Share

CHAPTER 3: Guilt for Vladimir

NAGISING kinabukasan si Almira, na walang saplot sa kaniyang katawan at parang minartilyo rin ang kaniyang ulo dahil, sa sobrang sakit nito. Lalo niyang ikinatakot ay dahil pati maselang bahagi ng kaniyang katawan ay masakit din. Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi. Pinagsamantalahan siya ng isang estranghero, na nawala naman na parang bula pagkagising niya kinabukasan.

Ramdam niya ang mainit na paglandas ng kaniyang mga luha at napahagulgol na lamang. Diring-diri siya sa sariling masagi sa kaniyang isipan ang ilang eksenang naalala niya. Ang mainit na tagpo't pag-angkin sa kanya ng lalaking hindi niya kilala. Ibinalot niya kaagad sa hubad niyang katawan ang puting kumot. Nahirapan man siya ngunit, kinakailangan niyang makauwi sa kanyang apartment.

PAULIT-ulit niyang sinasabon ang kaniyang katawan habang diring-diri sa sariling pinagmamasdan ang kaniyang sarili. Muli ay napahikbi siya at nagsiunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod at ikinulong na lamang ang sarili sa banyo habang rumaragasa ang malamig na tubig sa kaniyang katawan.

Napatalukbong siya at naiyakap ang sariling mga tuhod habang humagulgol ng iyak. Matapos niyang kausapin si Mylene, at magsumbong dito dahil, sa nangyari sa kanya ay mas gugustuhin na lamang niyang maglaho at kainin ng lupa dahil, sa hiya at pandidiri sa nagawang pagbabaya.

Eksenang naabutan ni Mylene, kaagad nitong itinulak ang pintuan ng banyo nang hindi siya sumasagot. Niyakap siya nang buong higpit ni Mylene, ‘tsaka pinatay nito ang shower habang napaiyak na rin itong tumitig sa kaniyang mga mata dahil sa naging sitwasyon niya.

“Shh! Tahan na, nandito lang ako para sayo Mira. Tahan na! Diyos ko,” iyak at pagpatahang wika ni Mylene.

“May,” hikbing ani Almira saka yumakap pabalik. Tila kagaya siya ng bata na takot maiwan.

“May, marumi na akong babae. Paano si Vlad,. . . paano ako haharap sa kanya?” halos kapusin nang hiningang naisaad ni Almira dahil hilam na ng luha ang kaniyang buong mukha.

Napapikit si Mylene at naiiyak na iniharap sa kanya ang kaibigan.

“Hindi ka maruming babae, Mira. A-alam kong hindi ka ikakahiya ni Vladimir, hindi mo ginusto ang nangyari. Sinamantalahan ka, iyon ang totoo. Kaya tara na, umayos ka!” pampalakas loob ani Mylene sabay kuha sa nakasabit na tuwalya at ibinalot ito kay Almira.

“May, hi-hindi ko siya kayang harapin, paano ako haharap sa kanya May? Hindi ko kaya. . .” nanginginig ang boses naitugon ni Almira, sa walang humpay na paglandas ng mga luha nito.

Muli siyang niyakap nang mahigpit ni Mylene, at hinahagod ang kaniyang likuran upang ipadama sa kanya na hindi siya nito iiwan.

“Lumaban ka, mahal ka ni Vladimir, at alam kong matatanggap niya ang nangyari. Hindi mo ginusto ang nangyari Almira, kasalan ko. . . sana hindi na lang kita isinama. I'm so sorry!” umiiyak at hagulhol na wika ni Mylene, sa kanya saka ito muling yumakap sa kaniya nang mahigpit.

Umiyak siya sa balikat nito at natatakot sa muling pagkikita nila ni Vladimir. Natatakot siyang kamuhian siya ni Vladimir, dahil, mahal na mahal niya ito.

ISANG linggo ang matulin na lumipas ay nakabalik na ng maynila si Vladimir. Napapansin niya ang pagbabago ng nobya, madalas na lamang itong ngumiti sa kanya at halatang iniiwasan na rin siya nito. Tuloy, naiiwan siyang napapa-isip ng malalim na kung bakit nga ba?

Bumuntonghininga si Vladimir, at may pag-iingat na itinabing ang ilang buhok na sumasagabal sa maamong mukha ni Almira.

He wears his genuine smile.

Napakahimbing kasi ng tulog nito, payapa at napakaganda pa rin ni Almira, kahit tulog. Pinagsawa niya ang matang titigan ito at napangiti na lamang. Naisip niyang, marahil ay na-busy ito sa trabaho bilang isang wedding coordinator dahil, siya rin mismo ang gumagawa ng mga gusto nitong desinyo para sa isusuot nito sa kanilang kasal.

Malapit na iyon, dalawang buwan na lamang.

“Mr. Savedra!” tawag sa kanya ni Aska, ang baklang wedding planner na kasama ni Almira.

