Share

CHAPTER 4: Gabriel, The Boss!

ISANG buwan ang matuling lumipas mula nang mangyari sa buhay ni Almira, ang isang gabing insidente na pinipilit niya ng burahin sa kaniyang isipan. Pinipilit niya rin maging komportable muli sa tuwing kasama si Vladimir, dahil, mas pinili niyang ipadama rito ang tunay niyang nararamdaman. 

She act like she’s okay. She loved Vladimir, at hindi niya kakayaning iiwan siya nito.

Kakagising pa lamang niya ng bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto at iniluwa mula doon si Mylene, nakangiti ito at masiglang-masigla ang mukha ng tumitig sa kaniya.

Bahagya niyang kinusot-kusot ang kaniyang mga mata saka sumilay sa labi ang ngiting tipid. Sa kabila ng nangyari sa kanya ay hindi siya iniwan ni Mylene, sinamahan siya nito at pinapalakas ang kaniyang kalooban kahit sa mga araw na pasuko na siya. 

Mahina siya at ang kahinaan niya ay si Vladimir, mahal na mahal niya ito na kahit kinakain na siya ng kanyang konsensya ay nagawa niyang maglihim. Natatakot siya na baka iwan siya ni Vladimir, oras na malaman nito ang totoo. 

She's being selfish when it comes to Vladimir.

“Buti naman nagising ka na sleeping beauty! Haler! What time is it? Nakakahiya naman kung mauunang maghintay ang kliyente, diba?” pagtataray na sabi ni Mylene, bagay na ikinababa kaagad niya mula sa kanyang higaan at dali-daling tinungo ang banyo.

“Jusme! Bakit hindi mo 'ko ginising kaagad May? Owemji! Ayaw kong ma-late!” nababalisang aniya matapos niyang matandaan na may importante pa pala silang gagawin ngayong araw.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayong babae ka! Hala! Magmadali ka na. Sa labas na lang ako maghihintay sayo,” anas ni Mylene at natatawa siya nitong pinanood.

Tango na lamang ang tanging naitugon niya, at saka isinara ang banyo.

Naiiling si Mylene, at napapangiti na rin. Medyo bumuti na ang kalagayan ni Almira, kumpara noong nagdaang linggo bagay na ikinatuwa niya. Ayaw niya rin makitang ikulong ni Almira, ang sarili sa madilim na sulok.

PAGDATING sa studio ay dali-daling inayos ni Almira, ang kanyang sarili at may ngiti sa labi niyang hinarap ang kanyang kliyente. Kilala sa larangan ng Business Industry ang kompanyang kinabibilangan niya, ang kompanya ng Tierra Designing Corporation.

Sa edad na bente-otso ay tumayo siya sa kaniyang sariling mga paa. Walang pamilyang masasandalan dahil maagang naulila mula sa isang aksidenteng nangyari mahigit sampong taon na ang nakalilipas. Tanging ang Tiya Pacita niya ang kanyang kasama ngunit, bumalik naman ito sa probinsya. Kaya, nagsikap siya at ngayon ay paunti-unti nang makikilala ang kanyang kakayahan bilang isang Diploma in Fashion Design.

Patungo siya sa opisina ni Miss Choi, ang PR Manager. Bitbit niya ang kanyang portfolio at laman niyon ang kanyang mga sketches at design. Bahagya siyang nagpakawala ng malalim na buntonghininga nang mag-abang siya sa pagbukas ng Elavator. Ngunit, pagbukas niyon ay naroon sa loob sina Vladimir kasama ang dalawang ka-office mates nito. 

Malawak ang ngiting ibinigay sa kanya ni Vladimir, bagay na ikinakagat niya sa kaniyang ibabang labi at kinimkim ang kakaibang kilig. Lingid sa kaalaman ng lahat, magkasintahan silang dalawa at labas ang relasyon nila sa tuwing nasa trabaho.

Kinakabahan siyang humakbang papasok at pigil ang hininga niyang pumwesto sa unahan ng isang lalaki, bagay na ikinasiko ni Vladimir, sa lalaki. Nagpalit sila ng puwesto at nakita niya iyon nang lingunin niya ang mga ito. Tipid na ngiti ang ginawad sa kanya ni Vladimir, at naamoy niya ang manly scent perfume nito na noon ay gustong-gusto niyang amoy-amuyin. Ngunit, kabaliktaran ito ngayon. Tila hinalukay ang kaniyang sikmura at gusto ng masuka. Pakiramdam niya ay iikot na ang kanyang mundo.

Natigil lamang ang pakiramdam niyang iyon nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Vladimir, hawak na nito ang kaniyang kamay saka iyon hinigpitan. 

She felt safe and calmed. 

Hinayaan niyang hawakan ni Vladimir, ang kaniyang kamay at ang kanilang mga katawan ang magpaparamdam na mahal nila ang isa't isa.

Iisa ang pupuntahan nila dahil may ipapasa rin si Vladimir sa PR manager.

