Share

Chapter 13

Nasa sala kami ni Avi. Nanunuod siya ng TV habang ako naman ay nililinisan ang aking mga kuko. Nakabihis na ako at mamaya lang ay darating na si Dark.

"Ate Cassandra," untag sa akin ni Avi maya-maya.

"Hmm?"

"Ayaw mo ba kay Kuya Dark? Magandang lalaki naman siya at mas mabait kaysa dun sa manliligaw mong si Clark."

Natigil ako sa ginagawa at binalingan siya. Nakapangalumbaba siya na nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Bumalik ako sa aking ginagawa bago nagsalita. "Gusto ko siya.. pero bilang isang kaibigan lang."

Nakita ko ang pagsimangot niya na para bang hindi natutuwa sa sinabi ko. Kahit ako rin naman ay hindi sang-ayon sa sagot ko. Friendly date lang ang lakad namin pero heto at bihis na bihis ako na para bang totoong date talaga ang pupuntahan namin.

Maya-maya lang ay nakarinig na kami ng katok sa pintuan. Mabilis na tumayo si Avi at siya na ang nagbukas nito.

"Kuya Dark!" magiliw niyang bati dito at niyakap pa sa bewang. Hindi ko talaga alam pero sobrang close nilang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status