Maingat niyang inihiga si Almira, sa sofa bago nilapitan si Aska.

“Shh! Keep quiet, she’s sleeping. . . let’s go the lobby,” mahinang usal at yaya niya sa kausap.

“Ay! Ang sweet. Tara na nga! Baka magising pa natin ‘yang future wife mo,” napahagik-ik ani Aska at nagmartsa ito paalis.

KALAUNAN ay naalimpungatan ng gising si Almira, at bahagya niyang kinusot ang kaniyang mga mata. Sumilay sa kaniyang labi ang matamis na ngiti matapos niyang mabungaran sa lamesita ang isang kumpon ng white rose na may nakadikit na sticky note mula kay Vladimir. Lihim siyang kinilig nang mabasa niya ang sulat na iyon saka inamoy ang bulaklak.

Vladimir is enlightened her day.

Ngunit, kaagad namang napawi ang matamis niyang ngiti nang makaramdam siya ng guilt para sa nobyo. Ibinalik niya sa kinalalagyan ang sulat at hinayaan ang bulaklak sa lamesita. May kirot sa puso niyang hinagod ang braso. Gusto na namang manubig ng kaniyang mga mata. Natatakot siya at naghihinayang sa mga sandaling makita niyang napakasaya ni Vladimir.

Natatakot siyang masaktan niya ito.

“Vlad, hindi na ako nararapat sa pagmamahal mo,” nanubig ang matang naibulong niya at napayuko.

Kinuha niya ang black Tote bag niya at lumabas ng silid na iyon ngunit nakasalubong niya si Vladimir, sa may pintuan na may dala-dala itong pagkain para sa kanilang dalawa kung kaya't mas lalo siyang na-gi-guilty kung ipagpapatuloy niya ang pagpapanggap na masaya pa sitwasyon niya.

Malaki ang tiwala sa kanya ni Vladimir, dahil, hindi nito kailanman hiniling sa kanya ang bagay na nagawa niya at naibigay sa ibang lalaki.

Her conscience silently killing her.

Hindi siya mapakali at gustong-gusto na niyang aminin ang totoo ngunit, mas nanaig ang pananahimik niya.

“Are you okay, sweety? Bakit ang putla mong tingnan?” may pag-alalang tanong sa kanya ni Vladimir.

“I'm okay, Vlad. Don't mind me, kumain ka na para makauwi na tayo.”

Inilayo niya ang sarili upang iwasan ang paghawak sa kanya ng nobyo. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang sa mga sandaling iyon na dati-rati ay hindi naman niya naramdaman.

Napalunok si Vladimir, at ramdam niya ang pagtataka nito. Ang kulay bughaw nitong mga mata ay tila nagpapaawa. Sa mga sandaling iyon ay tila kinurot ang puso ni Almira, at kulang na lang ay mawasak ito.

“We're not okay, Mira. Alam ko sa paraan ng pananalita mo. . . that your avoiding me. Just tell me if I made you upset. Please Mira, don't make me feel like this, para akong psychologist sa kakahanap ng sagot mula sa malalim na pag-iisip!”

mahina ngunit halos pakiusap ani Vladimir.

“Lately, lumalamig ka na. May kasalanan ba akong nagawa, Mira?” pagpapatuloy ni Vladimir, bagay na ikinaluha niya at napahagulgol nang iyak sa harapan nito.

“I'm sorry, I'm so sorry Vladimir, hindi ko na alam ang gagawin ko,” naihikbing saad niya bagay na ikinatigil ni Vladimir.

Hindi na ito umiimik at tanging pagyakap sa kanya nang mahigpit ang ginawa nito. Alam niyang pilit siya nitong iniintindi kung anuman ang gusto niya.

“Sige, hindi na muna kita kakausapin tungkol sa kasal. I'm sorry kong naging makulit ako. Fix yourself so you can rest. Liligpitin ko lang muna ito sandali, ihahatid din kita!” pambalewalang saad sa kanya ni Vladimir, bagay na ikinapunas niya ng kaniyang luha saka yumakap dito nang mahigpit.

“I'm so sorry, Vladimir. Kung anuman ang pinapakita ko, kung anuman ang nakikita mong kinikilos ko lahat ng 'to ay hindi ko sinasadya. I'm so sorry, I-I’m just tired,” hikbing usal niya rito.

Naramdaman niya ang paghalik ni Vladimir, sa tuktok ng kaniyang ulo bago ito tumugon.

“Hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo nang dahil lamang dun, Mira. And I respect you. . . nirerespeto ko kung anuman ang gusto mo,” saad nito sa malambing na boses.

Ang mga katagang naririnig ni Almira, mula rito ay labis na nagpapadurog nang husto sa kaniyang puso. Paano ba niya aminin ang totoo gayong pinangungunahan na siya ng takot at kaba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status