Share

CHAPTER 17: Magkadugo

NAGPAKAWALA nang malalim na buntonghininga si Pacita. Sinilip ang dalagang mahimbing mula sa pagkakatulog. Pansin niya rin ang pagbabago sa hubog ng katawan ni Almira, kahit suot man nito ang malaking damit ay hindi maikubli ang pag-umbok na ng tiyan nito.

Marahan siyang tumabi sa dalaga, maingat na hinaplos ang buhok nito at saka hinagkan sa ulo.

Kumawala ang iilang butil ng luha sa kaniyang mga mata, habang nanginig ang labing pigil ang paghikbi nang nakatitig dito. Nakikita niya kasi ang sarili sa dalaga, ang pinagdaraanan nito. Napatakip siya sa ng bibig. Kaagad na pinahiran ang luhang namilibis sa pagbagsak at kasabay niyon ay ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan. Isang mapait na nakaraan.

TATLONG buwan nang manilbihan si Pacita sa mga Natividad. Isa sa anak ni Don Faustino ang naging amo niya. Si Enricko Natividad, ang ikalawa sa magkakapatid na Natividad. Kilala ito bilang alkalde sa bayan ng Sta. Fe. Bukod sa pagiging arogante ng binata ay malimit lamang ang kinakausap nito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Inlove na yata SI Gabriel Kay Almira ano Kaya Ang maramdaman ni Almira kung Malaman Niya na SI Gabriel Ang gumahasansa kanya?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status