Share

Chapter 3

"Ang ganda dito Marj," namamangha kong wika sa aking kaibigan habang naglalakad kami dito sa kalawakan ng beach resort.

Gabi na ngayon at halos katatapos lang ng trabaho namin. Gusto ko na sanang matulog at magpahinga pero kinulit ako ni Margie na maglakad-lakad muna saglit. Hindi ko inakalang ganito pala kaganda dito, halatang pangmayaman. Bigla tuloy nawala ang pagod at antok ko dahil kuha ako nang kuha ng mga larawan.

"I told you," ani Margie habang kumakain ng ice cream.

Ayon sa kanya ay hindi raw ito ang unang beses na nakapunta siya dito dahil minsan na raw nagbakasyon ang pamilya at kamag-anak niya dito noon.

Sumimangot ako. "Kung hindi lang dahil sa modelling na ito ay hindi ako makakapunta sa mga ganitong lugar," wika ko habang tinitingnan ang mga kuha kong larawan.

Tawa lang ang isinagot ni Margie sa sinabi ko.

"Tara sa labas. May mga night market doon at mga shops para sa mga pasalubong," aniya sabay hila sa akin.

"Teka, hindi ba tayo mapapagalitan?" pigil ko sa kanya.

"Hindi. Akong bahala," paniniguro niya habang tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Bumuga ako ng hangin at sumunod na lang sa kanya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami ni Margie sa sinasabi niyang night market. Nasa gitna ito ng malawak at mahabang kalye kung saan nakahilera ang iba't ibang mga shops at bilihin. Madami ring mga tao. Namataan ko ang grupo nila Kayla at nagtawanan na lang kami.

Nagtataka kong tiningnan si Margie nang bigla niyang inilahad ang kanyang kamay sa harap ko.

"Pinihiram ni Clark ang isa sa mga credit cards niya sa'yo diba?"

Kunot noo akong tumango.

"Dala mo?" tanong niya sabay tingin sa wallet na hawak ko.

"Oo. Bakit?" tanong ko rin kahit na mukhang alam ko na ang sagot.

"Amin na. Withdraw tayo ng pangshopping," ngisi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin sabay tampal sa kamay niya.

"Aray! Bakit ka ba nananakit?" tawa niya.

"Ayaw ko ngang galawin," wika ko.

"Binigay nga sa iyo diba? Kung tutuusin ay barya lang naman para sa kanya yung iwiwithdraw ko eh," katwiran pa niya.

Nang hindi ako sumagot ay nagpuppy eyes na siya.

"Sige na please? Pretty please?" aniyang nagpapacute.

Sa aming dalawa, si Margie talaga ang mas nakikinabang sa credit card ni Clark at sa lahat ng mga exes ko. Wala naman akong magawa dahil kaibigan ko siya.

"Sige na Cassie baby," dagdag pa niya.

Natatawa na lang ako habang umiiling dahil sa mga pinagsasabi niya.

"O heto na," wika ko sabay abot ng card sa kanya. "Isang libo lang ang kunin mo ah."

Nanlaki ang mga mata niya. "Isang libo?! Anong mabibili ng isang libo?" gulantang niyang wika.

At dahil sa lakas ng boses niya ay napapalingon na ang mga tao na nasa malapit sa amin.

"Sige na. Sige na. Umalis ka na nga," pagtataboy ko sa kanya bago pa kami pagtsismisan dito.

"Hehe. Love you," ngiti niya at singbilis ng kidlat na naglaho sa aking paningin.

Nahihirapan talaga ako kay Margie kapag ganitong lumalabas ang pagiging spoiled brat niya.

Napagpasyahan ko na lang na maglakad-lakad muna at tumingin-tingin sa mga paninda habang hinihintay ko siya.

"Hi miss beotipol. Bagay sa iyo itong bracelet na ito," pukaw sa akin ng isang tindero ng mga accessories.

Kagyat na lumipad ang tingin ko sa malaking karatula kung saan nakalagay ang mga presyo ng mga tinitinda niya.

Dalawang daan ang mga bracelet at limang daan naman sa mga kwintas. Gawang local ang mga ito pero magaganda talaga.

Still, masyado pa ring mahal lalo na kapag pera ko ang gagamitin ko.

"Pasensya na po pero wala akong pera—"

"Naku. Walang kaso yun. Pumili ka na lang ng gusto mo dito. Libre ko na sa'yo," aniya sabay kindat sa akin.

Bahagya akong ngumiwi sa ginawa niya pero nagsimula na akong pumili ng magandang disenyo. Libre na ito. Aayaw pa ba ako? Natatawa na lang ako sa aking isipan.

Nang makapili ako ng bracelet ay nagpasalamat ako bago mabilis na umalis sa pwesto ng tindero na iyon. Mahirap na at baka kung ano pa ang mga sabihin niya. At least I have the decency to give my gratitude.

Kanina pa ako libot nang libot pero hindi pa bumabalik si Margie. At kapag sa mga ganitong pagkakataon ay sigurado akong may kausap na naman siyang hot guy.

