Share

Chapter 2

“’NAY iwanan ko muna sa inyo si Daisy. Kayo na ho muna ang bahala sa kaniya,” ani Candice sa ina habang nagsusuot ng kaniyang sapatos.

Nakaupo ito sa salas at nananahi ng kurtina. Tumigil ito bahagya sa ginagawa at tiningnan siya.

“Wala pa rin bang tumatawag sa ’yo? Aba’y mag-iisang linggo na ang batang iyon dito ah,” anito.

“Wala pa rin nga ho, Inay, eh. Pero sabi naman ng mga pulis sinabihan na din daw nila ang DSWD, baka sakaling may naghahanap doon. Aabisuhan din daw nila ang mga bahay-ampunan dito sa atin at karatig bayan. Baka raw ho doon galing si Daisy,” paliwanag niya.

Tumango-tango ang inay niya. “O s’ya sige. . . Ako na muna ang bahala sa kan’ya.”

“Salamat ho, ‘Nay,” aniya at lumapit dito sabay halik sa pisngi. “Mauuna na ho ako,” paalam niya rito.

“Sige. Mag-iingat ka,” bilin nito.

Nagmamadali siyang lumabas ng kanilang bahay. Panghapon ang duty niya at medyo napasarap ang tulog niya kanina, kaya nakaligtaan niya ang oras. Kung hindi pa siya ginising ng inay niya ay baka hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya.

Papasok na siya sa entrance ng ospital nang may mabunggo siyang isang malaking lalaki. Kasalukuyan siyang nagsusuot noon ng ID kaya hindi niya ito napansin.

“I’m sorry,” aniya at bahagya lang itong nilingon.

Hindi na niya hinintay pa itong sumagot. Mabilis ang kaniyang mga hakbang na nagtungo sa elevator.

Sinulyapan niya ang relo. Namilog ang kaniyang mga mata nang mabasa ang oras doon. Limang minuto bago mag-alas tres na.

Ma-l-late na siya!

Pagbukas ng elevator ay dali-dali siyang sumakay. Nakita niyang sumakay din ang lalaking nabundol niya kanina. She just ignored him anyway. She was tapping her fingers on the handrail of the elevator nang biglang tumigil iyon.

“F**k!” ang malakas na palatak ng lalaking kasabay nang mabilis na pagsalo sa kaniya. Muntikan na siyang matumba kung hindi dahil dito.

Pero dahil malakas ang pag-uga ng elevator, pareho silang bumagsak sa sahig. Kasunod noon ang biglaang pagkawala ng ilaw sa loob.

In an instant, they were trapped inside the elevator.

She was trained at this kind of situation. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na mabigla sa bilis ng mga pangyayari. She was stunned for a moment at kinabahan. But for some reason, the heat coming from the body of the stranger was giving her comfort. At bukod doon, para siyang nakukuryente sa pagkakadikit nilang iyon.

Mabilis na tumayo si Candice, dahilan para umalog muli ang elevator. Mabuti na lang nakahawak agad siya sa handrail.

She was about to press the emergency button nang maunahan siya ng lalaki. But it’s not working either.

“S**t! What kind of hospital is this!” malakas na mura nito.

Huminga nang malalim si Candice. Pilit niyang isinisiksik sa kasuluk-sulukang bahagi ng isip ang unti-unting pag-usbong ng takot sa dibdib, lalo pa at estranghero ang kasama niya roon.

“I’m sorry, Sir. Maybe, there was a power outage right now,” lakas loob na sabi niya rito. She wanted to open some conversation with him para mawala ang mga iniisip niya.

Hindi naman na bago iyon sa ospital na pinagtatrabahuhan. It happened most of the times and the generator can only be used to those critical patients and other emergencies.

Inilabas ni Candice ang kanyang cellphone hoping she could get any signal, but there was none. Ang kasama naman niya ay tahimik lang sa isang tabi nang maya-maya ay lumapit ito sa may pintuan.

“What are you going to do?” tanong niya rito nang makitang anyong bubuksan nito iyon.

“I don’t waste time, Miss. Marami pa akong importanteng bagay na gagawin and staying here wasn’t doing me a favor,” ang pasupladong sagot nito sa kaniya.

Iingusan na sana niya ito nang maalalang siya man ay ganoon din. May ilang minuto na siyang late!

Dali-dali siyang lumapit dito at pumwesto sa may unahan nito. He was pulling the upper part of the door while Candice was giving all her strength to pull the lower part.

May ilang minuto na sila sa ganoong posisyon at babahagya pa lamang bumubukas iyon. Pareho na silang humihingal at pawisan.

Nang sa wakas ay kasya na ang tao sa butas, nauna ng umakyat ang estranghero palabas. Iaabot na sana niya ang kamay rito ngunit, laking gulat niya nang basta na lamang ito umalis at iwanan siya roon.

“Hoy, Mister! Pagkatapos kitang tulungan iiwanan mo lang ako rito!” tungayaw niya sa papalayong mga yabag nito. “Mister!” malakas na sigaw niya ngunit wala na ito.

