UNANG araw ni Maeve ngayon sa kanyang bagong trabaho. Aaminin niyang samu’t saring emosyon ang nararamdaman niya nang sandaling iyon. Pagkapasok niya sa law firm ay nakita niya ang mga taong abala sa kani-kanilang mga desk habang binabasa ang kanilang mga kasong kanilang hinahawakan. Hindi niya maikakaila sa sarili na na-miss niya ang ganoong sinaryo, ang amoy ng papel at ang tensyon habang naghahanap ng mga ebidensya para sa kasong kanilang hinahawakan.
“I miss this,” mahina niyang sabi sa kanyang sarili na may maliit na ngiti sa kanyang mga labi.
Ngunit sa kabilang banda ay hindi niya maitatago sa kanyang sarili gusto niyang balikan ang ganoong trabaho ngunit may kung anong takot ang bumabalot sa kanya—takot na maaaring umungkat sa kanyang nakaraan at muli niyang ikasira at madamay ang kanyang anak na hindi niya gustong mangyari.
Napailing si Maeve at ikinumpas niya ang kanyang sarili. “Those are not the thoughts I should be havin
MAG-ISANG naglalaro si Nami sa park nang biglang dumating ang grupo nina Rhian, ang mga batang walang ibang ginawa kung ‘di ang bully-hin ang bata.Sinipa ni Rhian ang ginagawang maliit na snowman dahilan para mapatayo si Nami sa kanyang pagkakaupo at binigyan nang matalim na tingi ang batang babae.“What is your problem, Rhian?” tanong nito na magkasalubong ang mga kilay.“What is problem? You!—” sabay tulak sa balikat ni Nami— “you are the problem! You are being a sore to my eyes!” supladang saad ni Rhian.“Rhian, I'm not sure why you're always upset with me. I did nothing to you, but you keep picking fights with me,” tugon ni Nami na nanatiling magkasalubong ang mga kilay.Muli, tinulak ni Rhian si Nami sa labis nitong inis sa ginawang tugon nito sa kanya. “Your presence is annoying me! Kid like you who don’t have daddy is too annoying!” pagdadahilan nito.Nakaramdam naman ng galit si Nami dahil sa mga salitang binabato sa kanya ni Rhian. “Who says that I don’t have a daddy, huh?”
WALONG TAON ang nakakaraan, Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Maeve habang hinihintay ang elevator na makarating sa 32nd floor kung saan naroon ang condo ng kanyang boyfriend na si Luca para supresahin ito sa kanilang ika-limang anibersaryo. “Can’t wait to see his reaction,” wika ni Maeve habang nilalanghap ang bulaklak na kanyang hawak habang tinitignan ang cake na dala niya na may nakalagay, “Happy 5th Anniversary, Baby” na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Naalis ang atensyon ni Maeve sa cake nang biglang huminto at bumukas ang pinto ng elevator. “There we are,” masayang saad ni Maeve sabay labas sa elevator at masayang naglakad patungo sa condo ni Luca. Habang papalapit siya nang papalapit ay bigla siyang nakaramdam ng kaba na halos hindi niya maipaliwanag kung saan ba iyon nagmula, dahilan para mapatigil siya pansamantala sa kanyang paglalakad at napahawak sa kanyang dibdib. “Anong nangyayari sa akin?” nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili. “Ngayon l
TULAD ng sinabi ni Maeve sa kanyang sarili kalahating oras ang nakakaraan ay uminom at nagpakasaya ito sa Temptation Island.“Woah!” sigaw nito matapos tunggahin ng buo ang tequila. “Give another shot,” saad niya sa bartender na agad naman siyang pinagsalinan.Matapos na iabot ng bartender ang order ni Maeve ay mabilis niyang tinungga iyon.“Woah!” sigaw muli ng dalaga.Now Playing: Turn Me On – Kevin LyttleMas lalong nagwala si Maeve sa saya nang marinig ang kantang pinatugtog ng DJ. Dali-dali itong pumunta sa gitna at nagsimulang sumayaw nag hindi paaawat dahilan para makuha niya ang atensyon nang nakararami. Sa labis na bigay todong sayaw dalaga ay nakisabay na rin ang ilang kababaihan at kalalakihan sa kanya sa pagsayaw dahilan para mas lalong naging masigla at nabuhay ang bar.Inom. Sayaw. Sigaw. Iyon ang ginawa ni Maeve sa nakalipas na ilang oras sa Temptation Island. Nagpakasaya siya hanggang sa mawala sa kanyang isipan ang imahe nina Luca at Ellie sa kanyang isipan. Matapos a
DALI-DALING nagbihis si Maeve at umalis sa Temptation Island. Hindi niya na gustong magising pa ang binata at makita siya nito matapos ang nakakahiya at malaking pagkakamali niya na ginawa kagabi. “Damn it! Maeve, anong ginagawa mo sa buhay mo! Kaka-break mo lang kay Luca tapos ngayon nakipag-sex ka sa lalaking hindi mo kilala! Ano bang pumasok diyan sa utak mo?” Sunod-sunod niyang saad sa kanyang sarili. “Alam kong nasaktan ang puso mo pero ayos pa naman ang utak mo, bakit hindi mo ginamit?” Dagdag niyang pangaral sa kanyang sarili habang nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse. Napaubob si Maeve sa manibela at bahagyang inuuntog ang kanyang ulo roon. “Fuck! Anong ginawa ko kagabi? Bakit umabot sa ganoon ang nangyari?” Muling tanong ni Maeve sa kanyang sarili habang pilit na inaalala kung anong nangyari kagabi. Ngunit ilang segundo na ang lumipas pero wala pa rin siyang maalala ng gabing iyon. “Anong kagagahan bai tong ginagawa mo Maeve sa sarili mo?” nasisiphayo niyang saad sa ka