Habang humakbang sila ay naramdaman niya ang pag-amoy ni Vladimir, sa kaniyang buhok. Iyon kasi ang nakasanayan nitong gawin sa kanya. Bigla siyang kinabahan at pinigilan ito. But, a devilish smiled escape from Vladimir’s lip.

“I can’t get enough,” pilyo nitong sabi.

She stunned and blushed. Nahihiya siya at naiiwas ang matang makipagtitigan pa rito. 

His captivated eyes make her melt in a moment.

Oh, God! She’s in love to this man. Kahit anong pigil niyang iwasan ito ay hindi niya magawa.

“Stop teasing me, Mr. Savedra! We’re on works, kaya behave! Okay?” pigil ang kilig niyang sabi bagay na ikinangiti lamang sa kanya ng kausap. 

Palibhasa kasi ay sila na lang dalawa ang magkasama dahil, kapag nagkataon pareho silang mayayari. 

“I will, Misis,” nakangiting pang-asar sa kanya ni Vladimir.

Nagwawala na naman ang kaniyang puso at tila lalabas na iyon para sampalin siya. 

ILANG sandali ay iniisa-isang binuklat at tiningnan ni Miss Choi, ang kanyang portfolio. Nakita niya paano kumislap ang mga mata ng ginang at mamangha ito dahil, sa mga sketches niya. 

“No wonder, napakagaling mo nga, ang gaganda ng mga designs mo, Miss Mira. I’m so sure this designs will be trends. I’m keeping this and wait for my signal. Ipapasa kita, and I’m happy to work with you,” sunod-sunod na paghangang wika ng kaharap.

Tuwang-tuwa si Almira, at bigla nitong nayakap si Vladimir, bigla pareho silang nagkatitigan at kaagad niyang inilayo ng bahagya ang sarili. Naikagat niya ang ibabang labi at nahihiyang ibinalik kay Miss Choi, ang paningin. Ngunit, natigil siya ng nakangiti ito at hindi pinansin ang nagawa niya.

“You too, look so cute,” puri pa nito bagay na ikinakamatis ng kaniyang mukha.

Vladimir, just chuckled. 

Tuloy natagpuan na naman niya ang sariling naghuhumaling.

“You can leave now, Miss Mira. I will talk to Mr. Savedra,” sambit ni Miss Choi, bagay na ikinatango niya saka tumalikod dito at tuluyang nilisan ang opisina nito.

She can’t help but to smile genuinely. 

SA KABILANG banda ay seryoso lamang ang mukha ni Gabriel, ng iniisa-isa niyang buklatin ang nakapatong na document sa ibabaw ng kanyang mesa habang nakakunot-noo. Kanina pa siya naghihintay sa pagdating ng kanyang sekretarya na late na nang 15 minutes.

And he hates of waiting. This few days made him upset. Dahil, may isang tao ang tanging nagpapagulo sa kaniyang isipan. And that person is Carmela, he wants to talk to her but how?

Umangat nang bahagya ang seryoso at gwapo niyang mukha ng may kumatok mula sa nakasarang pintuan ng opisina niya. Bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Tinitigan niya ito at isang malamig at walang ekspresyon na mukha ang ipinukol niya mula sa kapapasok na bagong sekretarya.

Gabriel, wears his cold deathly glare and smirk crosses his arms.

“What time now, Miss Gozon?”

“7:30 am S-sir,” nauutal ang boses naisagot ng babae.

“And?” he asked, clenching his jaw.

Umangat ang mukha ng babae mula sa pagyuko nito at ilang sandali ay maiiyak na ito.

“I-I’m 15 minutes late,”

“Your fire!” aniya sa maawtoridad na boses.

Halos bumagsak mula sa kanyang kinatatayuan ang babae at tanging paghikbi na lamang ang nagawa. Umiiyak itong nilisan ang opisina niya.

Walang pakialam sa nakapaligid sa kanya si Gabriel. Even if they call him a monster. He has the power to manipulate people, he has the money, fame and a wealthy family. But he has no heart---love does not exist for him.

Sounds bitter but yeah, he was.

He grabbed his cell and dialed someone’s number.

“Yo! Wassup! Mr. Del Fuego!” his brother Bartolome asked on the phone.

“Hired for me a new secretary, now!” mainitin ang ulo niyang naiutos dito sabay baba sa hawak na cellphone at ibinulsa ito pagkatapos.

He smirks while playing his Multi-function Tactical Pen. 

Nagtangis ang panga niya ng mamataan si Vladimir, na mukhang masaya dahil sa kausap nito mula sa cellphone. Lalo tuloy nagagalit ang kalooban niya, he knew it. Si Carmela ang dahilan niyon.

Naikuyom niya ang kaniyang kamao at naglakad palabas. Sa fashion designer workshop cubicle ang punta niya kung saan matatagpuan niya si Carmela. Hindi nga siya nabigo, nandun ito at abala sa ginagawang pattern kasama si Aska, ang kaibigan ni Vladimir. Nang maramdam ng dalaga ang kanyang presensya ay tumingin ito mula sa kanyang kinaroroonan. 

She smiles at him and formally greets him, “Good morning, Mr. Del Fuego.”

