Share

Chapter 13

Hindi makatulog si Candice ng gabing iyon. She was turning back and forth sa kanyang higaan. Iniisip pa rin niya ang sinabi kanina ni Donya Consuelo.

Asawa ba ni Sebastian si Andrea? Ang paulit-ulit na tanong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame.

Nang wala naman siyang makuhang sagot sa tanong ay inis siyang bumangon. Tinungo niya ang glass door at binuksan iyon at tuloy-tuloy na lumabas.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalabong sa kanya doon. Wala sa sariling naiyakap niya ang mga braso sa sarili at pinagmasdan ang paligid. Walang hanggang kadiliman ang nakikita niya roon.

“Problem sleeping?”

“Holy sh*t!” ang malakas niyang sigaw ng marinig ang buong-buong tinig na iyon sa may bandang tagiliran niya.

Kaagad niyang tinakpan ang bibig upang di na makagawa pang muli ng ingay. Sapo ang dibdib na mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng tinig.

Nakita niya ang isang malaking bulto doon sa tapat ng kabilang silid. Nakaupo ito sa wooden chair na nasa balcony.

“Sebastian?”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Helen De Ocampo
ayan na !napapalapit na si papa baste ky candice
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status