Gigil na gigil na hinampas niya ang pintuan ng elevator. Medyo may kataasan pa naman ang labasan at kailangan pa niyang akyatin iyon.

Walang nagawa si Candice kundi maglambitin pataas. Pero ang problema hindi siya gaanong katangkaran, kaya nahirapan siyang maabot ang siwang noon.

Nakailang beses muna siyang tumalon bago iyon naabot, nang biglang dumulas ang mamasa-masa niyang mga kamay. Pikit ang mga matang inihanda ang sarili sa pagbagsak sa sahig nang walang ano-ano’y may humagip sa kamay niya at mabilis siyang hinila paitaas.

Nang makalabas ay agad niyang pinagpagan ang nadumihang sarili.

Magpapasalamat na sana siya sa taong tumulong sa kaniya nang sa paglingon niya ay wala na ito roon. Likurang bahagi na lang nito ang nahagip ng mga mata niya na papaliko ng hallway.

Napailing na lang siya.

“Kung sino ka man, salamat,” ang sabi niya sa sarili. Ilang minuto pa siyang nanatiling nakatayo roon bago nagmamadaling pumunta sa children’s ward.

Malilintikan na siya sa superior niya dahil late na late na siya.

*****

“WHERE have you been, hijo?” masuyong tanong ni Consuelo sa anak na si Sebastian. Kararating lang nito at pawisang-pawisan. “What happened to you?” dagdag na tanong pa nito na nangungunot na ang noo.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Sebastian. He was about to go home nang hindi niya makapa sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cell phone kanina. Nalimutan niya iyon sa kwarto ng mama niya, kaya binalikan niya ito. But he was trapped inside the elevator just a while ago.

Nasa isang ospital ang mama niya dalawang bayan mula sa Puerto del Cielo at sinamahan niya ito roon. Hindi makararating si Dr. De Leon, ang family doctor nila, for her regular check-up sa casa. May emergency raw ito sa ospital na iyon, kaya minaigi na lamang niyang dalhin na lang doon ang kaniyang ina.

“Hijo. . .” untag ng mama niya sa kaniyang pag-iisip.

“I’m sorry, Ma. I forgot my phone at walang kuryente ngayon, kaya I used the staircase instead of elevator,” pagsisinungaling niya rito sabay ngiti. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kaniya.

Pero sa halip na ngumiti, nagkalambong ang mga mata nito. Agad siyang lumapit dito at naupo sa gilid ng kama. Nag-aalalang tinitigan niya ito.

“Why? What’s wrong Ma?” he asked.

Bumuntonghininga ito. “I missed Bella, hijo. Kailan ba sila uuwi ni Andrea?” tanong nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at masuyong pinisil iyon. “Andrea said maybe next month. Bumabawi siguro siya kay Bella,” aniya at pilit na ngumiti rito.

Wala silang nagawa ni Antonio kundi magsinungaling dito. Nang magising ito mula sa pagkakaatake, sinabi nilang nakita na nila si Bella at kinuha ni Andrea. They didn’t want to compromise their mother’s life, lalo pa’t pinaalalahanan na rin sila ni Dr. De Leon tungkol sa kalagayan nito.

Bumuntonghiningang muli ang mama niya. “Ano pa nga bang magagawa ko? I hope this time seryoso na talaga si Andrea,” anito sa malungkot na tinig. Nag-aalala pa rin ito sa relasyon ng dalawa.

“Don’t worry, Ma. . . I know Andrea knew what she was doing. Pabayaan na muna natin sila. Bella is not getting any younger at naghahanap na rin ng kalinga ng ina. Hindi ko rin naman magampanan nang maayos ang aking tungkulin sa kaniya. But luckily, I have you to do that for her.”

Noon lang ngumiti ang ina pero hindi pa rin iyon umabot sa mga mata nito. “I know, hijo. . . I know. . . At nagpapasalamat ako sa mga sakripisyo mo para sa pamilya natin. Pero hindi mo rin maiaalis sa akin ang ihingi palagi ng tawad ang ginawa sa ’yo—sa inyong magkakapatid ng papa mo. Dahil sa kaniya natali ka sa ganitong klaseng sitwasyon.”

“Mama, please. . . huwag mo ng pag-iisipin ang mga bagay na iyon. Baka mas lalo lang makasama sa ’yo. Isa pa, hindi naman ako pupwedeng tumalikod na lang basta-basta sa pamilya natin. Tungkulin ko ’yon bilang panganay mo,” nakangiting sagot niya rito. Pilit niyang itinatago sa likod ng mga ngiting iyon ang bakas ng masalimuot na kahapon.

Mapait naming ngumiti ang mama niya sa kaniya.

He sighed sabay tayo. “Sige na, Ma, I must go now. Marami pa akong aasikasuhin ngayon sa hacienda. May delivery tayo ngayon at kinakailangang naroroon ako,” paalam niya rito.

Tumango ito. “Sige, hijo. Don’t worry about me. Andito naman si Sallie. Patatawagan na lang kita kapag tapos na kami rito.”

“Alright.” Humalik siya sa noo nito bago tuluyang umalis.