“Oh! Seems you're busy, sorry to interrupt!” 

“It’s okay, Mr. Del Fuego. Sandali,” hintong ani Almira saka nilingon si Aska.

“Mamaya na natin tapusin ito Aska, mag-lu-lunch break na din.” Dagdag nito.

“Well! Good then, excuse us for a while Mr. Del Fuego,” nakangiting tugon ni Aska at bahagya itong tumingin sa kanya saka siya ningitian.

Nanatiling nakasunod ng tingin si Gabriel sa dalaga habang may ngiting nakakubli sa gilid ng kaniyang labi. 

He doesn't care if Carmela lost her memory. 

Babawiin niya ito at pinapangako niya iyon.

“If you won’t mind, yayain ko sana kayo kumain kasama ang team. My treat!” aniya bagay na ikinatitig sa kanya ng dalawa.

“Kami po?” nagtatakang turo ni Almira sa sarili at kay Aska.

Tumango lamang siya at ngumiti ng tipid sa dalawa.

“May iba pa ba? Sige na, may pupuntahan lang ako saglit. Wait for me at the Guiler’s Restau.” Paalam niya saka nilisan ang opisina ng dalawa.

NAG-AABANG sa loob ng kanyang sasakyan si Gabriel, mula sa paglabas ni Vladimir upang kausapin 

ito.

He smirked,

may kapilyuhan ang naglalaro sa kaniyang isipan. Ngunit, saglit siyang natigil dahil kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan ang taong hinihintay niya.

“Come, get inside!” maawtoridad niyang utos dito.

Saglit namang inayos ni Vladimir, ang kanyang necktie saka niluwagan ito bago pumasok sa loob ng sasakyan. Binuhay ni Gabriel ang makina ng kanyang sasakyan at tahimik itong nagmaneho.

Walang may balak na magsalita sa pagitan nilang dalawa hanggang sa marating nila ang destinasyon kung saan nandoon sina Aska at Almira. 

Ramdam ni Gabriel ang pagtitig sa kanya ni Vladimir paglabas nila ng sasakyan dahil, nakasunod lamang ito sa kanya bagay na ikinangisi niya lalo.

SAMANTALA sinusubukang tawagan ni Almira si Vladimir para sana ipaalam sa kanya na makakasabay nila sa pag-lunch ang kanilang boss. Ngunit, tumutunog lamang iyon kung kaya't hindi niya muling sinubukan pa.

“Baka busy?” ani Aska.

“Baka nga, i-te-text ko na lang baka kasi magtaka ‘yun,” tugon niya bagay na ikinatango naman ng kausap.

“Well! Don’t have to be worried. I am here naman in case he asked. And I can tell him that you're with me,”

“Thanks Aska,”

“Infairness ha? Bumait ngayong araw si Boss. Mukhang nakakain ng masarap na ulam,” pilya at pagbibirong sabi ni Laura, kasamahan niya.

“Mabait naman talaga si Mr. Del Fuego. Iyon nga lang, pili lang din kinakausap niya,” tugon naman ni Anthony, ang HR manager assistant.

“Kunsabagay, still handsome pa rin siya kahit masungit!” patawang saad ni Aska.

Naiiling na lamang at natatawa si Almira. Paminsan niya lamang masulyapan ang kanilang boss at bawat pagtitig na tinatapon nito sa kanya ay tila may kakaibang kalungkutan ang mga mata nito. Pamilyar ang mga matang iyon sa kanya ngunit, hindi niya matandaan kung saan niya huling nakita iyon.

“Oh! Hi! Mr. Del Fuego!” Pagbati ni Laura, ang co-designer nila.

Bigla siyang napasulyap sa taong kararating lamang bagay na ikinatigil niya ng makitang kasabay ng kanilang boss si Vladimir. Napaawang ang kaniyang bibig at hindi niya maalis ang mata sa nobyo. Ramdam niya sa pagtitig nito, ang titig na may pagtataka bagay na ikinaiwas niya ng tingin.

“Join us, Mr. Savedra. It's my treat!” ani Mr. Del Fuego.

Kaniya-kanya sila ng inorder na pagkain. Tumabi sa kanya sa pag-upo si Vladimir nang lumipat ng puwesto si Aska. Si Vladimir na rin ang kumuha ng pagkain na gusto niya.

“Oh! What a love birds. Sana ganyan din ka-sweet ang magiging feature boyfriend to be ko,” nangangarap na ani Laura bagay na ikinatikhim ni Anthony.

Natawa na lamang si Almira at kaagad na naiwas ang mukha ng maramdam niya ang pangangamatis ng kaniyang mukha. Ngunit, saglit siyang natigil nang inilapit ni Vladimir ang kaniyang mukha upang bulungan siya.

“Your so cute when your blushed,” 

“Ehem! Tama na nga 'yan, baka langgamin tayo rito. Kumain na tayo!” awat ni Aska na sinabayan ng hagik-ik nito.

Hindi malaman ni Almira kung anong ikikilos dahil tila tumagos hanggang buto niya ang nakakapaso at walang ka-ekspresyon na titig ng kanilang boss. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status