"KAYE, kumusta ang costumer mo? Masarap ba ang first time?"
Napatawa ang karamihan sa narinig mula kay Rose. Napahinto siya't pinukol ito ng masamang tingin.
"Ops, sorry!"
Hindi niya natiis ang galit na umusbong sa kanyang dibdib, sinugod niya si Rose, "Hindi ka nakakatuwa. Hindi ka nakakatulong. Kung okay sa inyo dahil kumikita kayo ng malaking pera, ako hindi!"
Inawat siya ng mga kasama ngunit bago siya tuloyang naawat, nakalmot niya ang braso ni Rose.
"Aray! Buwisit ka! Sinira mo ang katawan ko." Akmang ito naman ang susugod.
"Tama na. Tama na iyan!" Pumagitna si Olga. "Hindi ito ang tamang panahon para mag-away-away tayo. Ikaw, Rose, n'ong una ka ba rito, may nagtanong ba sa iyo ng marasap ba ang first time mo? Hindi ba't wala?"
Sa halip na lumambot si Rose ay nagalit pa ito. Lalo na't siya ang kinampihan nang ilan, idagdag pa ang tama ng kuko sa braso nito.
Lalong nadagdagan ang galit sa dibdib niya. Tumakbo siya sa cr at doon inilabas ang hinanakit. Umiyak siya nang umiyak habang yakap ang tuhod.
Kahit hindi nakuha nang tuloyan ang pagkababae ni Kaye ay masakit pa rin ang katawan niya kinabukasan. Nanatili siyang nakahiga kahit pa nga tinatawag ng iba para mag-almusal. Matalim din ang mata niya't kuyom ang kamao. Samo't samo sari ang nasa isipan niya na nakakadagdag ng galit at poot sa dibdib niya. Hindi pala dapat siya nagtiwala sa kahit sino, kahit pa nga kaibigan.
"Buwisit! Paano kung makita ito ng magiging costumer ko? Paano kung mandiri sila at tanggihan na ako?"
Sinulyapan ng mata niya si Rose. Nagrereklamo ito sa natamong kalmot sa braso.
"Nakakainis! Kasalanan ito ng isang tao riyan eh! Kapag lang talaga tinanggihan ako ng costumer ko ngayon, pipilipitin ko ang braso niyan." Galit itong nakatingin sa gawi niya.
"May kasalanan ka rin naman, Rose. At tama si Olga," lumapit dito si Pinky. "Iba kasi ang dating nang sinabi mo kagabi kay Kaye. Medyo masakit sa tainga."
Pina-ikot ni Rose ang mata, "Masakit kasi sabi niya ay hinding-hindi siya ay magiging katulad natin pero iyon naman pala ay hanggang sa salita lamang." Pinukol nito ng masamang tingin si Kaye.
Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Kaye. May punto nga rin naman si Rose. Nagbanggit siya nang ganoong salita pero matutulad din pala siya sa mga kasamahan niya. Nang oras na hinahalikan siya ng lalaki, wala siyang nagawa. Hindi niya naipagtanggol ang sarili. Hindi niya naprotektahan ang kanyang iniingatang pagkababae. Nawalan ng saysay ang pagdarasal niya at maging ang kaliit-liitang pag-asa na makatakas sa madilim na lugar ay naglaho nang iwan siya ng lalaking akala niya ay may mabuting kalooban. Pero, bakit pa nga ba siya umasa na tutulongan siya nito? Hindi man tuloyan nito tuloyang nakuha ang pagkababae niya, naramdaman pa rin niya ang sakit at magpahanggang ngayon ay nandoon pa rin ang sakit.
Maghapon siyang tulala't nakahiga lamang. Walang gana at walang lakas ng loob. Kahit nakakaramdam ng pagkalam ng sikmura ay hindi niya binigyang pansin. Hanggang sa sumapit na naman ang gabi. Nanatili pa rin siyang nakahiga kahit ang mga kasamahan niya'y nag-aayos na ng kanya-kanyang sarili. Sa isang sulok ng kanyang mata, pansin pa rin niyang matalim ang titig ni Rose. Napahinga siya ng malalim. Wala na nga bang paraan na makaalis siya sa lugar na iyon? Muli siyang huminga ng malalim. Paano na lamang ang kinabukasan niya? Hanggang dito na lang ba siya? Tuloyan nang nalaglag ang luhang pinipigil niya. Wala na siyang dangal na maipagmamalaki sa iba. Wala na ang puring iningatan niya nang ilang taon. Ang puring ipinangakong ibibigay sa lalaking makakasama niya habangbuhay. At ang isa pang tanong sa isipan niya, matanggap kaya siya ng lalaking makakasama niya habangbuhay?
