Share

Chapter 4

I've never been this never nervous in my entire life especially in front of a man. I am always confident and proud so I'm confused as hell on what's happening right now.

Pasimple ko siyang pinagmasdan at sa isang tingin lang ay nasagot na ang mga katanungan kong iyon.

Akala ko ay nasa modelling industry na ang mga may pinakamamagandang mukha dahil sila ang laging mga laman ng mga magazine at mga advertisements pero hindi pala.

He's beside me and I completely see the outline of his face. His jawline was so prominent and his nose was so sharp. He looks foreign in every aspect.

He's drinking a canned beer and I don't know why I find it damn hot.

Nang dumako ang tingin ko sa braso niya ay biglang nahiya ang kutis ko dahil jusme, mukhang mas makinis pa ang balat niya kaysa sa akin.

Simple lang ang pananamit niya pero agaw pansin talaga ang big bike na sinasandalan niya.

Sa kanya ba ito?

"Mag-isa ka lang dito?" Bahagya pa akong napaigtad nang bigla siyang nagsalita.

Ako ba ang kinakausap niya?

Nang hindi ako nagsalita ay bahagya siyang sumulyap sa akin kaya nasiguro kong ako nga ang kinakausap niya.

"Ahm. Kasama ko yung kaibigan ko," sagot ko.

Hindi na ulit siya umimik kaya ako naman ang nagtanong.

"Yung bike.. sa iyo ba 'yan?" tanong ko sa kanya.

Mukhang nakuha ko ang atensyon niya dahil tuluyan na siyang humarap sa akin. Bahagya niyang hinagod ang aking kabuoan bago nagtaas ng kilay.

"No. I just borrowed it from a friend," sagot niya na mataman na nakatitig sa akin.

"Oh," wika ko na bahagyang disappointed.

He looks loaded at wala sa itsura niya ang nanghihiram ng mga gamit. Sadya lang ba siyang magaling magdala kaya mukha siyang mayaman?

Is he poor? He's a good prospect tho.

"Why do you ask?" sunod niyang tanong.

"Wala lang," sagot ko saka bahagyang nag-iwas ng tingin.

The atmosphere became awkward all of a sudden. Mabuti na lang at namataan ko na ang kaibigan niyang palapit.

"Pasensya na at medyo natagalan," paumanhin niya habang bahagyang hinihingal.

Agad kong inabot ang tissue at tahimik kong pinunasan ang aking sarili.

Bahagya akong nailang nang maramdaman kong nakatingin silang dalawa sa akin.

Mukhang napansin iyon ng lalaki kaya nagsalita siya upang basagin ito.

"Ako nga pala si Marcus," pakilala niya sa kanyang sarili. "And the man right here is Dark," tukoy niya sa kanyang kaibigan.

Bahagya akong sumulyap sa kaibigan niya. So Dark pala ang pangalan niya.

"My name's Cassandra," pakilala ko rin.

"Nice name. Taga rito ka?"

"Hindi. May photo shoot kami dito."

"Oh. Model huh?" aniya sa interesadong boses.

"Hmm. Kinda."

"Kinda?" tawa niya.

Tumango ako. "Kayo? Taga saan kayo?" balik tanong ko dahil halata naman na hindi sila taga rito.

They looked like a tourist. Iba rin ang aura at dating nila. Bukod pa doon ay matangkad at magandang lalaki sila na ang lahat na mapapadaan sa banda namin ay napapatingin sa kanila.

"Taga diyan lang," tawa ni Marcus. "Pero itong kaibigan ko ay galing pang probinsya."

"Probinsya?" pag-uulit ko. Wala kasi sa itsura niya na taga probinsya siya.

"Hindi halata diba? May lahi kasi siyang Kastila," ani Ethan na natatawa.

"Shut it man," inis naman na turan ni Dark dito.

Dumako ang mga mata ni Dark sa akin saka biglang ngumisi.

I blushed.

Fvck. What the heck was that?

"Do you have a boyfriend?" tanong niya sa akin saka humalukipkip.

"A-A what?"

"A boyfriend," pag-uulit ni Marcus.

And why is he asking me that?

Bilang pumasok sa isipan ko si Clark pero agad ko ring binura dahil hindi ko naman talaga siya boyfriend.

"Wala," sagot ko.

Sumipol sa hangin si Marcus habang si Dark naman ay tumaas ang isang kilay na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Biglang umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko at nang makitang si Margie ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.

"Marj asan ka ba at—"

"I'm sorry. Nandito na ako sa gate ng resort. Hihintayin na lang kita dito."

Iyon lang at pinatay na niya ang tawag. Tumitig ako sa cellphone ko. There's something off with her voice.

Nag-angat ako ng tingin sa dalawa saka pilit na ngumiti.

"That's my friend. Kailangan na naming bumalik sa hotel," paalam ko sa kanila.

"Ganun ba?" ani Marcus na halatang dismayado.

Tumango ako. "Una na ako. Enjoy the night."

