Share

CHAPTER 6: The Heartbreak

NAKANGISING inabutan ni Briggete ng puting sobre na naglalaman ng pera ang babaeng inutusan nitong sundan sina Aska nang dalhin ng mga ito si Almira sa napakalapit na hospital. Malakas ang kaniyang kutob na buntis ito at hindi nga siya nagkakamali.

“Narinig ko po ang kanilang pinag-uusapan. Buntis ang sinasabi nilang Almira at ang sabi, nagahasa ito,” sumbong ng babae na ikinaawang ng kaniyang bibig ngunit nasisiyahan din siya sa natuklasan.

“Really? That’s so unbelievable,” kunwari pa niya at kalaunan ay tumawa ito.

“Well, I'm glad that you work great! Hindi na ako maghihirap sa kakabuntot kay Vlad,” nakangising asong wika niya na tila nagtagumpay sa iyang patimpalak dahil sa tuwang nadarama.

“Sige na, umalis ka na at baka may makarinig pa sa atin,” pagtaboy niya rito bagay na ikinangisi lamang ng kausap at iniwan siya kalaunan.

She loves Vladimir, at pinagsisihan niyang nakipaghiwalay siya noon sa kanya upang unahin ang kanyang career. Kaya gagawin niya ang lahat bumalik ulit sa kanya si Vladimir.

“Poor you Mira, babawiin ko sayo ang pagmamay-ari kong inangkin mo!” nakangising wika niya.

HAPON na nang nag-abang si Aska kay Vladimir mula sa labas upang kausapin ito ngunit nagdadalawang isip siyang sabihin rito ang katotohanan, naiisip niyang hindi rin magiging tama at maganda kung siya ang magsasabi.

Isang mabigat na pagbuntonghininga ang kanyang pinakawalan bago nagpasyang tumalikod para umalis. Ngunit, napahinto siya mula sa paghakbang nang makasalubong nito si Briggete. Sumama bigla ang mukha niyang tumitig rito bagay na siyang ikinangising aso sa kanya ng kaharap.

Kumuyom ang kaniyang kamao at nakaramdam ng sobrang pagkairita.

“Ang demonyita, ang kapal! Talandi pa! naisatinig ng kaniyang isipan.

Isang matinding irap ang kaniyang pinakawalan nang nilagpasan lamang siya ni Briggete. Naiistress ang wig niya sa sobrang kadesperada at kaplastikan ng babaeng ito kung kaya ay kaagad siyang umalis at baka hindi na nito mapigilan ang sarili. Ngunit, kaagad nagbago ang kanyang isipan.

Sinundan niya si Briggete hanggang sa may lobby ngunit kaagad rin siyang natigilan ng makita nitong nagyakapan sila ni Vladimir. Naitakip niya sa kaniyang bibig ang kamay at nangangalit ang mga matang napasugod.

“Ay! Wow. Kaygandang eksena!” agad niyang singit.

Mabilis na inilayo ni Vladimir ang sarili kay Briggete. Makikita sa hitsura nito ang pagod kung kaya't sinamaan ng tingin ni Aska si Briggete na may pang-iinis na ngisi.

“Makakapit, wagas!” pampaparinig niya.

“It’s not what you think, Aska. Maiwan ko na kayo, pupuntahan ko pa si Almira,” matamlay ang boses ani Vladimir.

Akma itong humakbang paalis ngunit nagsalita kaagad si Briggete bagay na ikinatigil ni Vladimir.

“Wala atang balak umamin sayo ang girlfriend mo Vlad, dahil pati si Aska ay naglilihim sayo. . . pity you! Maniwala ka man sa hindi, pinagloloko ka lamang niya,” dere-deretsong sabi ni Briggete bagay na ikinawalan ng kulay sa mukha ni Aska.

Nagtagis ang bagang hinablot ni Vladimir ang braso ni Briggete habang nakatitig rito ng masama.

“Huwag mong gawan ng kuwento si Almira, Briggete! Dahil kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi ko siya ipagpapalit!” marahas anito at dahil sa may pagkalakas iyon ay medyo napaurong si Briggete at gulat na gulat ito sa hindi niya inaasahan gawin ni Vladimir.

