Share

Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin
Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin
Author: Gael Aragon

Prologue

Puerto del Cielo. . .

"D**mit, Andrea!" ang galit na galit na sigaw ni Sebastian sa kausap sa telepono. "Gusto mo bang igapos ko pa ang mga paa mo para lang maiuwi ka rito!?"  nagngangalit ang mga bagang na wika niya.

Hindi sumagot ang nasa kabilang linya.

Marahas na pinaraanan ni Sebastian ng kaniyang mga daliri ang malagong buhok. 

"This is my last ultimatum Andrea," aniya sa nag-iigting na tinig.  "I am giving you three months. . . three months, Andrea. Naiintindihan mo? At kapag hindi ka pa umuwi rito, pasensyahan tayo. Dahil kung kinakailangang ikadena kita--gagawin ko, maibalik ka lang!" 

At pagkasabi noon ay mariin niyang diniinan ang end button ng kanyang telepono. Halos madurog na iyon sa kamay niya sa higpit ng kaniyang pagkakahawak.

Paikot-ikot siya sa loob ng library habang nag-iisip, nang may biglang kumatok sa pintuan. Salubong ang kaniyang mga kilay na hinirap ang kung sino mang iyon. 

Nakita niyang nakatayo roon ang matandang mayordoma nila na si Manang Andeng. Pinayapa niya muna ang sarili bago ito pinatuloy.

"Ano ho iyon, Manang?" tanong niya.

Tila hindi naman mapakali ang matanda. Lalo pa itong kinabahan sa nakikitang itsura niya. 

Mabagal ang mga hakbang nito palapit.

"Señorito. . ." anito sa nag-aalangang tinig. Hindi ito makatingin nang diretso sa kan'ya.

"Say it Manang," wika niya sa naiinip na tinig at hinarap ang kaniyang mga gamit sa ibabaw ng mesa. "Marami pa akong gagawin ngayon sa koprahan. Wala akong panahong mag-aksaya ng oras dito.”

Pinasadahan ng kaniyang mga mata ang mga papeles na dadalhin. Sahuran ngayon ng kanilang mga tauhan, kaya’t alam niyang marami ang naghihintay sa kaniya roon.

Ang Hacienda Monte Bello ay ekta-ektaryang lupain na minana ng namayapa niyang ama na si Don Federico Monte Bello mula pa sa kanunu-nunuan nito. Matatagpuan ito sa Puerto del Cielo, isang lugar sa timog  Luzon. 

Kilala ang hacienda nila na nagungunang exporter ng kopra sa bansa. Bukod pa rito, may iba pa silang produkto na dinadala rin sa iba’t ibang bansa gaya ng saging, mais, tubo at kung ano-ano pa.

Apat silang magkakapatid at siya ang pinaka-panganay. Mula nang mamatay ang kanilang papa, naatang ng lahat sa kaniyang mga balikat ang mga tungkulin dito sa hacienda.

His brother Antonio was in-charge on their businesses in Manila, while his two sisters Aurora and Andie were roaming around the world. 

He devoted his whole life here. Kaya’t maging ang sariling buhay ay hindi na niya maasikaso.

“Eh… Señorito nawawala po si Bella,” paanas na wika ni Manang Andeng sa nag-aalalang tinig.

Marahas siyang napabaling dito. “Papaano hong nangyari iyon? Nasaan ho ang yaya niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.

“Eh, iyon na nga ho Señorito. . . pati ho ‘yong yaya nawawala,” mahinang pa ring sabi nito.

“Ano ho?!” ang malakas niyang wika. 

Parang kulog iyon na halos pumuno sa buong casa.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rich Jae Altez
hahahaha grabe naman high blood lang seb hahaha maputukan ka Jan Bigla haha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status