Share

CHAPTER 23: Chance

SA mga araw na lumipas ay naging mahirap para kay Almira na harapin ang bukas. Hindi niya maalis sa sarili ang pagiging isang ina. Sa mga sandaling ito ay inaaliw niya ang sarili sa pagiging personal nurse ni Gabriel. Hindi siya nagmukmok dahil kapag ginawa niya iyon tiyak na ikakabaliw niya.

“Ang señorito mo?” usisa ni Madam Kate ng pumasok ito sa kuwarto ng binata.

“Nasa loob po, naliligo.”

Napakagat-labi ang ginang, ngumiti ito at saka kinuha mula sa kaniya ang hinawakan.

“Almira, hayaan mo na iyan. Si Aling Lordes na ang gagawa niyan. Ang pagiging taga-alaga na lang ni Gabriel ang gagawin mo,” saway sa kanya ni Madam Kate nang hawakan niya ang unan para ayusin ito.

“Wala naman po akong gagawin bukod sa pagpapaalala lang kay Gab—kay Señorito Gabriel sa iinumin niyang gamot,” kaagad niyang sabi at muntik niyang sambitin ang ngalan ng binata sa gusto niyang itawag dito.

Ngumiti ang ginang sabay tap nito sa balikat ng dalaga.

“You don’t have to. Sige na, ihanda mo na ang susuotin ng se
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat at nagsulat Ka ulit sa Good Novel
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status