Walang paalam na iniwan sila ni Vladimir. Hindi makaimik si Briggete, bagay na siyang ikinangising mapangasar rito ni Aska bago ito umalis at iniwan si Briggete.

Napakuyom ng kaniyang kamao si Briggete at nanggigigil na itinapon ang hawak niyang cellphone.

KAHIT pagod ay mas pinili ni Vladimir na puntahan si Almira at dinalhan ito ng pagkain at isang kumpon ng white rose. Paborito ni Almira ang puting rosas kung kaya't iyon lagi ang kanyang binibili para rito. Ngunit, hindi niya maiwasang hindi mapapaisip. Ayaw niyang pagdudahan ang relasyon nilang dalawa. Alam niyang hindi rin ito gagawa ng ikakasira ng kanilang relasyon.

He heaved a sighed,

at nanatili sandali sa loob ng kanyang sasakyan, binura nito sa kaniyang isipan ang hindi kaayaayang isipan bago nagpasyang bumaba sa loob ng kotse niya.

Isinugod sa hospital si Almira bagay na labis niyang ikinabahala. Wala siya sa mga oras na iyon upang bantayan ang mahal niya. Mabuti na lamang ay wala itong sakit dahil tanging kulang sa tulog ang komplikasyon.

Nakabukas ang gate ng bahay ni Almira, kung kaya't pumasok siya at sinara iyon ulit. Tinawagan niya ang numero ni Almira, ngunit tumunog lamang ito at hindi siya sinasagot. Bigla nakaramdam siya ng pagkaba na hindi niya mawari kung bakit. Kumatok siya sa pinto ngunit ng pihitin niya ang seradura ay nakabukas ito. Kaagad niyang hinanap ng mata sa loob ng bahay si Almira ngunit walang bakas nito roon.

“Mira?” sambit niya ngunit isang tugtugin lamang ang narinig niya.

Tinungo niya ang kuwarto nito at ng pihitin niya ang seradura ng pinto ay naka-lock ito. Kinabahan siya lalo dahil nagmumula roon ang tugtog.

Bahagya siyang napakislot ng tumunog ang pamilyar na ringtone ng kanyang nobya. Nang lingunin niya ito ay nakapatong sa mesa ang cellphone nito at si Mylene ang caller. Kaagad niyang sinagot ito bagay na ikinakunot-noo niya.

“Hello,” pagsagot niya.

“Vlad? Oh my! Ma-mabuti naman at nariyan ka na, nariyan ba pa si Almira? Please, huwag mo muna siyang iwan ha? May importante kasi akong lakad ngayon,” deretsang sabi ni Mylene bagay upang magkasalubong ang kaniyang kilay.

Kaagad niyang naibaba ang tawag at agad na hinanap sa may vase ang duplicate key ng kuwarto ni Almira. Kinutuban siyang bigla at nanginginig ang mga kamay niyang buksan ang pinto. Pagbukas niya sa pinto ay tumambad sa kanya ang nakahandusay na nobya at duguan ang pulsuhan nito. Naitapon niya ang kanyang dala habang nanginginig niyang dali-daling sinaklolohan si Almira, ibinangon ang ulo nito habang pinipilit na ginigising.

“Almira! Mira! Honey, hey wake up!” nangangatal ang tinig niyang naisambit.

“Honey! Stay with me, please. Please, Almira,” namumula ang matang aniya upang pigilan ang pagbuhos ng kaniyang luha.

Hindi tumugon ang dalaga kung kaya't maingat niya itong inalalayan, pinunit niya ang laylayan ng kanyang damit at itinali iyon sa sugat ni Almira upang mapigilan ang pagdurugo. Maingat niya itong binuhat pagkatapos ay halos takbuhin na niya ang labasan maabot lamang niya ang kanyang sasakyan. Nang maisakay ang nobya ay mabilis niyang pinasibad ang kanyang sasakyan at dinala sa pinakamalapit na hospital si Almira.

Kaagarang isinugod sa E.R si Almira bagay na ikinahinto ni Vladimir ng harangan siya ng narse. Napahilamos siya ng mukha gamit ang kaniyang mga palad habang hindi mapakali mula sa pagtayo at muling uupo dahil sa tensyong nadarama.

