Share

Capitulo Ocho

MAAGA nagising si Camilla kinabukasan. HIndi naman kaiba ang araw na iyon sa mga dati niyang gawi. She’s a morning personnever since her twins came. At palaging sinsimulan niya ang araw sa pag-inom ng mainit na kape.

Lumabas siya ng kwarto at agad na tinungo ang daan sa kusina. Naabutan niya si Manang Letty na nag-iinit ng tubig sa takure. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng matanda sa kanya.

“Kape, hija?” Alok nito sa kanya.

“Opo, Manang,” naghikab siya bago umupo sa isa sa mga kitchen stools. Lalo niyang ibinalot sa sarili ang roba nang maramdaman ang lamig ng madaling araw.

“Narinig ko na ngayon ang simula mo sa hacienda,” anito at ibinigay sa kanya ang isang umuusok na tasa ng mainit na kape. Kapeng Barako iyon. Amoy pa lang ni Camilla ay sigurado na siya. “Tiyak na matutuwa ang mga tao doon kapag nakita ka.”

“Sapalagay ko ay hindi,” aniya at humigop ng kape. Ninamnam niya ang kapeng kay tagal ng hindi natitikman. Wala pa ring kaparis ang lasa niyon. “Matagal akong nawala,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status