Share

Chapter 2

Nakakabinging katahimikan ang namayani pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ni Clark. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa akin pero tahimik lang ako at malalim na nag-iisip.

"Just call me once you're done here. Susunduin ko kayo," aniya matapos niya akong tulungan na ipasok ang aking mga gamit sa hotel na tutuluyan namin.

"Sige," sang-ayon ko na lang upang hindi na naman kami mag-away.

Umangat ang gilid ng labi niya saka mabilis akong hinalikan.

"Good. I'm going now. Huwag kang masyadong maglalapit sa mga lalaki dito," bilin niya na siyang tinanguan ko lang.

"I need a word Cassandra," he demanded.

Huminga ako ng malalim. "Oo Clark."

Matapos ang ilang mga bilin niya ay tuluyan na siyang umalis.

Pagkasara ko ng pintuan ay naabutan ko si Margie na nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa akin. Base sa ekspresyon niya ay mukhang nakikinig siya sa usapan namin kanina.

"Bakit?"

"Narinig ko yung usapan niyo kanina sa sasakyan," aniya.

Tsk. Buong akala ko pa naman ay tulog siya buong biyahe.

Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya.

"Forget what I've said last night. I think it's better to ditch Clark. Kapag nagtagal pa ito ay baka mapasubo ka lang."

"Alam ko Marj. Pero paano? Kung narinig mo nga ang pag-uusap namin kanina then alam mong hindi yun ganun kadali. He has connections. Takbuhan ko man siya ay mahahanap pa rin niya ako," sagot ko habang hinihilot ang aking sintido.

Sumasakit tuloy ang ulo ko sa kakaisip kung paano ko matatakasan itong gulong pinasok ko.

Sobrang bait ni Clark noong una ko siyang nakilala kaya binigyan ko siya ng pagkakataon upang ligawan ako. Pero ngayon ay lumalabas na ang tunay niyang ugali.

"Bakit hindi mo na lang kalimutan yang pangarap mong makapangasawa ng mayaman? Doon ka na lang sa mahirap pero mabait naman," suhestiyon niya habang nagsisimula nang magsindi ng isang stick ng sigarilyo.

Blangko ko lang siyang tiningnan. Alam niya ang kwento ng buhay ko at naiintindihan niya ako kaya bakit niya iyon sinasabi ngayon?

Galing ako sa hirap na hanggang ngayon ay naghihirap pa rin tapos sasabihin niyang maghanap din ako ng kagaya kong mahirap? Mahal na ang mga bilihin ngayon kaya hindi pwede yang sinasabi niya.

Masama ba ang maging praktikal?

Malaki man ang kinikita ko pero sapat lang iyon sa akin dahil liban sa sarili ko ay sinusoportahan ko pa ang pamilya ko.Mukhang wala akong swerte sa buhay dahil kahit anong kayod ang gawin ko ay wala pa rin. Ganun pa rin. Ang sabi nila ay bilog ang mundo pero pakiramdam ko ay hindi gumagalaw ito. Kung ano ako noon ay ganun pa rin hanggang ngayon. Walang pagbabago. Ang tanging swerte ko lang dito sa mundo ay itong itsura ko. Kung wala ito, ewan ko na lang.

"I can't lower my standard Marj. Though thanks for the advice," tanging sagot ko.

Sinulyapan niya ako bago nagbuga ng usok sa hangin. "Ikaw ang bahala," aniya.

Sabay kaming bumaba ni Margie nang magtawag na sila ng agahan. Pagkababa namin ay kumpleto na ang team at ayon sa kanila ay nakahanda na raw ang setup para sa gagawing photo shoot.

Kahit pagod sa biyahe ay diretso agad kami sa trabaho. Kung anu-ano ang mga ipinasuot nila sa amin. Sobrang gulo at bilis ng galaw ng paligid at hindi namin namamalayan na lagpas tanghalian na pala.

"Okay. Tama na muna 'yan. Break muna kayo," malakas na palakpak ni Chito, ang organizer ng event na ito.

Nakarinig ako ng mga sunod-sunod na buntong hininga ng mga co-models ko.

Saka ko lang din naramdaman ang pagod at gutom pagkaupo ko. Agad akong uminom ng tubig habang iginagala ang aking mga mata upang hanapin si Margie.

Umupo sa tabi ko si Kayla na halata ang inis sa mukha. "Ito ang ayaw ko sa agency na ito. Kahit gutom ka na ay hindi ka pwedeng magbreak hangga't wala silang sinasabi," reklamo niya sa akin.

I agree with her though I just kept it myself. Sobrang demanding ng agency na ito pero ang katumbas naman nun ay mas malaki ang sahod kumpara sa ibang agency na napasukan ko na. Tsaka kasama naman iyon doon sa kontrata bago kami pumirma kaya wala kaming karapatan na magreklamo ngayon.

"Nakita mo si Marj?" tanong ko.

She waved her hand. "Nah. I saw her with a hot guy earlier."

Tumaas ang kilay ko. "Sa kabilang agency?"

Umiling siya. "I think it's a tourist," sagot niya.

