Share

It Turns Out That He's A Billionaire
It Turns Out That He's A Billionaire
Author: SUMMERIASWINTER

Chapter 1

"Ano ba talaga ang plano mo kay Clark? Noon pa 'yon nanliligaw sa iyo pero bakit hindi mo pa sinasagot? Tingnan mo at parang aso nang nauulol kakahabol sa'yo."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Margie at itinuloy lang ang pag-aayos ng aking mga gamit sa isang malaking maleta.

"Huy!" Niyugyog niya ang balikat ko nang hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Ano ba?" irap ko sabay tampal ng kamay niya.

"Ano'ng ano ba? Tinatanong kita. Akala ko ba ay naghahanap ka ng mapapangasawang mayaman? Andiyan na si Clark. Bakit hindi mo pa sagutin?" nakapamewang na tanong niya sa akin.

Totoo ang sinabi niya. Nabibilang ako sa porsyento ng mga babaeng naghahanap ng mayaman na lalaki na pakakasalan. At wala akong nakikitang masama doon. Hindi na uso ngayon ang salitang pag-ibig. Ang kailangan ng tao ay pera.

Ngunit dahil sa lantaran na ambisyon kong iyon ay madaming naiinis at lumalayo sa akin pati na ang iba kong mga kaibigan.

Wala namang kaso sa akin iyon. Natatawa pa nga ako dahil sino ba ang niloloko nila? Tinatawag nila akong social climber eh pare-pareho lang naman kami lalo na sa mundong ginagalawan namin. Ang pinagkaiba lang namin ay lantaran sa akin habang sila ay pasimple lang, painosente kumbaga at doon ako mas lalong naiirita. Akala mo naman kung sinong malilinis.

Nang wala pa ring nakuha si Margie na sagot galing sa akin ay binato niya ako ng damit sa aking mukha.

Sinamaan ko siya ng tingin bago binato pabalik sa kanya ang kanyang damit.

"Hindi ko siya gusto," seryoso kong sagot sa kanya.

Tumawa siya saka hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "Hindi mo gusto? Aba'y bakit naman? Mayaman yun at madaming pera," susog niya sa akin.

Ako naman ang tumawa. Isinara ko ang aking maleta saka tumayo mula sa pagkakaupo sa aking kama.

"He's a jerk Marj. Madami nga siyang pera pero barumbado naman. Mabait lang siya dahil nanliligaw pa. Nakikita mo naman siguro kung gaano siya ka-obsessed diba? Paano na lang kapag sinagot ko siya? Baka ikandado pa niya ako at ikulong sa kwarto niya," wika ko.

Hinawakan ni Margie ang baba niya na mukhang nag-iisip.

Iniwan ko siya doon at pumasok sa banyo upang kunin ang aking mga toiletries.

We are both models. Full-time si Margie habang ako ay part-time lang dahil hindi ko kaya kung gaano kagulo ang modeling industry. Bukod pa kasi doon ay meron pa akong ibang bagay na pinagkakaabalahan.

Meron kaming two day shooting sa isang sikat na brand at bukas ng madaling araw ang biyahe namin kaya heto kami ngayon at aligaga na sa pag-iempake ng mga gamit at damit na aming dadalhin.

Actually, si Margie lang talaga ang pinakaclose at masasabi kong totoo kong kaibigan. She is real and doesn't judge easily. She came from a wealthy family but hey, she's a damn badass rebel. Kaya hindi na ako nagtaka nang nalaman kong naglayas siya upang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin sa kanyang buhay. Pagod na raw siyang madiktahan at gusto niyang mabuhay ng naaayon sa gusto niya.

Good news was that her parents never bothered looking for her.They we're disappointed and she's more than happy with it.

Iyon nga lang ay nafreeze lahat ang mga credit cards niya. Pero okay lang naman daw iyon sa kanya dahil madali lang naman daw ang humanap ng pera. She didn't waste time and used her face and figure to become a model and that's were we met and the rest is history.

Pagbalik ko sa kwarto namin ay nagcecellphone na siya at maayos na na nakalagay sa isang gilid ang kanyang mga gamit na dadalhin bukas.

Bumaling ang tingin niya sa akin saka bumalik ulit sa screen ng phone niya.

"So ano'ng balak mo kay Clark?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "For free rides?"

Malakas siyang tumawa dahil sa sagot kong iyon.

"Grabe ka talaga. Tao yun, hindi sasakyan."

Napangisi ako. "Alam ko. Pero may sasakyan ba tayo bukas kung wala siya?"

Tumango-tango siya habang nangingiti. "Sabagay. Let's enjoy Clark's free ride while it last."

