Share

Capitulo cuatro

"THAT'S unacceptable!" Bulalas ni Camilla sa harap ng tatlo. Humarap siya kay Atty. Gomez at pinagdiinan ang punto. "This is a family matter, Attorney."

"And this man was never part of it!" turo niya sa kinaroroonan ni Santiago na hindi itinago ang aliw sa mga mata.

He's obviously loving the drama!

"Calm down, hija," Si Atty. Gomez na ini-adjust ang suot na reading glasses sa mga mata. "As far as the documents were concerned, hindi lang sa iyo at sa asawang si Donya Emilia niya iniwan ang mga ari-arian."

"Lahat ng nanilbihan sa pamilya Montoya, iyong mga matatagal na sa serbisyo, ay binigyan ng parte ni Don Vincenzo."

"I have nothing against that, Attorney," aniya at huminga ng malalim. "Ibigay natin ang para sa mga magsasaka at trabahador ng hacienda..."

"What I cannot accept was his presence here," muli ay binalingan niya sa Santiago. He probably knew something that she won't. "Hindi ba't nagkagalit kayo ng Papa noon?"

"That's the understatement of the year," umiling sa kanya si Santiago na parang hindi makapaniwala. "Ikaw higit kaninoman ang may alam kung ano ang ginawa ng Papa."

"Enough!" awat ni Donya Emilia na napahawak sa sariling ulo. "Both of you, enough."

"Let's now hear what Atty. Gomez had for us."

Napipilitang umupo si Camilla sa tabi ng ina. Pero hindi ibig sabihin na okay na ang lahat. Hindi pa rin humuhupa ang galit niya sa lalaki. Kung bakit ba kailangan pa nitong guluhin ang mga buhay nila!

Binasa ni Atty. Gomez ang nilalaman ng mga dokumento. Nakasaad na bibigyan ng kaukulang porsyento ng lupa ang mga magsasaka at trabahador na matagal nang naninilbihan sa hacienda. Bukod doo'y mayrooon ding buwanang pensiyon ang mga ito na magmumula mismo sa kita ng hacienda.

Sa pangalan ni Donya Emilia naman malilipat ang mga titulo ng iba't ibang property na nabili ng ama sa iba't ibang lugar bukod pa sa buwanang allowancee na hindi bababa sa sigkwenta mil.

"Bilang anak nang nag-iisang Don VIncenzo, sa iyo niya ibinibigay ang buong hacienda at ang responsibilidad na palaguin pa ito bukod sa buwanang sustento na hindi bababa sa beinte cinco mil," baybay ni Atty. Gomez na matamang pinakinggan ni Camilla. "Pero dahil alam ng iyong ama na wala ka pang kapasidad para gawin iyon ay ibinibigay niya ang full authority para pangasiwaan ang buong hacienda sa binatang si Santiago Torrealba."

"That can't be!" na nang marinig ni Camilla ang estipulong iyon ay muli siyang napatayo. "Nakasulat sa papel na 'yan na ako ang magpapatakbo ng hacienda."

"As your father have said, you don't have the capacity, Miss Camilla," sabat ni Santiago sa kanya. "Kung mayroon ay hindi kailangang gawin ito ni Don Vincenzo."

"He practically given me the resposibility to rear not only his precious land but his only daughter as well."

"Don't say a word like you knew everything!" aniyang tumalim ang mga mata dito.

Ngunit hindi natibag ang disposiyson ni Santiago. Bagkus ay tiningnan siya ng mga mata nitong sinlamig ng yelo. "You're right. Wala akong alam sa nangyari sa'yo..."

"But during those years na wala ka, ako ang nagtaguyod ng hacienda na sana ay ikaw ang gumawa."

"What?"

"That's enough, Santiago," awat ng Attorney. Inayos na nito ang mga gamit at nagpaalam na sa lahat. "That's the summary of the testament. Siguro'y i-reschedule natin ang susunod na pag-uusap. Now, if you'll excuse me."

"I have other thinigs to do."

Ngayo'y naiwan silang tatlo sa malaking study room ng ama. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig. Ano ang ibig sabihin ni Santiago sa mga binitawan nitong salita? Hindi ba't umalis ito ng hacienda tulad nang narinig niya sa balita?

May dapat ba siyang malaman?

Dinig ni Camilla ang mahinang hikbi ng kanyang ina sa kanyang likuran. Pinakatitigan niya si Santiago na naghahanda na rin para umalis. Sa mga sandaling iyon ay tiyak niyang lubos na ibang tao nga ang kaharap.

