Share

Chapter 47

Nagkatitigan kami ni Dark ng matagal. Ayaw ko sanang magpatalo pero sa huli ay ako rin naman ang sumuko. Naiinis ako dahil hindi ko kayang magtagal sa ilalim ng mga titig niya.

Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok sa aking kwarto. "Umalis ka na. Gabi na at gusto ko nang magpahinga," malamig ang boses kong sinabi.

Ngunit isang mapakla na tawa ang narinig ko. "Gabi na? Alam mo naman pala na gabi na pero ngayon ka lang umuwi? Ano? Masyado ka bang nasarapan na kasama ang lalaking iyon? Nagbalik na pala siya. Huwag mong sabihin na siya ang rason kaya hindi ka na pumapasok?" malamig din ang kanyang boses ng sinabi iyon.

Napamaang ako at natigilan sa paglalakad. Lalaking iyon? Si Clark ba ang tinutukoy niya? At paano niya nalaman na kakauwi ko lang?

Liningon ko ulit siya at nanliit ang aking mga mata. Kung nakita niya kami kanina ay malamang na nandoon din siya sa bar kanina. Wala namang ibang dahilan hindi ba? O baka nakita niya kami kanina naglalakad?

"Sinusundan mo ba ako?"

"Don't
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status