Share

Chapter 6

Pagabi na nang matapos kami sa paggawa ng aming group report. Nauna nang umuwi sina Stephanie at Merry habang ako ay nagpasya nang tapusin sa coffee shop ang ilan sa mga assignments ko.

Madalas akong tumingin sa counter kung nasaan kanina si Dark pero hindi ko na siya mahagilap simula pa kanina.

Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya hinahanap. Pasara na rin ang shop kaya malamang na tapos na ang shift niya at kanina pa umuwi.

Isinukbit ko ang aking bag sa aking balikat at lumabas na. Maglalakad na sana ako papunta sa paradahan ng mga jeep nang marinig ko ang pagbukas sara ng pintuan sa likod ng coffee shop.

Lumingon ako doon at hindi nagtagal ay nabungaran ko si Dark habang sinusuot niya ang kanyang jacket.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag nang magtama ang aming mga paningin. Akala ko ay nakaalis na siya.

"H-Hey.." utal kong bati sa kanya.

"Cassandra," aniya na parang hindi man lang ata nasorpresa sa pagkikita naming ito.

"Hmm. Mabuti naman at natatandaan mo pa ako," tawa ko upang itago ang bahagyang kaba na nararamdaman ko.

Tumango siya saka kinuha ang isang helmet sa may gilid. "How can I forget you?" aniya.

Kinagat ko ang aking labi at bahagyang nag-iwas ng tingin sa kanya. Ano raw?

Lumapit siya sa akin at tinitigan ako. "Pauwi ka na?"

"Oo eh. Papunta na sana ako sa sakayan ng jeep nang makita kita."

"Ganun ba? Tara. Ihahatid na kita."

Medyo nag-alangan ako dahil natatakot ako na baka may makakita sa amin na kakilala namin ni Clark at nagsumbong pa sa kanya.

Dark tilted his head. "Are you afraid of me or natatakot kang makita tayo ng boyfriend mo?"

"W-What? Wala akong boyfriend!" bulalas ko.

Tumaas ang kilay niya. "Then let's go. Wala naman palang magagalit," yaya niya.

Nauna na siyang maglakad habang nanatili akong nakatayo at nakatingin sa likod niya. Bakit ang bilis ata ng mga pangyayari? Hindi ko naman siya gaanong kilala pero bakit gusto kong sumama sa kanya?

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin nang napansin niyang hindi ako sumunod sa kanya. Bumuntong hininga siya saka bumalik.

"If you're afraid that someone might see us then here, wear my helmet."

"Teka—"

Wala na akong nagawa nang isinuot niya sa ulo ko ang kanyang helmet.

"Hindi naman kailangan na ihatid mo ako," nakalabi kong wika habang inaayos ang helmet na suot ko.

Hindi ako pinansin ni Dark bagkus ay nangingiti lang niyang pinagmasdan ang aking itsura.

"My helmet looks big on you. Para kang alien," tawa niya.

"Sasakay na lang ako ng jeep."

"Haha. Just kidding. Come on. Gusto ko nang magpahinga," aniya.

Sabay kaming naglakad kung saan nakaparada ang motor niya. Ito rin ang bike na gamit niya noong una ko siyang makita. Nakapagtataka lang talaga na bigla ulit kaming nagkita dito.

"I'm wearing a skirt," imporma ko habang pinoproblema kung paano ako sasakay sa motor niya.

Binuhay muna ni Clark ang sasakyan saka sumulyap sa suot ko.

He sighed. "I don't have a car so next time, just wear jeans okay?" aniya sabay kuha sa bag ko.

Next time? Masusundan pa ito?

"Just sit sideways. Babagalan ko na lang ang patakbo ko," wika niya sabay sukbit ng aking bag sa kanan niyang balikat.

Natulala ako saglit dahil lalaking-lalaki ang porma niya pero may pambabaeng bag naman sa balikat niya. Gusto kong matawa pero seryoso ang mukha ni Dark na para bang hindi big deal sa kanya ang bagay na iyon.

"Cassandra," tawag ulit niya sa medyo naiinip nang boses.

"Sorry," hingi ko ng tawad at agad na umangkas sa likod.

At para hindi ako mahulog, wala akong choice kundi ang kumapit sa kanya. Naiilang kong ipinalibot ang isa kong braso sa bewang niya.

Shit. Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa hiya.

"Are you really sure with your life choices Cassandra? Kapag ganyan ang hawak mo, malamang na mahuhulog ka," aniya.

"It's fine. H-Hindi ako mahuhulog."

"Tsk. Stubborn," bulong niya pero narinig ko. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang hinila palapit sa kanya.

"D-Dark—"

"Gusto mo bang mahulog at mamatay?"

"H-Hindi."

"Good. Then hold on tight."

Pagkasabi nun ay mabilis niyang pinasibad ang motor paalis. Mahigpit akong kumapit sa kanya at kulang na lang ay sakalin ko siya sa inis at gulat.

"Akala ko ba ay hindi mo bibilisan?!" sigaw ko habang mabilis na tumatakbo ang motor na sinasakyan namin.

"Oops. My bad," tawa niya.

Tsk. Kung hindi ka lang gwapo... Mabilis kong ipinilig ang aking ulo.