Samo't sari ang kaniyang nadarama sa mga oras na iyon. Naiiyak na rin niyang tinitigan ang orasan dahil ilang minuto ng nasa loob ng kuwartong iyon si Almira. Tila may nakatusok na kutsilyo sa kaniyang puso nang maabutan niyang duguan kanina ang nobya.

Napabuga siya ng hangin. Papunta na sina Aska at Mylene dahil tinawagan niya ang mga ito. Kung kaya't dinig na dinig niya ang mga tinig ng dalawa. Napasugod ang mga ito sa kinaroroonan niya habang si Mylene naman ay naiiyak na.

“Diyos ko, Almira! Ano bang kabaliwan ang naiisip mo!” hikbing sambit ni Mylene.

Nag-angat ng kaniyang mukha si Vladimir kung kaya't nag-iwas ng mata si Aska upang iwasan ang maki-pagtitigan sa kaibigan. Tahimik lamang siya habang nakatayo sa may bakuna ng pinto.

“May, ikaw lang ang laging nakakasama ni Almira. Ma-may problema ba siya?” malumanay at puno ng kalituhan ang boses ni Vladimir.

Hindi kaagad nakaimik si Mylene, “Wa-wala,” tipid nitong sagot.

Kumuyom ang kamao ni Vladimir, nagtangis ang panga niya ngunit pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. Alam niyang nagsisinungaling ang kaharap.

“Then, why she do that? Muntik na siyang mawala sa akin, Mylene!” kalmado ngunit ramdam sa boses ni Vladimir ang galit.

Napahagulgol na lamang si Mylene, ayaw niyang magsalita dahil ayaw niyang pangunahan ang kaibigan.

LAGPAS trenta'y singko minuto bago bumukas ang pintuan ng E.R at lumabas mula roon ang isang naka-unipormeng doktor. Bahagya nitong tinanggal ang mask na suot at sinunod ang gwantes sa kamay.

“Are you the patient, relatives?” tanong nito.

“Y-yes,” si Vladimir ang sumagot bagay na ikinapigil huminga nina Mylene at Aska.

“The patient is stable now, mabuti lang din ay naagapan kaagad ang pagdurugo ng sugat niya at naidala ninyo kaagad siya rito. If not, it will causes her to death, maraming dugo ang nawala sa kanya,” ani ng Doktor bago nagpatuloy.

“I’ve already check her pulse rate and it’s fine. Let her sleep for a moment ‘cause, it will be good for her so she could relax. Nakakasama sa pagbubuntis niya ang pagod at stress,” deretsang sabi ng doktor bagay na ikinatigil bigla ni Vladimir.

May pagtatakang tumitig siya sa doktor, tila hindi na rin siya makahinga ng maayos, at may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan at bigla na lamang napatulo ang kaniyang luha.

“I’ve guess, your mistaken doc. Pa-paanong buntis ang pasye—”

“I’m not, the patient is pregnant. But she’s fine now and the baby was safe. Maya’t maya ay puwede na ninyo siyang bisitahin.”

“I’ll go ahead!” paalam ng doctor.

Pinanghinaan ng loob si Vladimir, hindi niya makumbinsi ang sarili. Hindi niya na kayang harapin si Almira. Bigla ay gumuho ang pinangarap niya.

“How? Paanong buntis si Mira?” pumiyok na ang boses niyang naitanong.

Kumuyom ang mga kamao niya, nangangalit ang mga mata nitong tinitigan si Mylene.

“V-Vlad, l-let me expl—” nahintong sabi ni Mylene ng bigla niya itong sinakal at galit niya itong tinitigan sa mata.

Inawat siya ni Aska sa braso niya ngunit hindi niya ito binigyan nang pansin.

“Alam mo ang lahat?” nangangalit ang bagang aniya.

Nagsiunahan sa pagpatak ang mga luha ni Mylene at hindi magawang sumagot. Kalaunan ay patulak niya itong binitiwan habang nakatitig rito ng masama.

“Alam mo, pero pinaglihiman ninyo akong magkaibigan! P*ta! Hindi ako bato Mylene! Napakagago ko ba para gawin sa ‘kin ‘to ng kaibigan mo!” pasigaw aniya at tuluyang ikinahikbi ni Mylene.