NASA LABAS pa lamang ng kompanya si Maeve ng kanyang ex ay halos ng mga mata ay nasa kanya at pinagtitinginan at pinagbubulungan siya ng mga taong nakakakita sa kanya. Base sa mga kinikilos ng mga ito ay mukhang kumalat na ang tsismis tungkol sa kanila ni Luca, ngunit hindi na lamang iyon pinansin ni Maeve at dire-diretso na pumunta sa kanyang opisina para iimpake ang kanyang mga gamit.“Totoo ba na nahuli ni Ma’am Maeve si Sir Luca na may ibang babae?”“Oo! Iyon ang narinig ko mula sa kabilang department.”“Talaga? Sino ba ‘yong babae? Wala naman akong nakikitang palaging nakaaligid kay Sir maliban kay Ma’am Ellie.”“Ano ba kayo? ‘Yong malanding best friend ni Ma’am Maeve ang kabit ni Sir Luca!”“Ano si Ma’am Ellie?”“Huwag mo ngang ma-ma’am ma’am ang malanding babae iyon! Hindi niya deserve!”“Pero, totoo?”“Oo nga! Siya ang kabit ni Sir Luca!”“Ano ba kayo? Huwag nga kayong magpapaniwala riyan kay Marites at mali-mali naman ang sinasabi!”“Anong mali sa sinasabi ko, Mila! Iyon kaya
DALAWANG linggo ang lumipas, mabigat at masama pa rin ang pakiramdam ni Maeve. Wala siyang ibang ginawa sa mga nakalipas na mga araw kung ‘di ang magkulong sa kanyang k’warto, wala siyang kinausap ni isa. Nagising siya ng nanghihilo at hindi maganda ang pakiramdam.“Damn it! Bakit—”Hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang biglang siyang makaramdam ng pagsusuka dahilan para dali-dali siyang mapatakbo sa banyo. Nagsuka siya ngunit wala namang laman kung ‘di puro lang laway.“What the hell is happening to me?” tanong niya sa kanyang sarili na hindi malaman kung bakit siya nagsusuka.Nakakawala si Maeve sa malalim niyang pag-iisip ng biglang niyang maalala ang nangyari ng gabing iyon.Nanlaki ang kanyang mga mata. “Hindi kaya—”Naputol ang agam-agam ng dalaga nang bigla niyang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pinto. Inayos naman nito ang sarili bago nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok at nang mabuksan niya ang pinto ay nakita niya ang kanyang mo
NANG sandaling bumaba si Maeve ng kotse ay nakita niya ang sandamakmak na reporters na nag-aabang sa labas at loob ng airport. “Do you see what you have done?” paninising punto ni Hudson kay Maeve dahilan para mapayuko. “Binigyan mo ng kahihiyaan ang pamilya natin.” Hinawakan ni Lucinda ang kamay ni Hudson. “Honey, don’t be harsh to our daughter. Alam niyang nagkamali siya hindi mo na kailangan na ipamukha pa sa kanya,” pag-aawat na saad nito. Ngunit matigas ang loob ni Hudson. “Lucinda, a mistake is still a mistake. It can never be undone. She brought shame to our family, and it will be remembered by all!” “But—” Hindi nagawang maituloy ni Lucinda ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Maeve ang kanyang kamay at saka binigyan ng pag-iling. “That's all there is to it, Mommy. Daddy is correct; I messed up and am now a disgrace in our family.” “No, no. Mabi, you—” “Mommy…” Muling pagpuputol ni Maeve sa sasabihin ng kanyang ina dahilan para magkatinginan sila mga mata. Ilang sagli
MARCH 23, 1231H, Tanghali na nang makarating si Maeve sa Chicago Midway Airport. Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong paligid kung saan nagsisimula ng sumibol ang mga dahon mula sa puno na tanda na nagsimula na ang panahon ng tagsibol. Unti-unti nang nagiging kulay luntian ang mga punong dating nabalot ng nyebe at hindi iyon maipagkakaila ni Maeve na napakaganda iyong pagmasdan. Ngunit lahat ng nakikita niya sa kanyang paligid niya nang sandaling iyon ay bago sa kanyang paningin at katawan. Napapikit ng kanyang mga mata si Maeve at humugot nang malalim na paghinga. “Will I get to used to this?” tanong niya sa kanyang sarili na napabuga nang sandaling iyon. Napatingin siya sa kanyang tiyan at biglang napaisip. If things didn’t go like this, will I end being here? Alone? Iyon ang katanungang biglang sumiksik sa kanyang isipan. Habang nakatayo sa kanyang kinatatayuan ay muling nanariwa sa kanyang alaala ang mga nangyari sa nakaraang halos isang buwan. Sino nga ba ang nagkulang s