Totoo. Hindi ito si Santiago Santos na nakilala at minahal noon. At wala itong kaamor-amor sa kanya.

"Ano'ng ginawa mo nitong mga nakalipas na taon, Santiago?" tanong niya pagkaraan.

"I did what I must," anito na sinuri siya mula ulo hanggang paa. At gusto niyang manliit sa uri ng titig na ibinigay nito sa kanya. "I wonder what you did the past years that you forget this land and the people around it."

Wala na si Santiago sa kanyangg harapan nang hawakan ng kanyang ina ang kanyang mga kamay. Umiiyak ito nang pinakiusappan siyang maupong muli sa kanyang tabi.

"Hayaan mong ikwento ko ang lahat simula sa umpisa," ani Donya Emilia sa kanya. At nagsimulang makinig si Camilla sa ina.

At unti-unti niyang naunawaan ang lahat-lahat.

~*~

NATULOY siyang lumuwas ng Maynila ng gabing iyon. Hindi siya nagpaawat kahit hiniling pa ng kaanyang ina na manatili muna dito sa hacienda ng ilang araw pa. Miss na niya ang mga anak at nangako na lamang sa ina na babalik muli na kasama na ang mga bata.

Hindi niya matanggap ang mga isiniwalat ni Donya Emilia. Nanlumo siya sa mga narinig. Hindi niya lubos akalain na sa loob ng halos limang taon ay madami ang nangyari sa hacienda. At ni wala siyang kamalay-malay sa mga iyon.

Nagkasunod-sunod ang suliranin sa hacienda matapos ang isang taon umalis siya doon. Bukod sa sinalanta ng sunod-sunod na bagyo ang lugar ay niloko si Don VIncenzo ng isa sa mga pinagkakatiwalang tao nito sa negosyo. Nakapagdespalko ng milyon milyon ang taong iyon at nahirapang bawiin ng ama ang nawalang kapital.

Nasa bingit na noon ng pagkalugi ang hacienda at isa -isang nawawala ang mga kasosyo sa negosyo. Hindi kaya ni Don Vincenzo magpatalsik ng tauhan kaya tuloy tuloy ang pasweldo sa mga ito.

Napakabilis lang ng lahat. Dumating sa puntong lubog na lubog sa mga utang sa bangko ang ama na inatake ito sa puso. Nang mga panahong iyon ay saka bumalik si Santiago sa lugar.

Totoong umalis si Santiago dahil sa utos na rin ng kanyang ama. Hindi alam ng kanyang ina ang nangyari sa binata. Ang sigurado ni Donya Emilia ay iba na ang lalaki nang muli itong tumapak sa hacienda. At hindi na ang apelyidong "Santos" ang bitbit nito kung hindi "Torrealba" na.

Si Santiago ang nagsalba sa papalubog nang negosyo ng ama. Nag-invest ito ng malaking capital at ito na rin ang nag-manage ng lahat. Binayaran nitong lahat ang pagkakautan ni Don Vincenzo sa mga bangko. At sa lahat ng iyon ay hindi humingi ng kapalit ang binata.

Kung bakit nito ginawa ang ganoong bagay ay palaisipan sa kanya. Mukhang wala ring alam si Donya Emilia sa naging paguusap ng asawa at ng binata.

Sa palagay ni Camilla ay marami pa siyang hindi alam. Na ang makakapagbigay ng sagot sa lahat ng katanungan sa kanyang isipan ay tanging si Santiago lamang.

Pasado alas diez na ng gabi nang marating niya ang apartment. Tulad ng inaasahan ay nadatnan niyang muli si Ross sa loob ng bahay. Handa na itong umalis dahil may maagang meeting ito kinabukasan. Sinundo lamang nito ang mga bata mula sa Day Care at inintay siyang makauwi ngayon.

"Oh, Ross," na nang makita ang kaibigan ay tinakbo niya ang distansiya nilang dalawa at niyakap ito nang mahigpit. Nagulat man, niyakap siya nito pabalik. "Ang dami kong gustong sabihin..."

Ibinaba ng lalaki ang mga dalang gamit at iginiya siya sa mahabang sofa. "Simulan mo sa umpisa, Camilla."

At ikinuwento niya sa lalaki ang lahat ng nalaman pati na ang laman ng testamento ng kanyang ama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status