Share

Capitulo Siete

DUMATING ang hapunan at kumain na silang mag-ina sa hapag-kainan. Lahat ng paborito niyang putahe ay nakahain sa lamesa. Lahat iyon ay tiyak ni Camilla na masarap pero tila nawalan siyang ng gana.

"May problema ba, Camilla," tanong ng kanyang ina. "Halos hindi mo nagalaw ang pagkain mo..."

"May iba ka bang gusto? Sabihin mo at ipapaluto ko kay Manang Letty."

"Bakit ginawa ng Papa iyon," nasambit niya. "Wala ba siyang tiwala sa akin?"

Huminga ng malalim si Donya Emilia bago pinunasan ang gilid ng labi ng table napkin. "Camilla, listen to me..."

"Hindi sa walang tiwala ang Papa mo sa'yo. Pero higit nating kailangan ang tulong ni Santiago---"

"Bakit ba lahat na lang ay tungkol sa kanya?" Naibulalas ni Camilla. "Ano ba ang mayroon siya na hindi ko kayang gawin?"

"I hate to say this but Santiago was the reason we're still here today," pagtatapat ng kanyang ina. Ginagap nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. "Alam kong hindi mo ito gusto. Walang sinoman ang may gusto. Believe me at hin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status