Share

Chapter 7

Sabado ngayon at gaya nga ng napag-usapan namin noon ni Clark ay magdadate kami sa kanyang condo. Ilang araw ko rin siyang hindi nakikita dahil meron daw ipinapapagawa sa kanya ang kanyang ama sa Cebu kaya hanggang tawag lang siya muna sa ngayon.

Ayon pa sa kanya ay hindi pa raw siya tapos sa kanyang ginagawa pero isiningit daw niyang umuwi para sa date namin. Gustong umikot ang mga mata ko lalo na nung maalala ko ang ipinakita noon na larawan ni Stephanie.

Gusto kong magdahilan na masama ang pakiramdam ko upang hindi matuloy ang lakad namin na ito but knowing Clark, hindi iyon maniniwala at talagang kakaladkarin ako paalabas ng apartment ko.

Tungkol naman sa makakasama ko dito ay meron na raw nairekomenda si Aling Marites at darating daw ito sa Lunes. Bukod sa babae raw ay wala ng ibang impormasyong sinabi si Aling Marites.

Alas singko pa lang ng hapon ay tumawag na si Clark upang sabihin kung anong oras niya ako susunduin. At dahil maaga pa ay pinili ko na lang na maglaba muna.

Haba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status