Share

Chapter 9

Tahimik ang naging biyahe namin pauwi. Hindi ko alam kung bakit pa siya nag-abala na ihatid ako sa aking apartment.

Tumigil kami sa tapat ng apartment building ni Aling Marites. Nalilito man kung bakit dito niya ako itinigil pero bumaba na rin ako.

Nagsitahulan ang mga tao sa kalsada dahil sa pagdating naming dalawa.

"Salamat sa paghatid ulit Dark. Ito na ang pangalawa," wika ko at bahagyang tumawa upang maibsan ang tensyon sa pagitan namin.

Tumango lang siya saka kinuha ang kanyang helmet na hawak ko.

"Hmm. Una na ako?" Turo ko sa daan.

Nang wala akong nakuhang sagot sa kanya ay naiilang akong ngumiti at tumalikod na. Hindi pa ako nakakahakbang palayo nang tinawag niya ang pangalan ko.

"Bakit?"

Matagal bago siya sumagot. Bumuntong hininga siya. "Gusto mo bang magmeryenda muna?"

Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Gabi na at gusto ko nang magpahinga pero malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya bilang pasasalamat ay sumang-ayon ako.

"S-Sure. Doon na lang tayo sa apartment ko," wika
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status