Share

Capitulo Dos

Siguro panaginip lang ang lahat. Kay tagal na nang huling maranansan ni Camilla ang ganitong klaseng pakiramdam. Para siyang idinuduyan sa alapaap.

She had longed for this kind of feeling. At kung pwede lang na hindi na magising pa ay ginawa na niya.

Sa kanyang panaginip ay nakasakay siya sa kabayong si Estrella. Nakatanaw sila sa malawak na lupain ng mga Montoya sa mataas na burol sa di-kalayuan. Papasikat pa lang ang haring araw ng mga sandaling iyon, unti-unting binibigyang liwanag ang lupaing puno ng iba't ibang pananim at punong kahoy.

Napakapayapa ng lahat. Ngunit nagbago ang ihip ng hangin ng sa pagbalik niya sa Villa ay matagpuan niya ang lalaking magpapabago ng kanyang mundo.

Ang nag-iisang lalaking nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin nang magmahal ng tunay at wagas.

Ang unang pagkikita nila ni Santiago Santos.

Nagmulat ng mga mata si Camilla at ang puting kisame ang una niyang nakita. Pamilyar iyon sa kanya. At nang igala niya ang paningin ay natagpuan niya ang sarili na nasa dating silid.

Halos walang pinagbago. Kung ano ang dating ayos nito ng siya ay umalis ay ganoon pa rin hanggaang ngayon. Ang tanging hindi inaasahan ni Camilla na matagpuan ay ang lalaking siyang laman ng kanyang panaginip. At nagrigodon ang kanyang puso nang magtatama ang kanilang mga mata.

Halos limang taon. Tila ba napakatagal na ng huli niya itong makita. Akala ni Camilla ay wala na ang lahat. Na naibaon na niya sa limot ang lahat. Ngunit isang titig lang nito ay nagbalik lahat ng mga alaala. Mga masasaya at masasakit na alaala.

Prenteng naka-upo sa sofa ang walang iba kung hindi si Santiago Santos. At kulang ang sabihig natigilan siya. Napakalaki nang pinagbago ng lalaki na halos hindi niya ito nakilala, literally and figuratively speaking.

Of course, he still bears the same face but even more defined. He's every inch of a decent man in expensive Armani suit. He had this air of nonchalance around him.

He looked untouchable. Maybe elusive was the right term.

But then, he's still the same man she fell in love with few years ago. At masakit makita na wala ng pag-ibig sa mga mata nito. Sa dami nang pinagbago nito ay namumukod tanging ang mga maata nito ang nakapagdulot sa kanya ng ibayong sakit sa kaliwang parte ng kanyang dibdib.

His eyes were void of any emotion. Ngunit iba ang sinasabi ng mga iyon kay Camilla. Ipinapahiwatig ng mga mata ni Santiago ang pinakatinatago nito.

Galit. Poot.

At kalungkutan.

"I didn't exppect to see you here," aniya nag-iwas ng tingin. Nagpumilit siyang umupo sa kama ngunit katawan na niya mismo ang sumusuko. Walang nagawang humiga siyang muli at pinagmasdan ang kisame. "Ang narinig ko ay umalis ka ng hacienda."

"Umalis ako, Oo," anito sa baritonong boses. Napapikit si Camilla habang pinapakinggan ang mga sasabihin nito. "Pero nagbalik ako para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin."

"You sounded different now," puna niya pagkaraan. Hindi niya ito magawang tingnan muli. Natatakot siyang mahantad sa lalaki ang itinatagong damdamin. "Parang hindi na kita kilala."

"Nothing remains the same, Miss Camilla Montoya," anito at tumayo pagkaraan. "Matagal nang patay si Santiago Santos na kilala mo---"

Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at iniluwa niyon ang nag-aalalang si Ross. Nasaksihan ni Camilla ang pagsusukatan ng titig ng dalawang lalaki sa kanyang harapan. Mahabang katahimik ang sumunod na nangyari. At hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pag-igiting ng mga bagang ni Santiago.

"Maiwan ko na kayo'ng dalawa," Si Santiago na lumabas na ng kwarto at iniwan na silang dalawa ni Ross.

"Was he the one?" tanong ng kaibigan sa kanya. Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi ng kama.

Umiling si Camilla. "No---"

"I bet he is," anito at pinahid ang mga luhang hindi niya namalayang nakaalpas sa kanyang mgga mata. His eyes were full of understanding. "Alam mong hindi ka magaling magtago, Camilla."

