A/n: Please, skip this update. Don’t force yourself reading this! Masasaktan ka lang! 🤣✌️NALUKOT sa mga kamay ni Vladimir, ang papel. Nakarating sa kanya ang isang balita habang abala pa siya sa ginawa. Nasa opisina siya nito at inaaral ang ilang dokumento. Alam niyang sinadya ni Gabriel, na tambakan siya ng trabaho at mas pinagkatiwala nito kay Bartolome, ang pamamahala sa kompanya. Gusto na niyang umalma ngunit, ayaw naman niyang sumama ang loob ng kaniyang mama at ang chairman. Ganun na lamang ang panlulumo niya ng matanggap ang isang sulat galing sa isang botique kung saan sila nagpagawa ni Almira, ng susuotin nito sa kanilang kasal.He clenched his jaw, “Almira,” tanging naisambit niya.Namumuo ang luha sa kaniyang mga mata nang abutin niya ang cellphone at tinawagan ang numero ni Almira. Halos hindi siya huminga ng marinig niya ang boses ng dalaga nang sagutin nito ang kanyang tawag.“Can we talk?” malumanay ang boses niyang tanong.Tumahimik saglit ang kausap niya sa kabilan
DAPIT hapon na nang makarating sa Tierra Fuego sina Almira at Aling Lordes, ang matabang babae. Sa likod bahay sila dumaan dahil direkta ito sa kusina at sa mga oras na iyon ay naghahanda na si Aling Pacita. “Talagang masurpresa ang Tiyang Pacita mo, mabuti na lang ay naka-off ang kanyang cellphone. Tara! Pasok ka,” nakangiting yaya sa kanya ng ginang.“Marami pong salamat,” tugon niya at napangiting pagpapasalamat dito.“Kuh! Wala ‘yon,” anito at naunang humakbang.Nangingiting sinundan ng mata ni Almira ang dahan-dahang pagpihit ni Aling Lordes sa seradura ng pinto. Sinabihan kasi siya nitong huwag munang sumunod kung kaya’t naghintay siya sa labas ng pintuan. Maya’t maya pa ay bumukas uli iyon at nakita niyang nakangiti nang ubod-tamis si Aling Lordes. Kumabog ng malakas ang pintig ng kaniyang puso nang marinig niya ang boses ng kaniyang Tiya.“Naku! Huwag mo nga akong pinagloloko, Lordes. Marami pa akong ginagawa. Ano ba itong importante kong maki---Almira!” nahinto at naibulal
MALALIM na ang gabi ngunit, hindi pa rin dinadalaw nang antok si Gabriel. Kaharap niya ang kopitang may laman ng alak na high class Fundador Supremo alcohol na umabot sa kinsemil ang presyo niyon. Matapang ngunit masarap iyon para sa binata. Nakasandal siya sa pulang sofa na naroon sa kanyang kuwarto at bahagya niyang pinaluwag ang suot na puting roba. Nakapatong naman sa maliit na mesa ang kaniyang mga paa habang doon nakatitig ang kaniyang mga mata.“Move you little limp! Don’t be like an f*cking useless!” iritadong singhal niya sa sariling mga paa.Unti-unti niyang pinagsusuntok ang kaniyang paa ngunit nasaktan lamang siya dahil sa ginawa.“F*ck! F*ck! F*ck it!” paulit-ulit niyang pagmumura at hindi nakaligtas ang iilang butil ng luha sa kaniyang mga mata.He was crying in a silent way. Araw-araw ay wala siyang ligtas sa mga paa niyang ayaw makisabay sa kanya. He closes his eyes and blink.Madilim ang buong loob ng kanyang kuwarto dahil tanging lampshade lamang ang hinayaan niyang
NAKAILANG tungga na ng alak si Vladimir, ngunit ayaw pa niyang magpaawat. Halos isang buwan na siyang wala sa sarili at umuuwing lasing tuwing gabi. Nag-iisa siya sa condo unit niya na ngayon ay tahimik niyang isinalin sa baso ang alak at muling nilagok iyon ng walang kagatol-gatol.Labis ang sakit na nadarama niya mula nang iniwan siya ni Almira. Sa isang buwang pag-iwan nito sa kanya ay tila naging impyerno ang kaniyang buhay.He missed her, he missed her princess so much.Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapahikbi. Almira left him in so much pain. Besides, it's all his fault. Hinayaan niyang mawala sa kanya ang dalaga. Blaming himself is not enough at habang buhay na niyang dala-dala ang guilt na iyon.“Why leaving me without any reason Almira. Am I not enough?” nagngangalit ang pangang aniya.Sumilay sa labi niya ang ngiti hanggang sa natawa siya pero kapalit niyon ay ang paghikbi niyang muli. Alam niyang may pagkakamali siya. Ngunit, hindi rason iyon para karmahin siya ng
