Share

Capitulo Seis

MAGANDA ang dating ng panahon ng tag-ani sa hacienda. Hitik na hitik sa bunga ang mangga, saging, niyog at kopra. Tiyak na masaganang ani na naman ito, isang malaking biyaha mula sa itaas. At sa tuwina'y hindi pa sumisikat ang haring araw ay nagtatrabaho na ang mga tauhan ng hacienda.

At kabilang doon si Santiago.

Kung paano nababalanse ng binata ang pamamalakad ng sariling negosyo sa Maynila at pamamalakad dito sa hacienda ay palaisipan sa mga taga-roon. Pero hindi maikakailang malaking tulong si Santiago sa pagbangon muli ng hacienda.

Sadyang napakasipag ng lalaki. Sanay ito sa pagbabanat ng buto dahil sa hacienda na ito nagkaroon ng isip. Lagi itong katu-katulong ni Ka Pedro noong araw. Ang matanda ang umaakyat sa puno habang ito ang pumapasan ng sako-sakong ani.

Tulad na lang ngayon. Mataas na ang sikat ng araw ay kayod kalabaw pa rin ang binata. Pasan nito ang isang sakong puno ng saging at saka ibinaba malapit sa maliit na kubo. Ang maliit na kubo ay nasa ilalim ng malaking
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status