Share

Capitulo tres

MAGKASALO silang mag-ina sa komedor ng umagang iyon. Parehong silang tahimik habang kumakain ng umagahan. Kapansin-pansin ang lumbay sa kanilang mga mukha. Marahil iyon ay wala na ang taong laging naka-upo sa dulo ng lamesa.

Dumating si Ross pagkaraan at binati si Donya Emilia. "Good Mornningg, Tita,," Hinalikan ng lalaki ang ginang sa pissngi, maging ang kaibigan na si Camilla. "Good Morning, Camilla."

"Kumain ka na, hijo," inutusan ng kanyang ina ang mga katulong na pagsilbihan si Ross. "Maiwan ko na muna kayo'ng dalawa." ani Donya Emilia na pinunasan ang tabi ngg labi gamit ang table napkin. At iniwan sila nito pagkaraan at umakyat sa sarilingg silid.

Gustuhin man ni Camilla na sundan ang ina ay hindi niya ginawa. Sa huli ay inubos lang niya ang laman ng kanyang plato at nagdesisyon na pumunta sa kwadra. Iniwan niya Ross sa komedor kahit pa matindi ang pagtutol nito.

Puno ng mga alaaala ang bawat sulok ng villa. At sa sandaling iyon ay gusto niyang umalis ng panandalian. Naalala niya ang kabayong si Estrella. Regalo ito ng kanyang ama nang tumuntong siya sa edad na disiotso.

Narating ni Camilla ang likuran ng villa at natagppuan niya si Mang Carding na sinasalansan ang mga dayami sa tabi ng kuwadra. Nakangiti ang matanda sa kanya. Matagal na itong naninilbihan sa kanilang pamilya bilang tagapag-alaga ng mga kabayo.

"Si Estrella ba ang hanap mo, hija?" tanong nito kapagkuwan. Tumigil ito sa ginagawa at nilapitan siya.

Nagmano siya sa matanda na itinuring na rin niyang lolo. "Tama ho kayo."

"Miss na miss ka na ng alaga mong iyon," bida nito at iniwan siya para kunin ang kabayo. Ilang saglit pa ay lumabas ito dala ang kanyang alaga. "Walang ibang kinilalang amo 'yan kung hindi ikaw lamang."

"Hey," ang lawak ng kanyang ngiti ng lapitan ang alagang kabayo. Si Estrella ay isang babaeng Andalusian breed. Talagang binili pa ito ng kanyang ama sa Spain. Kung magkano ang halaga ay hindi na niya nalaman pa. "Na-miss kita ng sobra." She looked majestic as ever. Mas lumaki pa ito kumpara noong huli niyang tanda. At lalong gumanda ang sadyang makapal na buhok nito na kasing puti ng niyebe.

Inamoy siya ng alaga saka humalinghing. Kita niya sa mga mata nito ang rekognisyon. At mukhang pareho sila ng nadarama nito. Kinuha ni Camilla kay Mang Carding ang renda ng kabayo at agad na sumakay sa likod nito. Agad na nagpaalam siya sa matanda bago pinasibad ng takbo si Estrella.

Malaya. Iyon ang pakiramdam ni Camilla habang binabagtas niya ang daan papunta sa kilalang burol sa may di-kalayuan. Mabilis niyang pinatakbo si Estrella, di alintana ang malamig na hangin na humahampas sa kanyang balat.

Narating nila ang itaas ng burol at hinayon ng tingin ang kabuuan ng hacienda. Dahil na rin sa pagkamatay ng kanyang ama kaya hindi niya napagtuunan ng pansin ang malawak na lupain na siyang naging buhay nito.

Kung may pinagbago man ang hacienda ay minimal lang. Kung ano ang natatandaan niyang itsura nito halos limang taon na ang nakakaraan ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Hitik na hitik pa din sa bunga ang mga puno ng mangga at iba pang tanim na prutas. At mukhang sa susunod na buwan ay tag-ani na ng palay at tubo.

Ang lahat nang iyon ay mapupunta sa kanya bilang nag-iisang anak ng mga Montoya. She became uneasy about the thought. At mukhang naramdaman iyon ni Estrella.

Humalinghing muli ang kabayo. Inabot niya ang leeg nito at hnimas. "Hey, everything is alright."

Napatingin siya sa asul na langit at pumikit. Hindi niya alam kung kakayanin niya ang ganoong responsibilidad. Kung disinsana'y nandito si Santiago...