ARAW ng lunes, araw din upang simulan ni Almira ang trabaho bilang katulong. Kailangan niyang sundin ang pinayo ni Madam Kate, gawin niya ang nararapat at kung maaari ay hindi siya magpapakita sa among pinagsilbihan. Nalaman niya kung gaano ka sama ang pag-uugali ng anak na panganay ng Del Fuego, dahil na rin kay Cherry dahil lagi itong napapagalitan kapag may hindi nagustuhan ang lalaki.Suot niya ang navy blue scrub suit nanny uniform na pinaresan niya ng puting sapatos. Nakapusod ang medyo kulot niyang buhok at nakalabas ang iilang hibla niyon. Kanina pa siya nagtatago sa isang sulok upang bantayan ang paglabas ng lalaki para simulan niya ang task niya sa araw na ito. Nang makita niyang bumukas ang pintuan ay awtomatiko siyang sumiksik at itinago ang mukha. Nang iangat niya ang mukha ay nakita niyang may kasamang lalaki ang magiging amo niya, ito rin ang nagtulak sa wheelchair. “Kailan mo ba balak magpa-therapy? Habang tumatagal, nakikita kong para kang si daddy mo,” usisa ng lal
NAKAHILATA sa hospital bed si Vladimir, nang mapuntahan ni Briggete. Kabakasan ng sobrang pag-alala ang mukha nito dahil sa natamo ng binata. Itinabi niya ang kanyang clutche pati ang dala niyang bulaklak at prutas. Naupo siya sa bakanteng upuan. Hinawakan niya ang kamay ni Vladimir, at saka dinala niya ito sa bibig para halikan.She teary eyed and kissed Vladimir's cheeks, “Gumising ka na, hindi ka dapat nakahilata riyan Vladimir, I’m so worried about you.” Hinaplos niya ang mukha ng binata saka ito nagpatuloy, “Kasalanan ni Almira, kung bakit nangyari sayo ’to. Siya lang ang dapat sisihin Vladimir, she leaves you, samantalang nag-aagaw buhay ka!” paninisi niya kay Almira.Minasahe niya ang kamay ng binata pati ang mga daliri nito.“Kung sana, ako na lang ang minahal mo, hindi ’to mangyayari sayo Vlad. But, I am willing to wait until you love me back.”He stood up, inilapit niya ang mukha sa mukha ng binata mula sa napaka-himbing nitong pagkakatulog. Inilapit niya ang labi upang ha
NAGMULAT ng mata si Vladimir, unang bumungad sa kanya ang puting pintura ng kisame. Bahagyang umawang ang bibig niyang may nakalagay na tubo. Iginala niya rin ang mga mata sa paligid ngunit hindi niya maikilos ang katawan. Mabigat, at may ilang parte ng katawan niya ang masakit.“Almira. . .” naisambit niya at hindi na muling nadugtungan pa.Nagising nga siya ngunit si Almira pa rin ang sinasambit ng kaniyang puso at bibig.Eksenang ikinasaya ni Kate, ang mommy ni Gabriel. Naiiyak nitong niyakap ang binata.“I’m glad that you're awake, Vladimir. God, I am so worried about you.”Hinayaan ni Vladimir na yakapin siya ng ginang. Hindi niya inaasahan ang pagpunta nito. Bahagyang inilayo ni Kate ang sarili sa kanya at ubod-tamis siya nitong ningitian.“Gabriel will be happy if he knew that you're getting fine. Mukha lang siyang galit but he is concerned,” Kate said.“Almira,” tanging nailabas ng bibig ni Vladimir.Kunot-noo ay napatanong ang ginang, “Who’s Almira, Vladimir?” anito at hindi
NAGPAKAWALA nang malalim na buntonghininga si Pacita. Sinilip ang dalagang mahimbing mula sa pagkakatulog. Pansin niya rin ang pagbabago sa hubog ng katawan ni Almira, kahit suot man nito ang malaking damit ay hindi maikubli ang pag-umbok na ng tiyan nito.Marahan siyang tumabi sa dalaga, maingat na hinaplos ang buhok nito at saka hinagkan sa ulo.Kumawala ang iilang butil ng luha sa kaniyang mga mata, habang nanginig ang labing pigil ang paghikbi nang nakatitig dito. Nakikita niya kasi ang sarili sa dalaga, ang pinagdaraanan nito. Napatakip siya sa ng bibig. Kaagad na pinahiran ang luhang namilibis sa pagbagsak at kasabay niyon ay ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan. Isang mapait na nakaraan.TATLONG buwan nang manilbihan si Pacita sa mga Natividad. Isa sa anak ni Don Faustino ang naging amo niya. Si Enricko Natividad, ang ikalawa sa magkakapatid na Natividad. Kilala ito bilang alkalde sa bayan ng Sta. Fe. Bukod sa pagiging arogante ng binata ay malimit lamang ang kinakausap nito.