Naramdaman niya ang paglapit ng sinuman. Ipinatong nito ang palad sa braso niya. "Kaye, okay ka lang ba?" Si Olga pala.
Dahan-dahan siyang bumangon at umupo. Pilit siyang ngumiti rito bilang tugon.
"Ganiyan din ang naramdaman namin n'ong una pero nasanay na rin kami."
Nagbitiw siya ng malalim na hangin, "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kahit naman umayaw ako e wala na rin akong magagawa dahil tulad niyo, naibenta na rin ako. Ang hindi ko pa matanggap ay ang ginawa ni Ate Menchi, pinagkatiwalaan ko siya at ng aking magulang, pero ano ang ginawa niya? Inilubog niya ako putik."
"Masasanay din ang katawan mo," singit ni Pinky na nagsusuot ng short.
Hindi na siya nagsalita pa ngunit ang naghuhumiyaw ang isipan niya. Hindi siya mananatili roon habangbuhay. Gagawa pa rin siya ng paraan para makaalis at pagbabayarin niya ang taong naglagay sa kanya sa ganoong buhay.
Ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto at muli ay nagtawag ng pangalan si Salvacion. Isa-isa nang tinawag ang mga naroon at una ay si Olga na nagdaang gabi ay wala itong costumer. Inaasahan na niyang tawagin siya. Hindi nga nagkamali ang hinala niya. Nauna siyang tawagin kay Rose at bago siya tuloyang lumabas ng silid ay nakarinig pa siya ng maanghang na salita mula rito.
"Paayaw-ayaw pa, gusto rin naman. Pwee!"
Hindi na lamang niya ito pinatulan para wala nang gulo at para hindi madagdagan ang galit ni Rose sa kanya. Sumunod na siya sa matanda at tulad nang nagdaang gabi, may kadiliman ang silid na pinasukan niya. Bahagyang umusad ang paa niya patungo sa kama't umupo sa gilid niyon.
Lumangitngit ang kabilang pinto, hudyat na may papasok. Nagsimula na namang kumabog ang dibdib niya. Pabilis na pabilis. Lalo na nang marinig niya ang yabag. Ayaw niyang lumingon dahil natatakot siya. Natatakot sa maaaring mangyari. Kanina lamang ay nagpaplano siya kung paano makakatakas at isa lamang ang pumasok sa isipan--dumaan sa pintong papasukan ng magiging costumer niya. Ang gagawin lamang niya ay unahan ang costumer ngunit ngayon ay hindi niya magawa. Nangangatog ang mga tuhod niya at tila ba'y walang lakas na maglakad patungo sa pinto. Naramdaman niya ang pag-upo rin ito. Hindi pa rin siya kumikilos, nakikiramdam lang sa susunod na gagawin ng lalaki.
Lumapit na nang tuloyan ito sa kanya at walang pasubaling h******n siya nito. Maingat siyang inihiga, hindi tulad ng lalaki nang nagdaang gabi na kinuha siya sa dahas, marahil ay dala ng kalasingan. Ang balak sana niya ay tatakbuhan ang lalaki ngunit nang h****n siya nito'y hindi na nagawa. Unti-unti na siya nitong hinubaran at kahit gusto niyang manlaban ay ayaw sumunod ng katawan niya. Tuloy sa pagpapaligaya ang lalaki. Siya nama'y lalo nang nawalan ng lakas na lumaban. Nagpa-ubaya na lamang siya rito.
Blanko ang isipan niya. Wala na siyang maramdaman na kahit ano. Hindi rin niya alam na natapos na pala sa pagpapasarap ang lalaking ngayon ay nasa tabi na niya.
"H-hi!"
Hindi siya tumugon, sa halip ay iinot-inot na tumayo at inapuhap ang nagkalat na damit.
"Wait!" Hinawakan nito ang braso niya.
"Bitiwan mo ako!"
"I'm sorry."