Niyakap naman ni Aska si Mylene para pakalmahin ito.

“Minahal ko siya at inalagaan, pero bakit naman ganito?” pagpapatuloy ni Vladimir at kusang napahikbi't hindi matanggap ang katotohanan.

“Vlad, I-it’s not what you think—” singit ni Aska ngunit bigla itong napatigil ng tumaas ang boses ni Vladimir.

“Shut up! Isa ka pa! Pinagkaisahan ninyo ako!”

Hindi makaimik sina Aska at Mylene na nagyakapan na lamang. Kapwang natahimik at biglang natakot sa biglang pagbabago ni Vladimir. Galit na galit ito na anumang oras ay papatay.

“V-Vladimir?”

Ang mala-anghel na boses ni Almira, ang pumukaw sa pusong nag-aapoy ni Vladimir.

Sandaling natigil si Vladimir at nilingon niya si Mira na bumungad sa pinto. Kumuyom ang kaniyang mga kamao dahil nahahalata niya sa mukha nito ang kapaguran mula sa pag-iyak, kulang na tulog. Maging ang malaking pagbabago ng katawan nito dahil malaki ang pinayat ni Almira. Sa mga sandaling iyon, pinipiga ang puso ni Vladimir, gustuhin man niyang ikulong sa kaniyang mga bisig ang nobya ay hindi niya magawa. Bagkos ay, galit ang siyang nararamdaman niya rito.

Hindi niya maihakbang ang mga paa para lapitan ito. Nang humakbang papalapit sa kanya si Almira ay umatras siya. Malalaki ang hakbang niyang nilayuan si Almira, talikuran ito at iniwan.

Kahit hirap at mahina ang katawan ni Almira ay hinabol niya si Vladimir papalabas ng hospital. Binaklas niya sa kamay ang nakakabit na dextrose at kahit nahihirapan ay kinaya niya upang maabutan ito. Kantodo habol naman sa kanya sina Aska at Mylene. Ngunit, hindi siya papayag. Kailangan niyang magpaliwanag, kailangan niya si Vladimir.

Hilam nang luha ang kaniyang mukha at kaagad na iniharang ang sarili sa dinaraanan ng kotse ni Vladimir bagay upang mabilis na pumreno si Vladimir na nanlaki ang mga mata nitong tumitig sa kanya mula sa loob ng sasakyan nito.

“Please, Vlad! Don’t go. Mag-usap tayo, kausapin mo ako, parang awa mo na. . .” hagulgol niya.

Kumuyom ang mga kamao ni Vladimir at nangangalit ang mga mata nito saka lumabas ng sasakyan niya.

“Stop this, nonsense Mira! Hayaan mo muna ako!” galit at tinaasan siya ni Vladimir ng boses at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasinghalan siya ng nobyo bagay din na ikinagulat ni Almira.

Ngunit, hindi siya susuko.

“V-Vlad, mag-usap tayo, magpapaliwanag ako,” garalgal ang tinig na pakikiusap niya.

“Mira, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya, pwede ba. . . pwede bang hayaan mo na lang ako? Please! Gusto kong umalis.”

Humikbi lamang si Almira at tila wala ng katapusan ang pagluha niya.

Vladimir, wants to wipe those tears, pero hindi niya magawang ikilos ang mga kamay para pakalmahin ang nobya. He’s hurt.

“I’m afraid, Mira. But I can’t understand. I can’t and. . . I want space,” hintong anito saka napabuga ng malalim na buntonghininga bago nagpatuloy. “Let this end, Mira!” naisatinig nito bago tinalikuran si Almira.

Nangatal mula sa kaniyang kinatatayuan si Almira.

A shocking trace on her eyes. She cried and any moment she will be collapsed on the ground but she need to accept this. She need thou.

“S-sige, naiintindihan ko, naiintidihan kita Vladimir,” nahihirapang saad ni Almira. Pakiramdam niya ay anumang oras aatakihin siya sa puso dahil sa paninikip niyon.

“If that’s what you want, then. . . I let you free. Kahit ang hirap, ka-kahit ang sakit-sakit na Vladimir, Palalayain kita,” naisambit niya habang walang humpay sa pagbagsak ang kaniyang mga luha.

