Sa kanila na nagpalipas ng magdamag si Sebastian. Hindi na ito pinayagan pang umuwi ng kanyang ina. Ang isang kwarto sa itaas ang inokupa nito. Pang-umaga ang pasok ni Candice, kaya alas-kuatro pa lang ng madaling araw ay gising na siya. Inaantok na kinuha niya ang tuwalya at tuloy-tuloy siyang nagpunta sa banyo. Dere-deretso siya doon, kaya’t nagulantang na lang siya ng sa pagbukas niya ng pintuan ay naroroon si Sebastian, wearing nothing but a small piece of boxer shorts! Sisigaw na sana siya nang mabilis nitong natakpan ng isang kamay nito ang kanyang bibig, habang ang isa naman naman ay sapo-sapo ang kanyang batok. He pinned her at the door leaving her nowhere else to turn to. Ang sariling tinig ay naipit lang sa kanyang lalamunan sa ginawa nitong iyon. Nanlalaki ang mga matang napatitig lang siya dito. Ang antok na kanyang nadarama ay kagyat na nawala. Hindi siya makagalaw at ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. She could also feel his own heart beats
“Señorito, hinihintay po kayo ni Sir Bernard sa library,” salubong sa kanya ni Manang Andeng pagdating na pagdating niya sa casa. Tumango siya dito. Kunot-noong hinayon niya ng tingin ang library bago tuluyang pumasok doon. Naabutan niyang prenteng nakaupo ang kaibigan sa isa sa mga upuan doon. “What brought you here?” kaagad na tanong niya dito pagkapasok na pagkapasok sa loob. Dere-deretso siya sa upuan sa likuran ng kanyang lamesa. Tumayo si Bernard at may iniabot sa kanya. “I want to give this to you personally,” anito sa seryosong tinig. Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ang kaibigan, pagkatapos ay tinanggap ang envelope at binuksan iyon. “So, you finally found her,” aniya habang binabasa ang mga reports na ibinigay nito. Tumango-tango si Bernard. “She was roaming around Itally,” sagot nito. “May tao akong nagbabantay sa kanya at nakasunod kahit saan man siya magpunta.” “Good,” aniya at hinimas ang may kahabaan ng bigote. Nanatiling nakatitig ang kanyang mga mata sa
“Linda, ikaw na ang bahala kay inay. Kapag may problema, tawagan mo ako kaagad sa ibinigay kong number sa ‘yo,” bilin niya sa kakasamahin ng kanyang ina. Nasa kwarto niya si Linda habang nagliligpit siya ng ilang mga gamit na dadalhin pa niya. Ngayong araw sila pupunta ng Puerto del Cielo at naghihintay na si Sebastian sa ibaba. Naaprobahan na noong isang ang resignation niya at nasabi niya na rin iyon kay Sebastian. Agad itong nagpagawa ng kontrata na naglalaman ng mga kondisyones ng magiging trabaho niya sa mga ito. Nakasaad doon na sa bahay ng mga ito siya titira at once a week ay may day-off siya. Hindi rin magiging mahirap ang trabahong iyon sapagkat may kapalitan naman pala siya. Pero ang ikinagulat niya ng husto ay ang sweldong nakasaad doon, fifty thousand pesos a month! Halos doble na iyon ng sahod niya sa ospital na dating pinagtatrabahuhan. Nang tanungin niya si Sebastian, ganoon daw talaga ang nararapat na sahod para sa isang nurse na kagaya niya. Hindi na lang siya u
Pakiramdam ni Candice lumukso ang puso niya out of her chest sa lapad ng ngiting iyon ni Sebastian. Nakatulalang napatitig na lang siya dito. Is this really the Sebastian that she knew before? Bakit parang ang laki na talaga ng ipinagbago nito? Bakit parang hindi na ito nagsusungit? Para bang naglaho nang lahat iyon sa isang iglap lang. Ano bang nakain ng isang ito? Tanong pa niya sa sarili .“You looked good together,” anang isang tinig mula sa kanilang likuran.Pareho pa silang nagulat ni Sebastian at sabay na napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang nakatayo roon habang nakasandal sa isang pulang pick-up.Nangunot bigla ang noo nito ng mapagsino siya. “Miss Question?” anito at unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi.Siya naman ang kumunot ang noo sa sinabi nito at pilit inaalala sa isipan kung saan niya ito nakita. Then, flashes of scenes from the hospital last week came into her mind.“Oh, yeah… I remember you. You’re the one at the hospital, right?” t
