama ng apo ko. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo, 'nak, hintayin mong itama niya ang gusot na napasukan niya."

"Opo, itay." Napayakap siya rito.

Hindi kala-una'y nagpaalam na ang matanda. Si Menchi nama'y pumasok na may bitbit na pagkain.

"Kumain ka muna, Kaye." Ini-abot nito ang piraso ng sandwich.

"Umiling siya, "Salamat, wala pa akong gana."

"Makakasama sa baby ang magpalipas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status