Isang tingin pa ang ibinigay ko kay Dark bago ko sila tuluyang tinalikuran.

Narinig ko na nag-uusap sila pero hindi ko na iyon naintindihan pa.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mabigat ang dibdib ko habang papalayo sa kanila.

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo. I reminded myself that they are a total strangers. I shouldn't get attached with that small interaction.

Binilisan ko ang lakad dahil palalim na talaga ang gabi. Kapag naabutan nila kaming gising pa ay patay talaga kami.

Malayo pa ako sa gate pero tanaw ko na si Margie na madilim ang mukha.

"Anong nangyari sa'yo?" nagtataka kong tanong.

"Sa kwarto na lang tayo mag-usap," aniya saka nauna nang pumasok.

Pagkarating na pagkarating namin sa loob ng aming kwarto ay pinagsisipa ni Margie ang kanyang maleta na nananahimik lang sa may gilid.

Nagulat ako sa ginawa niya.

"Damn him! Damn them! Bakit ba ayaw nila akong tigilan?!" sigaw niya sa nagpupuyos na boses.

"Tone down your voice. Ano ba kasing nangyari?" tanong ko habang sinusubukan siyang pakalmahin.

"I saw my brother earlier," she said in a harsh voice.

"You mean William Cortez?"

"Yes! The one and only!"

"And then? Akala ko ba ay wala na silang pakialam sa iyo?" tanong ko sabay sandal sa pader.

"Sila Dad, wala. Pero ewan ko ba ang isang yun at ayaw akong patahimikin."

Pinanuod ko lang si Margie nang kinuha niya ang kanyang vape at sunod-sunod na humithit doon.

"He found out where I'm currently working." Tumingin siya sa akin saka nagpatuloy sa ginagawa. "He threatened me that he'll destroy the agency that I'm working with if I don't come back home."

"So uuwi ka?"

"No way in hell," matigas niyang wika. "Pero ayaw kong idamay ang agency sa gulo ng buhay ko."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I think.. I need to vanish again." Tumawa siya. "Tangina bakit ba kasi nahanap niya ako dito."

"You're leaving me?" tanong ko sa mapait na boses.

Namayani ang katahimikan sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan namin.

I only known her for two years but it feels like we've been together for a decade. Sobrang close namin sa isa't-isa at ang isipin na mawawalan ako ng malapit na kaibigan ay sobrang hirap na tanggapin.

"He knows about you Cass at ayaw kong masira ang buhay mo dahil sa akin," aniya sa mahinang boses.

Nagbikig ang aking lalamunan. Tinalikuran ko siya at nagtungo sa loob ng banyo.

I looked myself in the mirror. Siya na nga lang ang tangi kong kasama tapos mawawala pa siya?

Bakit ba ang lupit sa akin ng mundo?

Dark's POV..

"What do you think about her?" tanong ni Marcus habang pinapanuod ang papalayong pigura nung babae.

"Cassandra?"

He hummed.

"She asked me if this bike was mine."

"Anong sinabi mo?"

"Sinabi kong hiniram ko lang sa isa kong kaibigan," wika ko.

Biglang humagalpak ng tawa ang pinsan ko.

"Man, you're not convincing," aniyang tumatawa.

Tumaas ang kilay ko. "And why is that?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Look at your getup. Learn first how to dress like a low class person if you want the other people to believe you."

"Pero ito ang mga binili natin sa ukay-ukay kahapon!" katwiran ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Oh? Iyan na yun? Bakit parang hindi naman ukay-ukay?" aniya saka sinipat-sipat ang suot ko.

Sinapak ko siya nang inangat pa niya ang damit ko.

"People will get the wrong idea," I said while glaring at him.

"What? But neither of us are gay!" he laughed loudly.

Pair of eyes started to gawk at us because of his loud mouth.

I pinched the bridge of my nose in irritation. He doesn't need to say that out loud.

"But kidding aside, I saw how you stare at her earlier. You like her right? Ganun yung mga tipo mo? Yung mga mukhang anghel pero may pagkasungit?" aniya sa taas baba na kilay.

Well, Marcus was right with that. She's my type but she is a walking red flag. And even though I see the glint in her eyes that I got her attention, it's not that much compared the interest she has on my bike.

I almost laugh when I saw the disappointment on her face when I told her that it's just a borrowed bike.

Her expressions were hilarious and there's no filter with it.

And to be honest, I've been watching her since I laid my eyes on her. She stands out in the middle of the crowd with her white halter dress. Her beauty is bewitching I can't keep my eyes off her.

"I want to know her basic info, specially where she live," wika ko sa pinsan ko.

"You'll gonna follow her?"

Tumango ako. "I'll check her out. And maybe you can find me a cheap rental house and a work with below minimum wage near her place."

Marcus looked at me in disbelief. "You're really serious with this huh?"

"Of course. Kailangan pa ako nagbiro pagdating sa mga bagay na ganito?"

Umiling si Marcus ngunit tumango rin.

"Consider it done. I'll send you the details tomorrow."

"Thanks man."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status