Napagpasyahan kong bumili na muna ng taho dahil medyo nagutom ako. Kung kanina ay wala akong hawak liban sa aking wallet at cellphone, ngayon ay meron na akong bitbit na isang malaking paper bag kung saan nagalalaman ng kung anu-anong pinamili ko. Half of it was free while the other half was discounted. Oh diba? Paraparaan lang. Tamang diskarte lang talaga ang kailangan sa mundong ito.

"Sampong piso lang po manong," pagkaklaro ko dahil isang malaking cup ang kinuha niyang lalagyanan.

"Eh ganitong cup na lang ang natira 'neng. Di bale, sampong piso lang ang bayad nito," aniya na bahagyang nagkakamot.

At gaya ng lagi kong ginagawa, mabilis kong iginala ang aking mga mata sa mga gamit at paninda ni manong. Palihim na lang akong natawa nang nasilip ko ang mga maliliit na cup na bahagyang natatakpan ng bimpo.

Nang makuha ko ang aking binili ay pumwesto ako sa di kalayuan at pasimpleng nagmasid.

Napansin ko na kapag mga lalaki ang bibili ay yung tamang cup ang ginagamit niya at kapag mga babae naman lalo na kapag magaganda ay yung mga pinakamalaking cup naman.

I find it amusing though. Hindi naman mukhang manyak si manong. Ang cute pa nga niya eh. He's giving privileges in a genuine way. Walang halong malisya. Hindi kaya siya malugi?

Nang maubos ko ang aking kinakain ay napagpasyahan kong lapitan si manong.

Kinuha ko ang isang t-shirt na nabili ko saka naglagay ng limang daan sa ilalim ng tupi noon upang ibigay sa kanya.

Todo tanggi itong kunin ang damit pero sa huli ay ako ang nagwagi.

I checked the time and it's now getting late. Kailangan ko nang hanapin si Margie.

"Cassandra, hindi ka pa uuwi? Maghahating gabi na. Balita ko ay magrorounds sila sa ngayon sa bawat kwrto," ani Derek nang makasalubong ko sila. Mukhang pabalik na sila sa hotel.

"Hinahanap ko pa si Marj eh. Nakita niyo ba?" tanong ko.

"Ah. Nakita ko siya kanina doon," turo ni Harold sa malayo. "May kausap na lalaki," dagdag niya.

Umikot ang mga mata ko sa inis kay Margie. Kapag may nakita talaga siya na gwapong lalaki ay bigla na lang niya akong nakakalimutan.

"Sige. Salamat."

"Dalian niyo ah? Baka mapagalitan tayong lahat," pahabol nila na siyang tinanguan ko lang.

Pagkaalis nila ay agad kong tinahak ang lugar na tinuro kanina ni Harold.

Nang hindi pa rin niya sinasagot ang aking mga tawag ay tinext ko na siya.

At dahil wala sa daan ang tingin ko ay hindi ko napansin ang lalaking nasa harapan ko na nakatalikod. Bigla itong humarap sa direksyon ko kaya nabunggo ako. Napasinghap ako nang sumaboy sa mukha ko ang inuming hawak niya.

"P*****a naman," mahina kong mura sabay layo sa aking cellphone upang hindi ito mabasa.

Basa ang mukha at leeg ko pati na rin ang harapan ng aking damit.

"Shit. I'm sorry miss!" tarantang wika ng lalaki.

Inis akong nag-angat ng tingin dito at muntik nang malaglag ang aking panga nang mabungaran ko ang mukha nito. Natulala ako saglit. Ngunit nang may naramdaman akong nakatitig sa akin ay bumaling ang tingin ko sa likod ng lalaki.

My heart literally fell from the ground. Kung kanina ay natulala ako sa lalaking kaharap ko, ngayon naman ay para na akong naestatwa habang nakatingin sa lalaki na nasa 'di kalayuan.

"Miss, okay ka lang?" panggigising sa akin ng kaharap ko.

"H-Ha? Hmm. Okay lang ako," wika ko na bahagya pang naguguluhan.

Muli akong sumulyap sa lalaki at naabutan kong nakatingin pa rin siya sa akin.

"You're not okay," anang lalaki. "I'm sorry hindi agad kita nakita," hingi niya ng tawad sa sinserong boses.

"No. Okay lang. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako tumitingin sa aking daan."

Hindi na siya nagsalita bagkus ay agad niya akong hinila.

Nang rumehistro sa isipan ko kung saan kami papunta ay agad na kumabog ng sunod-sunod ang puso ko.

"He's my cousin— I mean my friend," pagpapakilala niya sa lalaking nakasandal sa isang big bike na tahimik lang na nanunuod sa amin. Hindi agad ako nakaimik.

Akmang aalis na sana ang lalaki ng pigilan ko siya.

"T-Teka. Saan ka pupunta?" tanong ko sa bahagyang natatarantang boses.

He glanced at he's friend and when he faced me, he laughed softly. "Chill babe. Bibili lang ako ng tissue. Dito ka muna. And don't worry, he's harmless," ngisi niya.

Wala na akong nagawa nang umalis na siya.

I bit my lips.

Now, I was left alone with this intimidating man.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status