Share

Chapter 24

ILANG araw ang inilagi ni Earl sa hospital at sa bawat araw na naroon siya ay hindi nakaliligtaang dumalaw ni Kaye. Labis ang kaligayahan niya sa tuwing dumadalaw ito. Sabik na sabik na rin siyang masilayan ang sanggol na bunga ng kanilang pagmamahalan. Maya't maya niya iyong kinakausap. Hindi rin umalis sa tabi niya si Jacob.

Pero nang araw na ma-discharge siya ay parang ayaw na niyang pumayag. Mas gusto na niyang mamalagi sa pagamutan, dahil tiyak na ibabalik siya ni Jacob sa Manila at matatagalan pa ang pagkikita nila ni Kaye. Muntik na siyang batukan ng kaibigan nang sabihin niya iyon dito.

"May sayad ka na nga talaga!" naiiling na lang nitong turan.

"Sige na, sweetheart. Magkikita pa naman tayo at hindi ba, usapan natin na aayusin mo ang problema mo sa Manila."

"Isang araw na lang, please!"

"Naku, pare, hindi na raw puwede sabi ng doktor. Marami pa ang nakapilang pasyente."

"Sabihin mong uukopahin ko ang silid na ito. Kahit magbayad ako ng isang milyon."

"Huwag ka nang tumawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status