"No," Nagmulat siya ng mga mata at umuling. Just as he said, wala na si Santiago Santos. At hindi niya kilala ang bagong Santiago na nakausap nito lamang. "Para ko na ring kinain lahat ng sinabi ko noon."

"All was said and done." aniya sa sarili at kinabig ang renda ni Estrella. She had better place to see. Somewhere more serene and quite.

Muli ay tumakbo sila ng mabilis sa mahabang parang. Tinahak nilang dalawa ang daan papunta sa malapit na sapa. Hindi niya binigyang pansin ang isa pang kabayo na nanginginain ng damo sa ilalim ng malaking puno ng narra.

Bumaba siya ng kabayo nang sapitin nila ang malaking bato. Napakarikit pa rin ng sapa nang kanyang pagmasdang maigi. Walang kaparis ang ganda nito na tulad pa din nang natatandaan niya. Tila kumikinang ang tubig sa sikat ng araw.

Nagaanyaya ang tubig. At hindi niya matanggihan ang gustong gawin.

Dagling naghubad ng baro si Camilla at iniwan lang ang undergarment na suot. Nilakad niya ang distansiya at saka lumusong sa tubig. Bahagya siyang nanginig nang maramdaman ang malamig na tubig sa kanyang tiyan nang halos nasa gitna na siya ng sapa.

"You're still as beautiful as the day we first met," anang baritonong tinig sa kanyang likod.

Nasorpresa, natalisod si Camilla sa bato na hindi niya nakita sa daan. Nasalo siya ni Santiago mula sa likod. At hindi siya nahulog sa tubig.

Nahulog siyang muli sa mga bisig nito.

Oh, kay lakas ng tibok ng puso niya sa ginagawa ng lapastangan! Gusto na niyang lumubog sa kahihiyan.

Namumula ang kanyang pisngi nang itulak niya sa dibdib ang lalaki. Sa hubad nitong dibdib. "Why do you keep showing in front of me?" Tumalikod siya dito at inilibog ang sarili sa malamig na tubig.

Suddenly, she felt naked. Ramdam pa rin ni Camilla ang mga titig ni Santiago sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko ay hindi pribado ang sapang ito," She was fully aware of his movements. At nangilabot siya nang maramdaman ang hininga nito sa puno ng kanyang tenga. "Para sa lahat ang sapa, Miss Camilla."

"Okay, I get it!" lumayo siya sa lalaki at naglakad na paalis ng tubig. "Suit yourself!" At dali-daling nagbihis ng damit at sumakay kay Estrella. Noon di'y iniwan niya si Santiago sa sapa.

"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita, Camilla," sinuklay ni Santiago ng kamay ang basang buhok habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Camilla.

~*~

DUMATING ang araw na itinakda ni Atty. Gomez. Alas-tres ng hapon nang makarating si Atty. Gomez sa Villa Montoya. Sa malaking study room sila nagharap-harap.

Matalik na magkaibigan ang matandang attorney at ang nawalang si Don Vincenzo. Ito din ang matagal nang legal counsel ng pamilya. Hindi na din ito iba sa mga taga-hacienda.

Katabi ang inang si Donya Emilia ay pinagmasdan niya ang lalaking nasa harap. Kinuha nito mula sa dalang attache case ang isang folder. Ito marahil ang naglalaman ng huling testamento ng ama.

"Hindi pa ba tayo maguumpisa, Attorney?" tanong niya pagkaraan. Ngayong araw din kasi ang luwas niya papuntang Manila. Hahabol siya sa last trip ng bus na nasa kabayanan.

Hinawakan ni Donya Emilia ang kanyang kamay. "Be prepared, hija..."

Hindi na nagawa pang tanungin ni Camilla ang ina nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang hindi inaasahang bisita. Napatayo siya nang pumasok si Santiago at prenteng naupo sa settee sa harap nilang mag-ina.

"Atty... what is the meaning of this?" nagtatakang binalingan niya si Atty. Gomez. "Bakit nandito si Santiago Santos sa harap natin."

"It's Santiago Torrealba for you, Miss Camilla," bumaling muli ang tingin niya sa binata na ngayo'y nakangiti sa kanya ng huwad. "And obviously I'm here because apparently your father written my name on his last will and testament."

Kulang ang sabihing nagulat siya sa mga sinabi nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status