Share

Capitulo Trece

“BITIWAN mo ako, Santiago!” pilit ni Camilla na gustong kumawala sa mga kamay ni Santiago pero tila kamay na bakal iyon sa kanyang braso. “Pwede ba—”

“Iuuwi kita sa inyo, Camilla,” matigas na pahayag nito. Nasa harap na sila nang dala nitong jeep nang bititwan siya ng lalaki. Malayo iyon sa karamihan at halos may isang metro ang layo mula sa mga tao. Lumingon ang lalaki sa kanya at kahit sa nanlalabong mga mata ay aninag niya ang pinipigilan nitong galit. “Hindi mo gugustuhing dito mag-eskadalo!”

Salamat sa alak at lalong lumakas ang kanyang loob. Punung-puno na siya sa lalaking ito! Tila ba wala na siyang ginawang tama sa mga mata nito.

Oh, I get it! He despised her so much na ang makita siya sa araw-araw ay isang parusa. But she could only tolerate so much. To treat her like this was way out of the line. At hindi niya kayang palampasin ang ganitong pamamahiya.

Sinuntok niya ang dibdib nito na animo’y isang pader. Ang isa ay nadagdagan pa ng isa pa. “You are so full of yourself!”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status