Share

CHAPTER 11: Beautiful eyes

DAPIT hapon na nang makarating sa Tierra Fuego sina Almira at Aling Lordes, ang matabang babae. Sa likod bahay sila dumaan dahil direkta ito sa kusina at sa mga oras na iyon ay naghahanda na si Aling Pacita.

“Talagang masurpresa ang Tiyang Pacita mo, mabuti na lang ay naka-off ang kanyang cellphone. Tara! Pasok ka,” nakangiting yaya sa kanya ng ginang.

“Marami pong salamat,” tugon niya at napangiting pagpapasalamat dito.

“Kuh! Wala ‘yon,” anito at naunang humakbang.

Nangingiting sinundan ng mata ni Almira ang dahan-dahang pagpihit ni Aling Lordes sa seradura ng pinto. Sinabihan kasi siya nitong huwag munang sumunod kung kaya’t naghintay siya sa labas ng pintuan. Maya’t maya pa ay bumukas uli iyon at nakita niyang nakangiti nang ubod-tamis si Aling Lordes.

Kumabog ng malakas ang pintig ng kaniyang puso nang marinig niya ang boses ng kaniyang Tiya.

“Naku! Huwag mo nga akong pinagloloko, Lordes. Marami pa akong ginagawa. Ano ba itong importante kong maki---Almira!” nahinto at naibulal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Ms. Ava
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status