Mabilis siyang tumalikod rito upang itago ang mukha at humakbang paalis upang lumayo kay Vladimir.

Vladimir, heaved a sighed and the tears escape from his eyes. Buo ang tiwalang ibinibigay niya kay Almira ngunit bakit parang ang sakit ng naidulot nito sa kanya.

The fact, he can't accept her.

BINUHAY ni Vladimir ang makina ng kanyang sasakyan at mabilis itong pinatakbo. Galit siya sa kaniyang sarili dahil sa sobrang kalituhan. Parang sasabog ang loob niya dahil sa sama ng loob.

“Why you, Almira? Bakit, ginawa mo sa 'kin ito. Ano bang nagawa kong kasalanan! Bakit!” pasigaw niyang sabi.

Pinagsusuntok niya ang manibela kanyang sasakyan at hindi na niya napigilan ang sariling umiyak dahil sa sama ng loob. Hanggang sa nakita na lamang niya ang sarili sa tahimik at walang katao-taong lugar. Malapit ito sa dalampasigan. Sa labas ng sasakyan niya ay binuhos niya ang sarili sa pag-inom ng alak.

Ilang sandali ay, huminto sa unahan niya ang pamilyar na kotse, kotse ni Briggete.

Bahagya siyang ngumiti rito. Nakakadala at nakakaakit ang suot nitong nude lace spaghetti strap. Mas umaapaw ang kakinisan nito dahil sa suot. And he can't denied it. Maganda si Briggete.

“Enough! Vladimir. Naparami na ang nainom mo!” anito sabay awat sa kanya mula sa pagtungga ng alak.

He smirked!

“As if you care, Brigg,” sambit niya.

Briggete, held his arm. It's entertaining. Nararamdaman niya ang mainit nitong palad. He smiles for it.

“I care of course, Vlad. I always cares for you, I am here,” ani Briggete saka hinawakan siya sa braso at pinadausdos pababa sa kaniyang malapad na dibdib ang mga daliri nito.

He smiled.

“You know how to flirt with me huh? Can you ease my pain, Brigg. . .” aniya na nasa tinig ang pambalewala sa anumang kahihinatnan sa maaaring mangyari.

Sumilay sa labi ni Briggete ang ngising aso saka nito pinulupot sa leeg ni Vladimir ang mga braso nito. Sinadya rin nitong ibangga ang katawan sa binata upang mapagdikit silang dalawa.

“I can, Vlad. Allow me to ease your pain. Bumalik ka ulit sa 'kin at ipapangako kong hindi ka masasaktan. And I can satisfy your needs,” she said and claim his lips.

Pinakiramdam ni Vladimir ang halik nito. Hinayaan niyang pagsawaan ni Briggete ang labi niya, ngunit wala siyang naramdaman sa sandaling hinahalikan siya nito.

He wants to avenge. Almira betrayed him, but how he could do that kung hindi niya kayang saktan ito.

“What!” paangil ani Briggete ng mabilis niya itong inilayo mula sa kanya.

Naputol ang nais nitong mangyari.

“I can't feel the lust! It’s make me feel boring, Briggete!” Tanging aniya.

“No! Let's do it again, Vlad. Akala ko ba, gusto mo ang ginagawa ko. Si Almira ba iniisip mo ha!”

Tiim-baga niya itong tinitigan ngunit hindi siya sumagot.

“Well! I guess. Paano mo pa ba mamahalin ang maduming babae na 'yun? Sa tingin mo, hindi ka rin ba lalayuan ni Almira, dahil sa pinaramdam mo!”

Bigla, nawala ang kaseryosan sa mukha niya at pinalitan iyon ng kalungkutan.

“It's none of your business, Briggete! Problema ko na iyon at huwag kang makialam!” aniya sabay tinalikuran ito.

Tinungo niya ang kanyang sasakyan at pumasok doon habang nakasunod sa kanya si Briggete.

“Vlad! You can't leave me here! Vladimir!” nagsisigaw na anito ng pinaandar niya ang sasakyan niya at pinagsirhan niya ito ng pinto.

Walang kasali-salitang iniwan niya iyon doon.

He untrust Almira, but she loves her. He want a peace of mind para lamang makalimot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status