Tahimik na binagtas nina Candice at Sebastian ang mataas na hagdanan patungo sa second floor. Sa dinami-rami ng kwarto sa ibaba, dito pa talaga sa itaas napili ni Sebastian na bigyan siya ng silid. Maraming gustong linawin si Candice sa lalaki tungkol sa mga sinabi nito kanina, ngunit alam niyang hindi ito ang tamang oras para itanong ang mga bagay na iyon dito. Hindi muna nila isinama si Bella sa kwarto nito, dahil alam nilang gusto pa itong makasama ni Donya Consuelo. Sebastian knew, they longed for each other at pagkakataon na rin ito para masanay si Bella sa ibang tao sa paligid nito. Nang marating nila ang landing ng hagdanan sa second floor, halos malula si Candice sa bilang ng kwartong naroroon. Kung hindi siya nagkakamali, higit pa sa sampu ang silid doon na nakapaikot. Sa may gawing kaliwa ay may mini sala at mini bar. A practical part of the second floor, dahil hindi na kinakailangan pang bumaba ng kung sino man sa gabi kung nais nitong uminom. May dalawa ding kwarto doo
Maagang nagising si Candice ng sumunod na araw. Agad niyang tinungo ang kwarto ni Sallie, katabi iyon ng silid ni Donya Consuelo. Naipakilala na siya dito kahapon ni Sebastian. Mukha naman itong mabait at alam niyang makakapalagayan niya ito ng loob. Masusing itinuro nito sa kanya ang mga nararapat niyang gawin, pati na ang oras ng pagpapainom ng gamot kay Donya Consuelo. Sinabi din nito kung ano ang daily routine ng matanda. After her orientation, sa silid naman ni Donya Consuelo siya tumuloy. Naabutan niyang parehong tulog pa ito at si Bella. Napangiti siya. Bella used to sleep beside her at gaya ng lagi nitong ginagawa sa kanya, nakasiksik ang bata sa tabi ng Donya at mahigpit naman nitong yakap ang apo. Naramdaman siguro ni Donya Consuelo na may nagmamasid sa kanilang mag-lola kaya nagmulat ito ng mga mata. Malikot na iginala nito ang mga iyon sa buong silid. “What time is it?” ang paanas na tanong nito ng makita siyang nakatayo malapit sa may pintuan. “It’s six thirty Ma’
Hindi makatulog si Candice ng gabing iyon. She was turning back and forth sa kanyang higaan. Iniisip pa rin niya ang sinabi kanina ni Donya Consuelo. Asawa ba ni Sebastian si Andrea? Ang paulit-ulit na tanong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. Nang wala naman siyang makuhang sagot sa tanong ay inis siyang bumangon. Tinungo niya ang glass door at binuksan iyon at tuloy-tuloy na lumabas. Malamig na simoy ng hangin ang sumalabong sa kanya doon. Wala sa sariling naiyakap niya ang mga braso sa sarili at pinagmasdan ang paligid. Walang hanggang kadiliman ang nakikita niya roon. “Problem sleeping?” “Holy sh*t!” ang malakas niyang sigaw ng marinig ang buong-buong tinig na iyon sa may bandang tagiliran niya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig upang di na makagawa pang muli ng ingay. Sapo ang dibdib na mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng tinig. Nakita niya ang isang malaking bulto doon sa tapat ng kabilang silid. Nakaupo ito sa wooden chair na nasa balcony. “Sebastian?”
Mabilis na dinaluhan ni Candice si Sebastian ng makita itong napapikit. “Are you alright? Sumasakit pa ba ang ulo mo?” ang nag-aalalang tanong niya dito kasabay ng pagdampi ng palad niya sa braso nito. Tila naman biglang napaso si Sebastian doon at kaagad na pinalis ang kamay niya. Nagtaka si Candice. Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ito. “What’s wrong?” tanong niya. Kagabi lang eh ayaw nitong bitawan ang kamay niya, tapos ngayon para siyang may nakakahawang sakit kung ituring nito. Huminga ng malalim si Sebastian. “I’m fine,” ang maikling sagot nito at tumayo. “We’re going downstairs. Sumunod ka na lang para sabay-sabay na tayong makapag-agahan,” ang walang emosyong sabi pa nito pagkatapos ay kinarga na si Bella. Nagpupuyos ang kaloobang sinundan ni Candice ng masamang tingin ang noo’y papalabas ng sina Sebastian. Paglapat ng pinto ay mabibigat ang mga paang nagmartsa siya pabalik sa kanyang silid. Hindi niya talaga maintindihan ang lalaki. There were times na maayos