"Kumanan ka," turo ko sa daan.

"I know," simple lang niyang sagot.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tapat ng apartment na aking tinutuluyan.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" nagtataka kong tanong habang tinatanggal ang suot kong helmet.

Ibinalik ko iyon sa kanya sabay kuha na rin ng bag ko.

Nagkibit balikat siya. "Instinct? Dito kasi sa bandang ito madalas umuupa ang mga estudyante."

"Ah." Tumango-tango ako kahit na pakiramdam ko ay nagsisinungaling siya.

Nakapagtataka talaga ang lahat pero nahihiya naman akong magtanong sa kanya. Hinatid lang niya ako pero hindi pa kami magkaibigan.

Tumaas ang kilay niya nang napansin niyang pinagmamasdan ko siya.

"Hindi ka pa papasok?" tanong niya.

Tipid akong ngumiti. "Salamat sa paghatid. Hindi ko inaasahan na magkikita ulit tayo."

Napansin ko ang bahagyang pagkislap ng kanyang mga mata bago nagsalita.

"Me too, Cassandra," aniya sa mababang boses.

Tumikhim ako. "S-Sige. Ingat sa pag-uwi."

Tango lang ang sagot niya.

Pagkapasok ko sa gate ay narinig ko ang pag-andar ng motor niya. Dali-dali akong umakyat sa second floor upang ihatid siya sana ng tingin pero pagdungaw ko sa kalsada ay wala na siya.

Seriously? Bakit ang bilis naman niyang nawala?

Kinabukasan ay mas maaga akong umalis ng apartment upang maiwasan ko si Clark. Tuwing tumatawag kasi siya ay lagi niyang ipinapaalala ang date namin. Nakakarindi siya.

Habang naglalakad ako ay tinawag ako ng landlord ng apartment na katabi ng sa amin.

Tumigil ako at hinarap si Aling Marites. "Bakit po?" tanong ko sa ginang na may hawak na mug ng umuusok na kape.

"Balita ko ay umalis na raw si Margie sa tinutuluyan niyo?" tanong niya.

Bigla akong nalungkot nang naalala ko ang aking kaibigan. "Opo eh. Alam mo na, natunton na naman siya ng kanyang pamilya," wika ko.

Bukod kasi kay Aling Marites ay alam ng lahat ng mga nakatira sa kalye na ito kung sino si Margie. Ang mabuti lang doon ay walang nangahas na mangialam sa buhay niya.

"Ganun ba? Eh di kawawa ka naman dahil wala kang kasama. Wala kang kahati sa upa at iba pang mga bayarin," aniya sabay higop ng kape.

Napakamot ako sa aking batok. "Yun nga po ang problema ko eh. Masyadong mabigat sa bulsa kapag wala akong kasama."

Tumango-tango siya. "Sige. Ako ang bahala sa iyo. Irerekomenda kita kapag may naghahanap ng matutuluyan."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Naku maraming salamat po. Basta huwag yung mukhang adik ha?"

Tumawa siya. "Oo naman. Eh kung lalaking macho?"

"Ay hindi po!" tawa ko.

"Oo nga pala. Baka magalit ang masugid mong manliligaw," tawa niya na ang tinutukoy ay si Clark.

Hindi na nakapagtataka kung bakit kilala niya si Clark. Halos araw-araw siya dito at kulang na lang ay dito na rin tumira.

"Pero mag-iingat ka sa isang yun ha? Kapag may pogi na mestiso ang manligaw sa iyo sa mga susunod na araw ay sunggaban mo na nang matakasan mo na ang Clark na iyon," aniya.

Natawa ako sa mga pinagsasabi ni Aling Marites.

Hindi ko na pinatagal pa ang pag-uusap namin at nagpaalam na ako. Ayaw kong maabutan ako ni Clark dito.

"Girl, nanliligaw sa iyo si Clark diba?" tanong ni Stephanie sa akin. Kumakain ako mag-isa dito sa food court nang bigla na lang siyang tumabi sa akin.

"Hindi," tipid kong sagot.

Umikot ang mga mata niya sa ere. "I know he is. Here take a look at this," aniya sabay pakita ng screen ng phone niya.

Meron siyang litratong pinakita sa akin. At base sa madilim at sa iba't-ibang klase ng ilaw sa paligid, nasisiguro kong sa club ito.

"Si Clark San Diego yan diba?" tanong ni Stephanie.

Unti-unti akong tumango habang nanatili ang aking mga mata sa litrato. Si Clark nga, at may kahalikang babae.

"And that is Alice right?" dagdag tanong niya.

Alice. How can I forget the girl who ruined my reputation in my former agency? Ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit ako natanggal noon sa trabaho dahil sa mga kinakalat niyang paninira tungkol sa akin. Ang dami ko pang kinakaharap na mga problema noon kaya muntik ko na siyang suntukin sa mukha nang basta na lang ako nawalan ng kontrata.

"This photo was taken last night. Dude, hindi ka ba nagseselos?"

Itinulak ko palayo ang kamay ni Stephanie at nagpatuloy sa pagkain. "Why would I? Hayaan mo silang maglampungan."

Mabuti na rin iyon nang mawala na ang atensyon sa akin ni Clark. They both deserve each other anyway.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status