Hindi pa pumapatak ang alas kwatro pero heto kami at bumibiyahe na. Kaming dalawa ni Clark dito sa harap habang mag-isa naman sa likod si Margie na humihikab pa at mukhang balak ituloy ang tulog. Gusto ko rin sanang matulog pa pero nagsimula nang ngumawa si Clark ng kung anu-ano.

"Hanggang ilang araw kayo doon?" tanong niya.

"Hmmm.." Tumingin ako sa madilim na labas. "Hindi ko pa ba nasabi sa iyo?"

"Hindi. Tinanong kita kahapon pero hindi mo naman sinagot."

"Oh. Ganun ba," wika ko.

Matalim niya akong sinulyapan kaya wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya. Mahirap na at baka ibaba niya kami ni Margie dito sa gitna ng madilim na kalsada.

"Mga dalawang araw pero baka maextend pa kami ng ilang araw doon," sagot ko kahit wala naman talagang extension ang pananatili namin doon.

"May mga lalaki ba doon?" tanong niya agad.

Muntik ko na siyang irapan pero pinigilan ko lang. Hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan pero iyon na agad ang tanong niya. Malamang na may mga lalaki rin doon. Ano ito? All girls lang? Common sense rin minsan.

"Meron Clark. Hindi lang naman kami ang endorser ng brand na iyon," sagot ko sa kalmadong boses.

Hindi na siya sumagot pero alam kong nagsisimula na siyang mainis. Isa sa pinakaayaw ko sa kanya ay ang pagiging seloso niya. Binibigyan niya agad ng malisya ang lahat. Kulang na lang ay pigilan niya akong makipag-usap sa ibang lalaki bukod sa kanya.

Hindi pa kami pero habang patagal na patagal na nakakasama ko siya ay parang sumisikip rin ang pagkakasakal niya sa akin.

Pasimple ko siyang sinulyapan. Hindi maipagkakailang maganda siyang lalaki. Mayaman din. But based on what I've heard about him and his past relationships, he tends to be abusive and manipulative. All his exes tells the same, that Clark hurt them physically.

His father is a Senator so it's given that all of it was covered. Luckily for me, I've worked with one of his exes before and told me his real nature. Kamuntikan ko na siyang sagutin noon pero ngayon ay mukhang kailangan ko nang mag-isip ng paraan kung paano kakalas sa kanya. Madali ko lang naman sana iyong gagawin pero iba si Clark sa mga nanligaw sa akin noon.

He won't let me go that easily. I'm sure of that.

Napapitlag ako mula sa pagkakaupo nang maramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa ibabaw ng aking hita. Hinayaan ko lang siya ngunit nang gumalaw iyon pataas ay sinita ko na siya.

"Clark.." banta ko.

This is the reason why I always wear jeans everytime I'm with him. His hands tends to wander everywhere.

Mula sa kalsada ay sinulyapan niya ako. Bahagya niyang pinisil ang aking hita bago nagsalita.

"Kailan mo ba ako sasagutin?"

"Huwag mo akong madaliin," sagot ko sabay tanggal ng kanyang kamay.

"But I've been courting you for damn three months! Isn't that enough?" aniya sa medyo mataas na boses.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Can't you wait?"

"I can't wait any longer!"

"Then leave me and find another one. Tutal at marami namang mga babae diyan na nagkakandarapa sa iyo," balewala kong sagot.

He turned to me dangerously. His eyes almost red.

"Are you f*cking kidding me?"

Did I forget to mention that I've also heard rumors that he's into drugs? Not that he's a drug addict but he's just taking it as a kind of leisure with his friends. Well, it's not a big news for someone big shot like him. Spoiled brats.

"So you're saying that I just wasted my three months going after you?" he said unbelievably. "There's no way that you're slipping away from me."

Mariin kong itinikom ang aking labi nang marinig ko ang pagbabanta sa boses niya.

Ano ba itong napasok ko? Eh kanina lang ay nagbibiruan pa kami ni Margie tungkol kay Clark. Hindi ko namamalayan na ganito na pala kalala ito.

Nakagat ko ang aking labi. Is there still a way out?

"Here." Inilahad ni Clark sa harap ko ang isa sa mga credit cards niya.

Kung noon ay mabilis ko itong kukunin, ngayon ay hindi na.

"Keep it Clark. May pera naman ako—"

He grabbed my chin and opened my mouth forcefully for a kiss. My lips fell numb when he let me go.

"Take it," he said before focusing his eyes back on the road.

"I don't want to be indebted."

Bumaling sa akin si Clark habang unti-unting sumisilay ang ngisi sa kanyang labi.

"You are Cassandra. You are already indebted to me."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status