Share

Chapter 7

Sa kanila na nagpalipas ng magdamag si Sebastian. Hindi na ito pinayagan pang umuwi ng kanyang ina. Ang isang kwarto sa itaas ang inokupa nito.

Pang-umaga ang pasok ni Candice, kaya alas-kuatro pa lang ng madaling araw ay gising na siya. Inaantok na kinuha niya ang tuwalya at tuloy-tuloy siyang nagpunta sa banyo.

Dere-deretso siya doon, kaya’t nagulantang na lang siya ng sa pagbukas niya ng pintuan ay naroroon si Sebastian, wearing nothing but a small piece of boxer shorts!

Sisigaw na sana siya nang mabilis nitong natakpan ng isang kamay nito ang kanyang bibig, habang ang isa naman naman ay sapo-sapo ang kanyang batok. He pinned her at the door leaving her nowhere else to turn to. Ang sariling tinig ay naipit lang sa kanyang lalamunan sa ginawa nitong iyon.

Nanlalaki ang mga matang napatitig lang siya dito. Ang antok na kanyang nadarama ay kagyat na nawala. Hindi siya makagalaw at ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito.

She could also feel his own heart beats
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status