Napansin ni Kaye na magkapareho ang boses ng lalaking umangkin sa kanya nang nagdaang gabi at ngayon. Hindi niya maaninag ang hitsura nito dahil sa may kadiliman ang silid na iyon. Marahil ay sinadya iyon ng may-ari na sa tuwing papasok ang costumer ay madilim ang silid at pabor din naman iyon sa kanya.
"Ikaw din ang lalaki kagabi, hindi ba?"
"Yes. I am. And," binitiwan na nito ang braso niya. Kinuha ang mga damit at habang nagsusuot ay nagpapaliwanag ito sa kanya.
Napanganga siya sa sinabi nito. "Bakit?'
"I don't know. For now, safe ka na sa ibang papasok dito. Walang ibang gagalaw sa iyo kundi ako lamang."
Kunot ang noo ni Kaye at nasa mukha ang labis na pagtataka. Matapos nilang mag-usap ng lalaki ay umalis na rin agad ito, siya nama'y lumabas na rin. Pagkapasok sa tinutuloyang silid ay agad siyang naupo sa gilid ng kama at tulad nang nagdaang gabi, binigyan siyang muli ng lalaki ng pera. Sinulyapan niya ang nasa palad. Sa tingin niya ay lima na tig-iisang libo iyon. At bago pa niya iyon mailagay sa kanyang bag ay bumukas muli ang pinto. Pumasok ang lalaking nag-interview sa kanya.
"Kaye, sumama ka sa akin."
Kinabahan siya bigla magkagayunpaman ay sumama na rin siya. Ilang pinto ang kanilang nilampasan bago narating ang pakay. Naghihintay doon ang may-ari ng agency at isa pang lalaki. Lalo siyang kinabahan. Halos mabingi siya sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Nagsisimula ring pagpawisan siya lalo nang mapansin ang hawak na baril ng lalaki. Papatayin ba siya ng mga ito? Baka ay may nagsumbong na kasamahan niya sa sinasabi niyang pagtakas.
"Puwede mo nang makausap ang iyong pamilya," ini-abot ng may-ari ang cellphone.
Napalunok siya ng laway. Mali pala ang nasa isipan niya. May panginginig ang kamay ng damputin niya ang cellphone. Napasulyap siya sa may-ari.
"Wala pong cellphone sa amin," nasambit niya.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. "Sir, sabihin mo na lang sa kanya.""Okay," tumingin ito sa kanya. "Nagpunta rito si Mercy, ma.."
"Si Mercy?" Umakyat bigla sa ulo ang dugo niya. Ang kaninang naramdamang takot ay napalitan ng galit. "Ang hayop na babaeng 'yon! At kayo," pinagduduro niya ang tatlong lalaking nasa harapan niya. "Mga hayop kayo! Mga sinungaling kayo! Kasambahay ang pinasukan ko tapos ang babagsakan ko pala ay prostitute. Nasaan ang konsensiya ninyo?"
"Nasa hospital ang tatay mo."
Nalaglag ang panga at biglang humupa ang galit na nararamdaman niya. Bigla-bigla rin siyang nanlamig at unti-unti ay nawawalan ng lakas.