Habang nagmamaneho ay iniisip niya ang mga sinabi sa ina kanina. Andrea was doing what she wants somewhere while her daughter was left on his care.

Isang taon pa lang noon si Bella nang umalis ito at hanggang ngayon, ni silip ay hindi man lang nito ginawa sa anak. At iyon ang labis niyang ikinagagalit dito.

Kung naririto lamang sana ang babae it kasama ang anak, baka hindi ito nangyayari ngayon. Hindi siguro maiitakas ang bata ng yaya nito.

He let out a long deep sigh at pagkatapos ay iginala niya ang paningin sa paligid.

May kalalaan din pala ang traffic sa San Lucas at nag-iisip siya ng ibang pwedeng madaanan. Baka hindi niya abutin ang delivery ng mga produkto nila sa hacienda kapag natagalan pa siya sa daan.

Nang makakita ng tyempo, lumiko si Sebastian sa isang kalye. Sa pagkakaalam niya short-cut iyon papunta sa Puerto del Cielo. Walang masyadong sasakyang nagdaraan doon dahil makalampas lang ng kaunti sa bayan ay rough road na.

May kabilisan ang pagmamaneho niya. Hindi alintana ang maalikabok at mabatong daan. Sa magkabilang gilid noon ay may taniman ng palay at mangilan-ngilang kabahayan.

Inaaliw ni Sebastian ang sarili sa pagmamasid sa paligid nang mapansin niya ang isang pamilyar na bulto. Mabilis ang ginawa niyang pag-apak sa preno na halos ikasubsob niya sa manibela. Kaagad niyang iniatras ang sasakyan pabalik at tumigil sa isang partikular na bahay sa gilid ng daan. Matagal siyang tumigil sa tapat niyon.

Kunot-noong nagmasid siya sa paligid. Wala na roon ang kanina’y nakita niya at sa isip-isip ay namalik-mata lang siguro siya.

Naghintay pa siya ng ilang sandali. Nang wala naman siyang makitang kakaiba sa bahay na iyon ay muli niyang pinaandar ang sasakyan.

Ngunit hindi naman maalis-alis sa isipan niya ang nakita. Hinugot niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon at agad na idinayal ang numero ng kaibigang si Bernard.

“I want you to look for something,” walang kaabog-abog na sabi niya pagkasagot nito ng telepono.

“What is it?”

“I just passed from a certain house here in San Lucas and something caught my attention. I drove back pero wala na roon ang nakita ko,” kwento niya sa kaibigan.

“Baka naman nagkamali ka lang,” ani Bernard sa kabilang linya.

“I don’t know. . . But I have a strong feeling that there’s something in there. I’ll send you the address. At kung pwede, ngayon ka na rin magpadala ng tao roon o baka naman pwedeng ikaw na mismo ang magpunta rito,” naniniguradong wika niya.

“Alright, pare. I’ll be there in thirty minutes. I'll just use the chopper.”

“Thank you,” aniya at pinindot na ang end button.

*****

“CANDICE anong oras ang labas mo?” tanong ni Rex, kasamahan niyang nurse na matagal na ring nanliligaw sa kaniya.

“Aysus! Para namang hindi kita katrabaho kung makapagtanong ka,” nakaingos na sagot niya rito.

Hindi siya ilag sa lalaki kahit nanliligaw ito sa kaniya. In fact, malapit nga ang loob niya rito pati na rin ang inay niya. Paminsan-minsan kasi ay dumadalaw rin ito sa kanila. At hindi nalalayong sa mga susunod n araw ay sasagutin n’ya na rin ito.

Mabait si Rex, matalino at gwapo. Matanda lang ito ng dalawang taon sa kaniya at taga-rito rin sa San Lucas. Dito na sila nagkakilala sa Virgin Mary Hospital nang matanggap siya roon.

Noong una, pangiti-ngiti lang ito sa kaniya, pasabay-sabay kapag kakain siya. And then eventually, naglakas-loob na rin itong magsabi ng tunay nitong nararamdaman.

“I just wanted to be sure,” kakamot-kamot sa ulong wika nito.

“Hay naku, Rex. . . pwera na lang kung magka-emergency. Baka nga hindi ako makauwi agad,” biro niya.

Sasagot pa sana ito ng mag-ring ang telepono sa nurse station. Mabilis iyong sinagot ni Candice at pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Nang maibaba ang telepono ay sinulyapan niya si Rex.

Malungkot na ngumiti ang binata nang maintindihan nito ang tingin niyang iyon.

“I know. . . work firsts,” anito.

“Sorry talaga, Rex, ha. Hindi ko naman akalain na magkaka-emergency nga,” hinging-paumanhin niya rito.

“I understand,” sagot nito. “Sige, mauuna na ako sa ’yo,” pamamaalam nito dahil kanina pang tapos ang shift nito.

“Sige. Ingat ka.”

Tumalikod na ito pagkasabi niya noon. Siya naman ay nanatiling nakatayo roon sa may nurse station at sinundan ito ng tingin hanggang sa mawala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status