Grabe talaga ang babaeng yun. Hindi ko na lang siya hinanap at itinuon na lang sa pagkain ang aking buong atensyon.

Habang kumakain ay may tumabi sa akin na isang lalaki na galing sa ibang agency. Napansin ko kanina na hindi lang pala kami ang nagshoshoot dito. Malapit na naman kasi ang summer kaya todo na naman ang mga clothing brands sa pagpropromote ng summer collections nila. At kahit hindi ko pa nalilibot ang lugar ay maganda itong beach resort na napili nila.

"Hi," bati ng lalaki pagkaupo niya sa aking tabi.

Matamis ko siyang nginitian saka binati pabalik. Wala siyang pang itaas na damit kaya kitang-kita ko ang maganda niyang katawan. Tanging boardwalk short lang ang suot niya at isang puting twalya sa leeg niya. He's a model so it's given that he has a striking looks.

"Wala bang magagalit sa pag-upo ko dito?" nagbibiro niyang tanong.

Eksaheradang tumikhim si Kayla na nasa kabilang gilid ko pero hindi ko iyon binigyang pansin.

Naglabas ako ng mahinang tawa bago sumagot. "Wala naman—"

Saktong tumunog ang cellphone ko kaya natigil ako sa pagsasalita.

Pagkakita ko kung sino ang tumatawag ay agad na napalis ang ngiti sa aking labi.

"Mukhang meron atang magagalit," tawa ng lalaki nang makita ang pangalan ng tumatawag sa akin.

Pilit akong ngumiti kaya pati si Kayla ay natawa na rin.

Ang nakalagay na pangalan ni Clark sa contact list ko ay LOVE at nakacaps lock pa talaga. I want to change it but I can't since he kept on checking it every now and then.

"Excuse me," pasintabi ko sa kanila nang hindi tumitigil si Clark sa pagtawag sa akin.

Agad akong tumayo at lumayo ng bahagya upang sagutin ang tawag niya.

"What took you so long to answer my call?" bungad niya.

"We're taking our lunch," sagot ko. Paglingon ko sa banda ni Kayla ay wala na iyong lalaki.

"It's almost 2pm Cass. Are you making lies?"

Bigla akong nakaramdam ng inis sa mga pinagsasabi niya. Ganitong pagod ako tapos ganun pang mga salita ang maririnig ko sa kanya.

"Alam mo naman na minsan ay hindi on time ang pagkain namin dito," sagot ko habang pilit na kinakalma ang sarili.

"Fine. How are you then? Sinong kasama mong kumakain?"

"Si Margie—"

"Cassandra! Pakibilisan daw at may sasabihing importante sa iyo si boss Chito!" sigaw ni Derek na katrabaho ko.

Hindi pa ako nakakasagot nang sunod-sunod na tanong agad ang pinakawalan ni Clark mula sa kabilang linya.

"Sino yung kumausap sa iyo? Sino yung Chito na tinutukoy niya? Trabaho ba talaga ang pinunta mo diyan Cassandra o ano? Mukhang lalaki ata lahat ang mga kasama mo diyan ah," bintang niya sa iritadong boses.

Napipirwisyong hinilot ko ang aking sintido.

"I swear, if I found out that—"

Mabilis kong pinutol ang kung ano man ang sinasabi niya at sa matigas na boses ay nagsalita ako.

"Listen here Clark. I'm done with you. If you can't hold back your nonsense jealousy then let's stop this shit. We're not official and I'm telling you now to leave me alone and find another one. I'm so tired and fed up. I'm sorry but I can't continue this anymore," diretso at walang preno kong saad.

"What the.. Cassandra—"

Mabilis kong pinatay ang tawag bago pa kung ano ang masabi niya. I've put my phone in airplane mode because I know that he will bombard me with messages and calls.

Bumalik ako sa aking upuan at nagpatuloy sa pagkain.

That was hasty but I can't keep up with his tantrums anymore. I just grabbed the opportunity in front of me and used it to run away.

Doon din naman papunta iyon, pinaaga ko lang.

_________

"You're entrusting the company to me?" ani Marcus sa hindi makapaniwala na boses.

"Yeah."

"Kababalik mo lang galing America pero aalis ka ulit?"

"Sandali lang naman," sagot ko.

"At ilang araw naman?" dagdag niyang tanong.

"Tatlong buwan."

Bigla siyang nabilaukan sa iniinom niya at sa nanlalaking mga mata ay tumingin siya sa akin na para bang isa akong baliw.

"Tatlong buwan?!" bulalas pa niya.

Tumango lang ako.

Nang mahimasmasan siya ay kalmado na siyang nagsalita pero nandun pa rin sa mukha niya ang pagkamangha.

"At ano naman ang gagawin mo sa tatlong buwan na iyon?" nakataas kilay niyang tanong.

I sip on my hard liquor and focused my eyes on the stage where woman almost naked were dancing without inhibitions, eyes shining with the bills that was thrown away at them.

I'm done with these types of woman. I want to settle down with simple and not materialistic one.

I want someone who will love me, not my money nor my identity.

Binalingan ko ang pinsan kong nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

I chuckled at him. "I'm going to find a wife."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status