WALANG patid ang pag-agos ng luha ni Kaye. Daig pa niya ang basang sisiw na nakayupyop sa tabi. Hindi agad siya naniwala nang sabihin ng may-ari na nasa hospital ang kanyang ama ngunit tinawagan nito si Menchi upang ipakausap sa kanya. Pinagmumura niya ito sa una ngunit natahimik siya nang sabihin nito na nasa hospital nga ang kanyang ama. Nakausap din niya ang pinsang si Delia, ayon dito ay kararating lang nito sa hospital. Dinamayan siya nang ilan sa mga kasama niya kabilang na si Olga. Pinagaan nito ang kalooban niya. "Ganiyan talaga ang buhay, Kaye. Susubukin tayo ng panahon kung hanggang saan ang kaya natin. Pasasaan ba't makakaraos din tayo. Makakaligtas ang iyong ama, manalig ka lang sa Maykapal." Inalalayan siya nito patungo sa kanyang higaan. Hindi ito umalis sa tabi hanggang sa makaidlip siya. "Arte," bulong ni Rose. Matalim din ang pagkakatitig nito kay Kaye. "Nang dahil sa iyo, hindi satisfied ang costumer ko kanina. Limang daan lang ang tip sa akin. Buwisit ka!" Hindi
Warning; SPG alert. PROBLEMADO si Kaye, katatapos lamang niyang makausap ang pinsan na nagbabantay sa amang nasa hospital. Kailangan daw na maisalalim sa operasyon ang ama niya at nasa isang daang libong peso ang kakailanganin niya bukod pa ang mga gamot nito. Hindi pa man sapat ang perang nalilikom ay naipadala na niya iyon. Ibinigay niya kay Salvacion ang pera para maipadala sa probinsiya, ito rin ang inuutusan ng kanyang mga kasama na magpadala ng pera para sa kani-kanilang pamilya. Mabuti na lamang at mapagkakatiwalaan ang ginang.Labag man sa kalooban niya'y naihiling niya na sana ay gabi-gabi siyang may costumer. Iyon na lamang ang tanging paraan na naiisip niya nang sandaling iyon. Hindi man dapat pero kailangan. Para sa kaligtasan ng kanyang pinakamamahal na ama. Talagang sinusubok siya ng Maykapal."Makakaraos ka rin," lumapit sa kanya si Olga. Tipid siyang ngumiti, "Salamat."Kung noong unang dating ay halos pigilan niya ang oras, ngayon ay halos hilahin na ang bawat minut
NAKA-UKIT sa labi ni Kaye ang ngiti habang naglalakad pabalik sa silid. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa hindi pa kilalang costumer dahil bago sila maghiwalay ay hiningi nito ang contact number ng pamilya niya, sabi nito ay magbibigay ito ng tulong sa kanyang ama. Ngunit nasisigurado niya na hindi lang dahil sa tulong nito kung bakit siya masaya ngayon. Kinapa niya ang sarili. Nagkakaroon na ba ng espesyal na damdamin ang lalaking iyon sa puso niya? "Hindi!" mariin niyang tanggi. "Hindi pa kami lubusang magkakilala, pangalan pa niya'y hindi ko pa alam. Iilang gabi pa lamang, Kaye, huwag kang masyadong marupok. Pinagsasawaan lamang niya ang katawan mo," angil niya sa sarili. "Pero--" Naputol ang mahinang pagsasalita niya nang mapatapat sa pinto ng tinutuloyan. Dinig na dinig niya ang boses ng mga nasa loob. Napailing na lamang siya at marahang binuksan ang pinto.Sinalubong siya ng matatalim na salita't nakakamatay na titig ni Rose.
BALISA si Kaye, paroo't parito siya sa silid. Nasa isipan pa rin niya si Hilda. Unti-unti na niyang natatanggap ang kanyang kapalaran pero nang dumating ang dalagita ngayon ay nag-aalinlangan na naman siya. Tatlo silang walang costumer, kabilang si Pinky. Tulad niya ay balisa rin ito. "Hayst! Nanggigil ako!" Tumayo ang isa pang naiwan. "Pero, alam niyo may mali rin si Hilda. Hindi niya sinabi ang tunay niyang edad." "Nandoon na tayo, pero ang mas may malaking kamalian dito ay ang lint*k na napasukan nating ito! Tayo ba na nasa tamang edad na ay alam na ganito ang ating babagsakan?" Natahimik ito sa narinig mula kay Pinky. Siya nama'y napa-upo sa gilid ng kama. Mataman siyang nag-iisip. Paano na lang ang kinabukasan ni Hilda? Saglit pa ay napabaling ang tingin niya kay Pinky."Kakausapin ko ang may-ari nito. Sasabihin ko sa kanya ang tunay na kalagayan ni Hilda."Muli siyang napatayo, "Sasama ako.""Pero, paano kung hindi tayo pakinggan?""Ang nega mo naman, Sandra!" tukoy ni Pinky
