Share

Capitulo Doce

SUMAPIT ang dapit-hapon at maririnig sa bahay nina Antonio ang kasiyahan. Si Antonio, o Toni sa karamihan, ay ikakasal sa anak ni Ka Perla na si Aileen. At lahat sa mga taga-hacienda ay imbitado sa kanyang kasal kinabukasan. Patunay na maagang nagpaalam ang lahat para manulungan sa mga ito.

Mabilis lang na naligo si Camilla at isinuot ang siyang pinakamaayos niyang damit, isang floral dress na umabot hanggang sa tuhod at isang strap sandals. Hindi niya akalaing magagamit niya ang mga binili sa isang ukay-ukay na nadaanan niya pauwi noong nakaraan. At nasiyahan siyang tingnan ang sarili mula sa salamin.

Narinig niya ang ilang katok sa pinto bago pumasok ang kanyang ina na si Donya Emilia. Nasa mga mata nito ang adorasyon nang mabistahan siya mula ulo hanggang paa. “Napakaganda mong tiyak, anak,” anito at lumapit sa kanya. Tila maiyak-iyak pa ito nang haplusin ang kanyang mukha. “Kung makikita ka ng Papa mo ngayon—”

“Kung makikita ako ng Papa ay tiyak na hindi niya ako hahayaang mag-isa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status