Doon tuluyang humulagpos ang damdamin niya. Nanatili si Ross sa kanyang tabi hanggang sa muli siyang makatulog. At muli niyang napanaginipan ang masasayang alaala nila ni Santiago.

~*~

NAILIBING na si Don VIncenzo Montoya sa libingan na nasa kabayanan kinabukasan. Nagpaiwan si Camilla sa puntod ng ama. Nauna nang bumalik sa villa si Donya Emilia para makapagpahinga. Katulad niya ay halos wala ring pahinga ang kanyang ina nitong mga nakalipas na araw.

Tumawag sa kanya si Atty. Gomez at sinabing tatlong araw mula ngayon ay pupunta siya sa hacienda para basahin ang huling testamento ng ama. At kailanan niyang pumunta sa pagbasa kahit ano'ng mangyari.

Nakatayo si Camilla ng hapong iyon sa harap ng lapida ng ama. Halos paulit-ulit na binabasa ang nakasulat doon. Hindi niya alintana ang pananakit ng kanyang paa sa tagal nang pagkakatayo. Madami siyang gustong sabihin sa ama ngunit alam niyang wala siyang maririnig na sagot. At muli ay lumuha siya sa harap nito habang humihigi ng kapatawaran.

Nakaluhod siya sa harap ng lapida ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Na tila ba dinadamayan siya ng langit ng mga sandaling iyon. Umiyak siya habang pinagsisisihan ang mga nasayang na sandali. Na kung hindi siya nagmatigas at naging makasarili ay nagkaroon pa sana sila ng panahon na mag-ama na magkaayos.

The outcome could've been different. Dapat sana'y nakasama pa niya ng matagal ang amang si Don Vincenzo.

Tumingala siya sa langit at hinayaang malunod sa malakas na ulan. Hinayaan niyang maradaman ang lamig sa kanyang balat. Hinayaan niyang tanggalin ng ulan kahit panandalian ang pighati na dulot ng pagkawala ng magulang.

Sa gitna ng kanyang pag-iisa ay tumigil ang pagpatak ng ulan sa kanyang mukha. Napamulat siya at nakita si Ross sa kanyang tabi at may hawak na malaking payong. Nasa mukha ng kaibigan ang pag-aalala.

"Umuwi na tayo, Camilla," anyaya nito. "Sa ginagawa mong 'yan ay hindi nalalayong magkakasakit ka."

"Wala na ang Papa, Ross," ani Camilla sa mahinang usal sabay nang muling pagiyak. "Wala na ang Papa at ni hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya!"

Si Ross na bumuntong-hininga. "Parehong matigas ang puso niyo para sa isa't isa," Inakay siya nito patayo at niyakap ng mahigpit. "Pero alam ko, kung nasaan man si Tito Vincenzo, ay matagal ka na niyang napatawad."

"Ikaw ang prinsesa niya. Tandaan mo 'yan. Tito had the hard time dealing that his princess was all grown up."

Napangiti ng bahagya si Camilla at tumingala sa kaibigan. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka, Ross."

"And you still reject my proposal of marriage," umakto si Ross na parang nasasaktan. Tinampal niya ang noo nito. "What? Do you think I'm not serious?"

"Still a no," huminga siya ng malalim at muling isinandig ang ulo sa dibdib ni Ross. "Alam kong seryoso ka kaya lalong hindi..."

"Hindi ko kayang paasahin ka sa isang bagay na hindi ko kailanman maibibigay."

Natahimik ito pagkaraan bago muling bumuntong-hininga. "I miss the twins, you know. They love me unlike you."

"Of course, they will. You are there Tito Ross."

Ilang minuto pa siyang dinamayan ni Ross bago tuluyan nilang nilisan ang lugar. Bago pumasok sa sasakyan na dala nito ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang sasakyang itim na nakaparada di-kalayuan mula sa kanila.

It was heavily tinted. But her heart was telling her she knew the person inside of it.

Muli ay tinawag siya ni Ross para sumakay na. At walang nagawang nagpahinuhod siya sa gusto nito.

Kung nakapagintay pa sana si Camilla ay mamumukhaan niya ang lalakinng nasa loob ng itim na sasakyan. Na mataman lang nitong pinanood ang kanilang pag-alis haggang sa mawala na ng tuluyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status