NAIWAN siyang nakanganga at nasapo ang pisnging hinagkan nito. Unti-unti ay gumuhit ang ngiti sa labi niya at kulang na lamang ay mapatili sa hindi niya malamang dahilan. Ilang sandali pa ang kanyang pinalampas bago napagpasiyahang bumalik na sa kuwarto."Ang bilis mo naman yatang bumalik, Kaye," pukaw ni Olga na sa pagkakataong iyon ay wala itong costumer."Nagmamadali ang costumer ko e," aniya. Ipinasya niyang hindi niya ipaaalam sa mga kasama ang balak. Napasulyap siya sa katabing si Hilda. Wala itong costumer nang gabing iyon. "Tsk. Arte-arte, bibigay din pala." Binalingan niya si Rose, wala rin itong costumer nang gabing iyon. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Nilapitan na lamang niya si Hilda na magpasahanggang ngayon ay nakahiga pa rin.Isa-isa nang nagsisibalikan ang mga kasama niya. At nasa kalahating oras pa ang hinintay niya nang walang anu-ano'y may nagsigawan. Biglang kumabog ang dibdib niya. Marahas na bumukas ang pinto. Pumasok ang mga pulis na nakatutok ang mga bar
"G-GOOD m-morning po, Sir," nauutal ngunit nakangiting bati ni Kaye sa binatang amo. Kagigising lang nito, siya naman ay isang oras nang mulat ang mata at hindi rin siya halos nakatulog sa magdamag. Naninibago pa siya kaya siguro ganoon siya. Nasa loob na siya ng condo ng boss niya upang doon ay magtrabaho."Good morning, too!" tipid itong ngumiti sa kanya. "Nakatulog ka ba ng maayos?"Payak din siyang ngumiti rito kahit hindi naman. Pagkatapos niyo'y nag-apuhap na siya ng sasabihin ngunit sadya yatang ayaw makisama ng utak niya nang sandaling iyon. Natameme na siya. Hindi pa niya alam kung ano ang mga dapat niyang gawin kaya hinintay na lang niya sa sala ang amo at ngayon nga ay magkaharap sila at kapwa nakaupo sa couch."Be prepared, Kaye."Kinabahan siya. Segundo siyang natigilan. "B-bakit po?""We will go outside," kampante nitong tugon habang nakatutok ang mata sa hawak na cellphone. Inisa-isa niya sa utak kung tama ba ang pagkakaunawa sa sinabi ng kaharap. "L-lalabas po tayo, S
HINDI mapakali si Kaye sa kinauupoan. Magkaharap sila ni Earl na kumakain ng hapunan. Nag-order na lang ito ng pagkain na kanilang pinagsasaluhan kahit pa nga marami nang stock na pagkain. Ayon dito ay next time na lang siya magluto. Gusto sana niyang magluto e kaso tumanggi ito. Habang kumakain ay panay ang lihim niyang pagsulyap dito. "Hindi man lang nagdamit ang lalaking ito! Inilalantad talaga ang abs niya, akala yata'y mahuhumaling ako, tss. May pabukol pa ng muscle, duh!" Ngumiwi siya sa salitang lumabas sa isipan. "Something wrong?" Napamulagat siya, "P-po? W-wala po ah!" naiiling niyang tugon at malaki ang ginawang kagat sa hawak na pizza. Ngayon lang siya nakakain ng pizza, sa probinsiya kasi nila ay hanggang fried chicken lang ang kinakain nila. "Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi. Hindi ako magdadalawang-isip na ibigay sa iyo kung anuman iyon," litanya lang nito.Namula ang magkabilang pisngi niya sa narinig, idagdag pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa
TITIG na titig si Kaye sa kaharap. Ganadong kumakain ito ng almusal na inihanda niya. Matapos siyang sermunan nito'y mabilis na umupo sa harap ng mesa at sinimulan ang pagkain. "Senirmunan ako tapos kakain din pala. Tsk! May sayad yata ang taong ito," naghuhumiyaw na sabi ng isipan niya. "I'm full," sabi nito habang nagpupunas sa bibig. "Maliligo na ako, maaga pa ang meeting ko." Tumayo na ito't nagtungo sa silid. Habol-tingin siyang nakanganga. "May menstruation siguro iyon. Pabago-bago ng ugali. Tsk."Naghuhugas na siya nang lumabas sa silid si Earl. Bago ito tuloyang lumabas ng condo ay nagpaalam muna sa kanya. Binilinan din siya nito, "In case na may mangyari, tumawag ka lang sa akin at huwag ka munang lalabasTumango na lang siya. Pagkalabas ni Earl ay ipinagpatuloy na niya ang paghuhugas. "Teka, nakalimutan kong itanong kung lilinisin ko ang kuwarto niya!" naibulalas niya. Pumunta siya sa harap ng pinto. "Kapag naka-lock, hindi ko lilinisin." Huminga siya ng malalim at pinihi